Twenty Five

1K 19 1
                                    


"What do you want? Burger? Fries?" tanong ni Tyler.

"Ikaw nalang bahala," sabi ko.

Ngumiti sya sa akin. Pinisil nya ang pisngi ko habang tumatawa. Sumimangot naman ako sa ginawa nya. Ang sakit naman kasi.

We've been together for like three years. Pero hindi ko sya sinagot. Kasi na realize ko na pwede naman akong maging masaya na hindi na kailangan na may masaktan. Okay naman sa kanya yon, mas pabor pa nga daw sakanya dahil kahit hindi kami, atleast magkasama kami. Nasa US kami ngayon nakatirang dalawa.

Dapat ako lang talaga ang pupunta rito kaya lang, dahil mapilit sya ay sumama pa rin. Dito ko kasi tinuloy ang pag aaral ko. Pagkatapos kasi ng mga pangyayari noon ay kinausap ako ng parents ko kung ayos lang ba sa akin na sa America nalang tumira. Para na rin daw maging maayos na ako at makalimot. Syempre, pumayag na rin ako. Kahit na alam kung marami akong maiiwan ay tinanggap ko iyon.

He love me. That's why he follow me here.

Noong una syempre hindi ako pumayag na sumunod siya sa akin. Kasi ano ba naman ang gagawin nya rito? Paano yung varsity nya sa Ateneo? Ang dami na nyang opportunities na dumadating tapos biglang syang aalis. Pero naisip ko na wala naman akong karapatan na sabihing hindi pwede. It's his decision after all.

Nakapag tapos na ako ng pag aaral sa States. Sa wakas, nagbunga lahat ng pinaghirapan ko. Yung araw araw kung pag iyak dahil sa mga exams namin na sobrang hirap. Yung mga times na miss na miss ko na yung mga kaibigan ko sa Pilipinas. Pero buti nalang, nakayanan ko rito.

Pagkatapos kong mag aral ay naghanap agad ako ng mapagkakakitaan. Syempre hindi naman porke nandito ka sa America ay hindi mo na kailangang mag trabaho. Well, sabi nila Dad sa akin na kahit sa kumpanya nalang daw nila ako mag trabaho. Hindi ko tinanggap.

Kasi hindi naman business ang gusto ko. Kahit gaano ka gusto nila Mama at Papa na ipamana sa akin ang naitayo nilang Furniture Business, ay tinanggihan ko 'to. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa Business. At saka kung sakaling mag trabaho ako, gusto ko sa ibang kumpanya. Gusto ko yung hindi kumpanya ng kahit na sinong kakilala ko. Gusto ko yung ako lang.

Ipapamana nila sa akin ang Business nila. Ibig sabihin, may pwesto na agad ako. Pero mas gusto ko yung ako mismo ang mag pupundar. Yung ako mismo ang naghirap para mapatayo iyon. Ayaw ko ng impluwesya. Dahil mas maganda siguro na mag umpisa sa hirap bago makuha ang magagandang bagay.

"Dami daw nag offer sayo na Pro Leagues sa Pilipinas?" tanong nito sa akin. "Inaccept mo?" dagdag nya.

"I'm not sure yet. Pinag iisipan ko pa kasi kung tatanggapin ko o hindi. Meron din kasing offer sa China na League doon." sabi ko.

Habang nag hahanap ako ng trabaho dati, may nag offer sa akin na Coach na maglaro for his team. Nakita nya pala ako noon na naglalaro ng volleyball with my friends here. Tapos nung nakita nyang okay naman ang performance ko, inalok na nya ako.

Hindi ko inexpect na magkakaroon ako ng opportunity na maglaro ulit ng seryoso. Kasi wala namang masyadong competition dito pag dating sa volleyball, pero meron pa palang mga gumagala na Coaches.

Hanggang sa nag tuloy tuloy na. Malaking team pala ang unang nag offer sa akin noon. Kaya nagulat ako noong pagkatapos ng contract ko sakanila, mas maraming teams for different country ang nag offer sa akin.

"Sayang naman. Pero you should try playing to our country." aniya.

Tumango nalang ako.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon