chapter 7

1.4K 50 3
                                    


Johara POV

Wedding ring

Kinakabahan ako ngayon dahil posibleng magulang nga niya toh. Panay ang kwentuhan nila mama at nung babaeng nasa harapan ko.

Tahimik lang ako dito na kumakain dahil hindi ko alam ang pinag uusapan nila tungkol sa business. Minsan sumusulyap saakin si edward nahahalata niya siguro ang pag kailang sa akin

"ah hija, naka pili kana ba ng reception na kasal niyo? What about your gown? "

Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya dahil naka harap siya sakin kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko!!

Gown???

Ako??

"mom! Let's just not talk about it"sabat ni edward, ibig sabihin magulang niya toh??

"Edward, hindi mo pa ba sinasabi sa kanya? "

"Son... Where's your wedding ring?? " Sabi ng matangkad na medyo may edad ng lalaki parang older version ni edward.. Tatay niya toh??

Bigla nalang siyang tumayo at hinila akong tulala, napa tayo narin ako

"Please excuse us.. "

Hinila niya ako kaya nag pa tianod na rin hanggang sa nakalabas na kami.

"Sandali nga Lang!! Anong pinagsasabi nila??!!! Parents mo ba yun?? Baket "

Sinabunotan niya ang sarili niya at mas lalo akong naguluhan

"Sinabi ko naman sayo na wag mong pansinin ang sinasabi nila!! "sigaw niya

Totoo nga??? Magulang niya yun, pero anong kasal?

"eh pano ko hindi papansinin kung sinong tunutukoy nilang ikakasal!!!! Ikaw ba yun?? Baket ako nandito kung ikakasal kana pala!!! Nasan yang fiancee mo kung ganon ha!!! "

Sumisikip nanaman ang puso ko sa pag kaalaman na ikakasal ka siya..

Shit naman! wag ngayon please..

Pilit kung nilalabanan ang sarili ko para hindi niya makitang nasasaktan ako! Tangna!

"damn it!!! ...fuck! "he course

Sunod sunod ang mura niya, hindi ko alam ang gagawin sa Dami ng tanong na nasa isip ko. Ng bumaling siya sa kin na matalim ang tingin.

"Ikaw ang fiancee ko.. " Bigla siyang napayuko ng sinabi niya yun

๏_๏

Unti unting rumehistro sakin ang sinabi niya.

What???? Ako ang fiancee niya???!!!

"A-anong sinabe mo?? "

"Fiancee kita... " ulit niya

Confirm!!

Shit! Pano nangyari yun?? Oo, gusto ko siya pero hindi ibig sabihin nun ay magpapakasal na agad ako!!! Hindi ko pa nga siya nagiging boyfriend kasal agad?? My god!!!! Ang bata ko pa!!!

"Wag ka munang mag isip ng kung ano ano dyan... Sinabi lang ni dad sakin last month na Ia-arrange mirrage niya ako sayo. Sa una ay tutol ako sakanya dahil ayoko pang ikasal kaya lang wala akong magagawa matagal na nila itong napagmasunduan I can't do to fix it, Mawawala sakin ang mana ko"

Ibig sabihin napipilitan lang siya!! Oo napilitan Lang, Kung hindi niya ako pakakasalan Mawawalan siya ng mana kaya wala siyang magagawa kundi pakasalan ako kahit di niya gusto....ako

Kainis! Bakit bigla akong naawa sa kanya, sabihin ko kaya kay mama na itigil ang kasal? Kaya ko ba? Pero gusto ko siya! Gusto niya rin kaya ako??

"Pumayag ka?? Paano naman ako? Hindi niyo pa naririnig ang disisyon ko gumagawa na kayo!!! Paano kung ayoko??!! "

Bumuhos na ang mga Luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Gusto ko siya pero ayokong makasal sa taong hindi naman ako mahal.

"Shh....I know, I'm sorry... Bukas nalang natin to pag usapan" niyakap niya ako habang inaalo kaya Bumuhos pa lalo ang luha ko. Alam kong pag Nakasal kami ay magiging miserable siya at ayokong mangyari yun, sana ibang sitwasyon nalang hindi yung ganito.

Umiiyak pa rin ako hanggang sa maka uwi kami, wala pang tao sa bahay. Aakyat na sana ako para mag pahinga pero hinarangan niya ako.

" Johara, don't take it more complicated. Ayokong lumayo ang loob mo saakin"

"of course. Don't worry sa papel lang naman tayo ikakasal so it will be fine"

Kita ko ang galit na mata niya sa hindi malamang dahilan hindi ko na hinintay ang isasagot sa kanya at pumunta na sa kwarto

Pagbukas ko ng pintuan ni lock ko muna toh at sumampa na sa kama ko.ubinuhos ko lahat ng Luha ko sa unan kaya basang basa na.

Bakit walang sinabi sakin si mama sakin dito? At Ano, matagal na pala nilang napag kasunduan?? Ibig sabihin kahit mag boyfriend ako dati ay si edward parin ang makakatuluyan ko?? Napaka unfair!! Paano kung may girlfriend na yung tao?

Kaya ba siya pumunta dito para makilala ang mapapang asawa niya?? Simula palang ba plinano na nila to? Kaya umalis sila mama at maiwan kaming dalawa dito?

Kaya ko bang ikasal sa kanya?

Unexpected  Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon