Johara POVLasing
Hindi ko alam kung paano ako naka punta dito sa bahay ni Zaira pabalik dahil wala na akong alam na pupuntahan dito sa manila kundi siya lang
Nang makita ako ni Zaira ay nagulat at halong taka sa itsura niya. Mabuti nalang nandito siya kung hindi, hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Niyakap ko nalang si Zaira at dun humagulgul na umiiyak, parang batang inaapi
"J-johara??! Anong nangyari, baket ka umiiyak?? " Galit na tanong nya
Imbis na sagutin ang tanong niya parang naiiyak pa lalo ako
"ayoko na... Ang sakit sakit eh"
Mas lalong bumuhos ang luha ko.
"Shh...tahan na, magpahinga ka muna" ani niya
Sa huli hindi narin niya ako pinilit na sabihin sakanya ang nangyari
Nandito nanaman ako sa kwarto mag isa at parang sobrang hina ko dahil hindi ko man lang mapigilan yung mga luha ko. Hindi naman ako iyakin noon eh
Parang nanikip ang dibdib ko ng isiping hindi naman niya ako mahal kaya bakit ako nag re react ng ganito?? Ano ba ako sa kanya?? Fiancee?? Tangna'ng fiancee yan!! Hindi naman totoo napilitan lang!
Anong iniiyak iyak ko pa dito?? Wala naman akong karapatan sakanya EH!! Pero kahit na, nasasaktan parin ako. Posible kayang mahal ko na siya?
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kung mahal ko siya, may karapat din ba akong mag selos??
Sobrang dami ng iniisip ko at ganon parin ang luha ko, basang basa ng ang pisnge ko pati narin ang mga unan. Hindi ko namalayan naka idlip na pala ako sa pag iiyak
Nagising ako sa kalagitnaan ng pag tulog ko ng namumugto ang mata. Bumangon ako at nag hilamos ng mukha, at nakita kung gabi na pala. Nakita ko sa gilid ang kama ko ang phone,tinignan ko ito ang nagulat ng makita ang 124 calls at 96 messages lahat ng yun ay galing kay Edward. Pero hindi ko to pinansin at pinatay nalang. Bahala siya dyan.
Wala naman akong gagawin kaya nag bihis ako ng dati kung sout gaya ng short at nag lagay din ng kunting make up. Inalis ko na rin yung singsing sa kamay ko at nilagay sa drawer.
Nang makapag ayus na ay sinabihan ko si Zaira na pumunta kami ng bar dyan sa malapit wala na siyang nagawa dahil sa kalagayan ko naintindihan naman niya siguro sa huli ay pumayag na rin
"Wag kang masyadong mag lalasing doon ahh.. "
"Oo "
Nangmaka punta na kami ay maaga pa at wala pang masyadong tao. Pero sa labas palang ay maingay na at paparami na ng paparami ang tao.
Pangalawang punta ko palang dito sa bar, nung una ay ng magkaayaan kami nung kaklase ko pero hindi naman ako nagtagal. Ngayon ay mag i enjoy muna ako, kakalimutan ko muna siya ngayon
Pag pasok namin ay sobrang ingay may sumasayaw din sa dance floor, meron din umiinom at naghahalikan sa gilid
Pinilig ko ang ulo ko at nagtungo sa isang table.
"Johara dito kalang ha., tawagin moko pag may problema ka"
"Okay.. "
Pagka alis niya hindi ko alam kung saan siya nagpunta palagi sigurong nandito. nag order agad ako nang alak. Pag abot sakin ay agad akong nagsalin sa baso ko at ininom ito.
Ramdam ko ang pait nito na dumaloy hanggang sa lalamunan ko at init na lumukob sa buong katawan ko. Pero parang wala lang ito sakin kumpara sa nararamdaman ko.
Naka ilang beses na akong nakalagok sa baso ng may Tumabi saakin, mestiso siya at medyo matangkad mukhang hindi makakapag tiwalaan.
"hey! Can I set here?"
"sure.." wala sa sarili kong sagot
"bakit mag isa kalang? Wala ka bang kasama?? "
" wala."
Sabay shot ng sa baso ko. Ramdam ko na ang epekto ng alak sa katawan ko, namumungay na ang mata ko at parang nahihilo narin.
" do you have a problem miss? You know I can make you feel......Better" bulong niya sa tenga ko
Wala na ako sa tamang pag iisip ng halikan ako sa leeg nung lalaking hindi ko naman kilala at bigla ako napatalon ng kaunti ng dumapo ang kamay niya sa hita ko.
Wala na akong lakas para pigilan siya dahil hinang hina na ako dagdag mo pa yung problema ko. Pilit akong humugot ng lakas para itulak siya.
Pero may gumuyod sa kanya at sa sobrang bilis nakita ko nalang na naka handusay na yung lalaki sa sahig
Tinignan ko kung sinong may gawa non. Nagulat nalang ako ng makita si Edward na madilim ang mukha at sobrang pula na sa galit
"Fuck!! Don't you dare to touch her!! " galit na sigaw niya at pinaulanan nanaman niya ng suntok yung lalaki na wala ng malay ngayon.
Marami naring taong nakatingin samin sa pang i eskandalo ni edward
"pwede ba, tumigil na kayo! "
Sabi ko dahilan kung bakit nakatingin sakin si Edward ngayon at hindi ko mabasa ang emosyon halo halo ito.
Hinila niya ako sa malayo halos walang tao dito pero nasa loob parin kami ng bar. Ng Bitawan niya ako ay nakita ko ang galit sa kanyang mata na parang gustong mag wala
"Ano bang ginagawa mo??!!! Johara!!! " galit na sigaw niya sa pag mumukha ko
Sa halip na sumagot ay hinila ko siya at nag lapat ang aming labi. Nabigla siya sa ginawa ko pero itinuloy ko parin kahit hindi ko alam humalik....
BINABASA MO ANG
Unexpected Husband
Teen FictionForcing someone to love us is not good. If they truly loves you they will take you wholeheartedly. Johara met a stranger that she needs to accompany with, because she will merry him soon. How can she deal with it? Think long and hard before saying...