Thirty Two

681 13 0
                                    


Pinagmasdan ko nang mabuti ang napakalaking simbahan na nasa harapan ko ngayon. Nakalimutan ko ang pangalan nito dahil hindi ko naman napapansin ang sinasabi kanina ng tour guide.

Pumasok na kami sa loob nito. Walang masyadong tao rito dahil hindi naman ito katulad ng simbahan sa Manila na open sa lahat ng tao. Ang simbahan na ito ay nasa loob ng isang baranggay. Hindi katulad ng sa Manila na open space talaga.

Hindi bago lahat ng gamit rito pero hindi pa rin nawawala ang ganda ng lugar na 'to. Classic. Timeless.

"Balang araw, dito ako ikakasal." sabi ni Maddie.

"I agree to you, Madz. This is the one of the best churches I've seen in my life." si Bea.

Ngumiti naman ako.

"Dito ka rin ikakasal, Bei?" tanong ni Deanna.

Humalakhak naman ako. "Sino papakasalan mo?"

Hindi nalang ito sumagot. Maya maya ay bigla itong lumapit sa amin at hinampas ako gamit ng kamay niya. Hinawakan ko iyon dahil masyadong malakas ang pagka hampas nito.

Sumimangot ako sa sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko katumbas ng palo niya ang spike ng mga mens team, grabe kasi ang lakas at lutong nito.

"Oh ano? Isa pa?!" aniya.

Umiling nalang kami ni Deanna at lumayo nalang sakaniya. Nauna na kami sa pagpasok habang ang dalawa ay pinipicturan ang buong church.

Paano sila mag eenjoy kung puro sila picture?

Umupo ako sa sa pinaka harapan. Pinagmasdan kong mabuti ang mga disenyo na nakalagay rito. It's very unique and classical. Siguro ay kahit isang araw akong tumingin rito ay hindi ako magsasawa.

Lumuhod ako at yumuko para magdasal. Sobrang tahimik nang nasa paligid ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng nerbyos.

Hindi ko nalang namalayan na umiiyak na pala ako. Tumutulo na naman pala ang mga luha ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pakiramdam ko ay winawasak ang puso ko sa bawat pagpatak ng mga luha ko.

Nararamdaman ko nalang ang mahihinang pagtambol ng puso ko na nagbibigay sa akin ng mas masakit na pakiramdam. Parang winawarak ang puso ko at nararamdaman ko ang mainit na luha sa mga mata ko.

Why am I crying?

Lord, bakit ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon? Bakit pakiramdam ko dinudurog ang puso ko?

Make me understand, Lord. Make me understand on why am I experiencing this things. Kasi nahihirapan na ako. Nasasaktan na naman ako. Akala ko nawala na, akala ko natapos na.. pero bumabalik pala at hindi ka hahayaang makalimot.

Binuksan ko ang aking mga mata. Nararamdaman ko pa rin ang pag tulo ng mga luha ko at pinupunasan ko nalang iyon. Sumulyap ako sa malaking krus at ngumiti.

"Kain na tayo!" rinig kung sabi ni Deanna.

"Kumain ka mag isa mo.." sabi ni Bea.

Humalakhak naman si Maddie. "Oo nga! Pero kung gusto mo, isama mo kami, pero may libre."

Narinig ko pa ang pang aasar nila kay Deanna kaya natatawa nalang ako. I really miss them. Inaamin ko na marami akong naging kaibigan sa ibang bansa, pero ibang iba pala ang totoo at natural. Mas nararamdaman mo pala ang totoo at natural na kaligayahan kapag nandito ka sa pinagmulan mo. Na kahit saang lugar ka man mapunta, iisa at iisa lang ang lugar na para sayo.

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon