Chapter 1: Band Aid

5 0 0
                                    

“Bye manang!”

“Bye door! ”

“Bye mama!”

“Bye house!”

“Bye garden!”

“Ohh bye tulips!”

Pagkatapos kong magpaalam ay nakarating na din ako sa labas ng bahay.

Ang ganda ng panahon ngayon hindi mainit at hindi din makulimlim basta katamtaman lang. 9am palang naman ngayon kaya maglalakad nalang ako papasok tutal mamaya pa namang 10:00 ang pasok ko.

Pagkalagpas ko sa tindahan ni Aleng Chuba ay saka nya lang ako nakita.

“Hi Solar papasok ka na?”

Tumango ako habang nakangisi.

“Ang aga pa naman ah mamaya ka na kaya pumasok.” tignan mo tong si Aleng Chuba pinipigilan akong pumasok.

Bad influence tong si Aleng Chuba.

“Nako Aleng Chuba! Hindi po pwede kasi baka mamaya pag nalate ako di na ako papasukin ng guard!” sabi ko pa at nagsimula ng maglakad.

“Oh sige! Bye Solar!” sigaw nya pa.

Ang lakas ng boses ni Aleng Chuba daig pa yung baboy kung mag oink oink.

Nakarating na ako sa may bandang tandado street at bumungad sa akin ang pa slide na daan.

Eto palagi ang kinakatakutan ko sa lugar namin ang pa slide na daan.

Nadala na kasi ako dyan, dati kasi palagi kaming nag lalaro dito ni Yerin yung best friend ko. Kumukuha kami ng kahoy o kaya tabla tapos magpapaslide kami dito. Tapos sa sobrang lakas ng energy nung kahoy na sinakyan namin, ayun nabangga kami sa may batuhan tapos nagkabukol kaming dalawa.

Tapos sabay din kaming pinagalitan ng mga mama namin naalala ko pa nga yung sermon saken ni mama 'Tignan mo nangyari sa ulo mo! May bukol may bukol! *sabay kurot sa tagiliran ko* ang kukulit nyo kasi yan ang napapala ng taong makulit brarararatatatat bomchibong sakalaka hohoho booooghsss!'

Huminga muna ako ng malalim bago ako maglakad sa paslide na daan na to.

Kaso parang ayokong maglakad.

Takbo nalang kaya ako!

Hmm baka mamaya sa sobrang bilis kong tumakbo e baka bumalentong ako, wag nalang.

Tsk tatalon na nga lang ako!

Okay eto na.

Jump

Talon

Jump

Talon

Jump

Talon

Jump

Talon

Jump

Talon

Jump

Talon

Jump—

“Araaaaay!!”

Napahimas ako sa tuhod ko dahil sa kakatalon ko ay nadapa ako.

Sinusumpa ko talaga tong daan na to huhu!

Pretty HurtsWhere stories live. Discover now