Seventeen

884 14 2
                                    


Imbis na umalis nalang at tumakbo ay nanatili lang ako sa pwestong 'to. Nakatitig pa din ako sa dalawa na parang hindi ako nakikita dahil sa sobrang saya nila.

Mapait akong natawa.

Ricci's here with another girl.

Tiwala ako sakanya noon pa. Kahit maraming tao ang nagsasabing playboy or chicboy sya ay naniwala pa din ako sakanya. Pero tama nga pala ang sinasabi ng iba na.. playboys never change.

Hihinto ssila saglit pagkatapos ay uulit ulitin din nila 'to. Siguro gusto muna nilang maniwala sakanila ang mga biktima nila bago nila ito saktan. Pero i wonder why.. bakit nila ginagawa? Dahil ba hindi sila makuntento? O baka akala nila laro lang ang lahat ng 'to?

Nang makalapit sila ay mas lalo kong gustong tumakbo nalang. Kita kita ko kasi mula rito na si Ricci talaga ang lalaking 'to. Ang sakit dahil tama na naman sila.

Kaya lang naman ako nanatili dito ay para kumpirmahin kung si Ricci ba itong nakikita ko ngayon. At hindi ako nagkamali dahil sya 'to.

"Ysobelle! Tara na.." sabi ni Deanna.

Hinigit ko pabalik ang kamay ko sakanya at nanatili pa din sa ganong pwesto.

Pinasadahan ko uli ng tingin ang dalawa na masayang masaya habang nagkukwentuhan. Dahil na rin sa malapit na sila sa akin ay nakita ko si Eunice na nag angat ng tingin sa akin. Tumigil ito sa pagsasalita at hindi na naglakad. Nagtanong si Ricci kung anong nangyari sakanya pero hindi sumagot si Eunice.. tanging nakatingin lang sya sa akin.

Kumunot ang noo ni Ricci kay Eunice. Biglang tumingin si Ricci sa gawi ko. Halos matumba ako at manghina nang makita syang nakatingin sa akin. Nagulat ito habang nakatingin pa din sa akin.

Ngumiti ako sakanya.

"Kaya ka pala hindi nakasama?" tanong ko. "Pero infairness sayo.. atlis nakapunta ka." ngumiti ako.

"Ysobelle.." malamig na utas nya.

Tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Mistulang nag karera ang mga luha ko sa bilis pumatak ng mga 'to. Pinupunasan ko ang pisngi ko pero hindi pa rin tumigil ang pag agos ng luha.

Sinambit nya ang pangalan ko. Pero ang sakit dahil sobrang lamig ng pagka banggit nito. Na para bang wala syang pake kahit nakita nya ako. Nagulat sya sa umpisa pero pagkatapos noon ay parang wala na lang ako sakanya.

Bakit parang hindi sya natakot na nakita ko sya na may kasamang iba? Bakit parang hindi sya natakot ng nakita ko syang masaya sa iba? Bakit..

Oo nga pala.

Hindi pala kami.

Wala akong karapatan.

Lagi naman e.

Wala akong karapatan na umiyak ngayon dahil sa nakikita ko. Kasi kahit sino namang kasama nya ay dapat hindi ako makialam. Kasi sino ba naman ako? Nililigawan nya palang ako. Nililigawan parin ba? Parang hindi naman na..

"This is Eunice. Eunice Neptuno." pagpapakilala nya sa babaeng kasama nya.

Bakit parang wala lang talaga sakanya ang lahat? Bakit ang dali nyang ipakilala sakin ang babaeng 'to na hindi man lang iniisip ang nararamdaman ko?

Eunice Neptuno.

I know her.

Ilang beses kong narinig ang pangalan na yan. Madalas pag naririnig ko ay nakadikit sa pangalan ni Ricci. Nung una ay hindi ako naniniwala, kasi sabi ko.. gusto ako ni Ricci. Pero dapat pala kahit hindi mo nakikita ay kailangan mo ng maniwala. Para sa huli hindi ka magmukhang tanga.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon