Rei Xiu Degenhardt
Sabi ko na nga ba at absent si Brent. 'Yung lalaking 'yun talaga! Pagktapos kasi ng orientation naming kanina ay nagkausap pa ulit kami ni Eli at tinanong ako kung may natanggap daw ba akong sulat galing kay Brent, ngunit wala namang sulat galing sa kaniya na dumating sa akin.
Sinabi niya sa akin na pinadalhan siya ni Brent ng liham at baka raw maging ako ay pinadalhan din pero hindi pa dumadating sa amin. Siguro nga, tatanungin ko na lang si yaya Anna mamaya pag-uwi ko.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng nursing building, hinahanap ang classroom ko sapagkat napahiwalay na naman ako kina Nathan. Hihintayin ko na sana sila kanina pagkatapos naming mag-usap ni Eli kaso biglang sumulpot na naman 'yung Night na 'yun kaya wala akong nagawa kung hindi lumayas sa gymnasium.
Kaya heto ako at nag-iisa na naman. Kainis talaga!
Unfortunately, may pasok na kami. Well, Tuesday ngayon at may isang subject lang kami ngayon which is mamayang alas-dos pa at ala-una pa lamang so may isang oras pa ako para maligaw sa building na ito. Nice.
Binigyan na kasi kami ng schedule at nakalagay iyon sa maliit na tableta. So far maayos naman schedule ko. Isang subject tuwing Tuesday, tatlong subject sa Wednesday at Thursday, at dalawa sa Friday. Wala masyadong vacant sa Wednesday at Thursday dahil whole day iyon, pero ayos lang, sanay na rin naman na ako.
Hay, ang nakalagay dito sa maliit na tablet ana ito ay ang room ko sa araw na ito ay NB603, at kanina pa ako nakakakita ng mga number sa itaas ng pintuan ng room, katulad na lamang nitong isang room, ang nakalagay dito ay NB302.
Palagay ko ang ibig sabihin ng NB ay Nursing Building at ang 302 ay floor number at room number. So nasa third floor pa lang ako. Hayst, 6th floor pa pala ang room ko. Makaakyat na nga at ako'y naiinitan na. 'Yung ibang room dito ay may aircon habang ang iba naman ay electric fan lamang at sana naman may air-conditioning 'yung room namin.
Tinungo ko na nga ang hagdan patungo sa 6th floor at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na napakaraming palapag ng bawat building dito tapos meron pa silang dormitory. Ano kayang itsura ng dormitory namin.
Medyo—ay hindi na pala medyo kasi sobrang bongga pala ng university na ito. Biruin mo 'yun at parang mas malaki pa sa isang bayan ang sakop ng university na ito at kamakailan ko lang nalaman ang tungkol sa university na ito!
Habang umaakyat ako sa hagdan ay may nakasabay akong isang nursing student din. Lalaki ito at halatang nagmamadali dahil ang lalaki ng hakbang na ginagawa niya sa hagdan. Malalate na siguro ito.
Bukod sa kapansin-pansin na nagmamadali ito ay napansin ko rin ang mala-gintong kulay ng kaniyang buhok na kapag nasisinagan ng liwanag ng araw mula sa bintana rito ay kumikinang ito. Na-curious tuloy ako kung anong kapangyarihan niya.
Dahil sa mabagal akong maglakad, nawala na siya sa paningin ko at ako naman ay binasa na lamang ang mga kursong mayroon kami ngayon para sa unang semester ng aming pag-aaral. Napansin ko na ang mga section dito ay naka-base sa mga parte ng katawan ng tao, which is naka-translate sa wikang aleman.
Katulad na lamang ng section ko, C1-Gesicht ang aking section, na ang ibig sabihin ay mukha sa aleman. Aleman siguro ang nagbigay ng mga pangalan ng section dito. Though it makes sense naman kung bakit ganito ang pangalan ng mga section namin, siguro dahil na rin sa nursing ang programa namin.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa 6th floor, at huminto muna ako dahil hindi biro ang pag-akyat sa 6th floor heh! Parang nag-hiking na ako nito sa ginawa ko.
Nakakapagod!
Umupo muna ako sa hagdanan at kinuha ang tomato juice sa bag ko dahil pakiramdam ko ay na-dehydrate kaagad ako. Ah, yeah, mas prefer ko itong tomato juice kesa sa baon kung water, it always quenches my thirst sooo yeah tomato juice is my solution. Hihi.

BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasyCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...