Chapter 2: Triggered

2 0 0
                                    

Tanaw na tanaw ko dito si Yerin habang nag cecellphone at suot suot ang maganda nyang ngiti.

Mukhang may pinagkakaabalahan tong babaeng to ha.

Lumapit ako sa kanya at kinalabit sya.

“Uyy Solar andyan ka na pala.” itinago pa nya ang cellphone nya sa likod nya.

Kumunot naman ang noo ko. Bakit kailangan pa nyang itago yung phone nya e dati naman wala syang pakelam kung nandito ako o hindi basta nagcecellphone lang sya.

Iba ang nararamdaman ko hays. Pero kung ano man ang tinatago nya sa akin sana sabihin nya sa akin kasi best friend nya ako.

Ngumiti ako. “Oo kararating ko lang.”

“Gaga ka akala ko malalate ka e.” natawa pa sya.

“Ah haha hindi noh.” kumirot bigla yung sugat ko sa tuhod kaya napahawak ako don.

Napatingin naman si Yerin sa akin at bumaba ang tingin nya sa tuhod kong may band aid.

Oo yan yung kaninang band aid na binigay ni argh hindi ko alam kung anong pangalan nya! Basta naka headphone yun kanina.

“Anong nangyari dyan!?” napatakip naman ako ng tenga dahil sa sigaw ng babaeng to.

Napatingin tuloy yung ibang estudyante, eto kasing si Yerin eh ang lakas ng boses.

“Huy hinaan mo nga yang boses mo ang daming nakatingin oh.” sabi ko pa.

“Eh ano naman? Sagutin mo kasi ang tanong ko anong nangyari sa tuhod mo ha?” tumaas pa ang kilay nya at nakapamewang.

Grabe para talaga syang si mama.

“Nadapa kasi ako kanina.” tinignan ko pa ang tuhod ko, naalala ko yung nangyari kanina lalo na sa lalaking yon.

“Bakit ka nadapa?” napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa tanong ni Yerin.

Kahit kelan talaga tong babae na to, hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nya kasi hindi ko naman sinasadya na madapa.

Tapos pinatid pa ko ng lalaking yon nakakapang init ng ulo.

“Hays tara na nga!”

“Ano kayang mas maganda dito?”

“Etong kulay pink ba or etong dark pink?”

“Uyy Solar magsalita ka naman.”

“Ano ba naman tong babaeng to sobrang bingi.”

“Huy Solar anong nangyari sayo bat ka tulala?”

“Hoy Solar kausapin mo ko!”

“Anak ng? Kelan ka pa naging snob?”

“HoOoooy!”

“SOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRR!”

“ANO BA YON!” napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sigaw ni Yerin.

Pucha iiwasan ko na nga na magkape masyado na akong nagugulat sa lahat ng bagay.

“Ano bang nangyayari sayo kanina pa ko salita ng salita dito tapos nakatulala ka lang?” tinaasan pa nya ako ng kilay.

Pero seryoso kanina pa sya nagsasalita bakit hindi ko narinig?

Argh!

“Eh k-kasi—”

“Kasi?!” ang atat naman masyado netong si Yerin!

“Sandali nga lang!” ako

“Ano nga kasi?!”

Tinuro ko yung lalaking nasa ilalim ng puno.

Si Dale.

Ang taong gusto ko.

“D-dale?” pabulong na sabi pa ni Yerin.

“Bakit anong meron kay Dale?” tanong ko pa.

Kasi nanatili lang syang nakatingin kay Dale at halos hindi nya na alisin ang tingin dito.

“Yerin?” tawag ko pa sa kanya.

“O-oh?” napamewang naman ako at tumaas ang kilay ko.

May hindi sinasabi sa akin si Yerin.

“Oy bat nakataas yang kilay mo?” tanong pa nya.

“Magsabi ka nga ng totoo sa akin Yerin.” seryosong sabi ko pa at tinignan sya ng diretso sa mata.

Sya naman ay hindi mapakali at hindi sya makatingin sa akin. So totoo nga may hindi sya sinasabi sa akin.

Hindi naman sya ganito dati, sobrang honest nya sa akin at ganun din ako pero ano ng nangyari ngayon?

“May boyfriend ka na ba?” tanong ko pa at biglang nanlaki ang mga mata nya.

Napansin ko kasing panay cellphone sya netong nakaraang  buwan pa tapos palagi syang nakangiti, minsan hindi nya ako sinasamahan sa lunch kasi may pupuntahan daw sya, minsan nag cucutting sya dahil may emergency daw.

Pero ngayon iba talaga ang nararamdaman ko.

May tinatago sa akin ang best friend ko.

“Wala akong boyfriend.” diretsong sabi pa nya at tumingin sya sa phone nya.

“Wala kang boyfriend?” tanong ko pa ulit.

“Wala nga!”

“Eh kung ganon may manliligaw ka?” tanong ko pa at muntik nya ng mabitawan ang cellphone nya.

Ano ng nangyari sa best friend ko? Bakit biglang naduwag ang bestfriend ko?

Matagal syang sumagot at ako naman ay naghihintay sa sagot nya.

Tumango sya bigla.

“Bat ngayon mo lang sinabi?” tanong ko pa.

“E-eh kasi hindi ko kayang—”

“Hi Solar! Hi Yerin!” napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil narinig ko ang boses ni Dale.

Grabe sobrang gwapo nya talaga.

“Hi Dale” si Yerin

“Umm hi Dale.” bati ko pa

Pucha bakit ba kasi ang gwapo mo Dale? Ano bang ginagawa mo saken?

“Ang cute mo naman Solar.” tumawa pa sya at kinurot ang pisngi ko.

Anak ng?! Totoo ba to?! Cute daw ako sabi ni Dale?!

“Ahh haha bolero.” sabi ko pa at yumuko.

Pagdating talaga kay Dale ay nanghihina ako. Sana magkaroon ako ng lakas ng loob para umamin sa kanya at sana gusto nya rin ako..

“Totoo naman ang sinabi ko cute ka naman talaga diba Yerin.” tumingin sya kay Yerin at ngumiti.

Pero bakit pakiramdam ko ay hindi nya sinasabi sa akin ang salitang cute bakit pakiramdam ko ay sinasabi nya ito kay Yerin.

Aish ano ba tong iniisip ko?!

“Tss.”

Napatigil ako saglit at mukhang familiar sakin ang 'tss' na yon.

Wag mong sabihin na nandito yung lalaking yon?!

Pagkatingin ko sa gilid ko ay nakita ko syang nakatayo don at masama ang tingin sa akin.

Ha! Sya pa talaga ang balak na magganyan samantalang ako dapat ang gumawa non!

Lumapit sya sa akin at may binulong sya sa akin.

“You look like stupid.”

POTAAAAANG!

Bago ko pa sya masigawan ay umalis na sya.

End of chapter 2.

erixxxa

Pretty HurtsWhere stories live. Discover now