Shanala POV
Lumipas ang halos tatlong linggo si Shahara ay nasa ospital na, kapansin pansin na ang pamumutla at panghihina. Nagpapakita na ang mga sign na kinatatakutan ko.
Hanggang ngayun ay hindi ko pa rin nakikita ang madalas na ekwento sa akin ni Shahara, sa tuwing bibisita ako sa kanya ay tuwang tuwa pa rin ito kakakwento sa lalaki na ang tawag nya ay Eve daw. Ng una ay napatawa ako pang-gabi talaga pati pangalan.
Hanggang ngayun ay hindi ko pa rin sinasagot si Rike pero hindi mapigilan ang kaswitan nya. Masaya ako sa kanya mahal ko eh. Hindi ko alam kong totoo na ba itong nararamdaman ko. Basta panghahawakan ko na lang na mahal ko sya.
Ngayun ay patungo ako sa kwarto ni Shahara para bisitahin sya. Pagabi na ako nakabisita, ito lang kase ang bakanteng oras ko. Sa sunod nga ay babawasan ko na ang oras ng trabaho para mas maalagaan pa ang kapatid ko.
Tinatalontun ko ang hallway hindi ko ba alam naghuhumirantado ang kabog ng puso ko ang kaba ay hindi ko alam kong san nag mula. Bigla ko na lang naramdaman.
Balak ko ng itulak ang butterfly door ng maabot ng paningin ko si Shahara na sobrang lapad ng ngiti habang kausap si
Si........
.....si Rike
Agad akong nanghina minsan pang natulala. Ang tuhod ko ay nanginginig at ang mga kamay ko'y nanlalamig. Wala sa sariling napasandal ako sa pader at dumausus papaupo. Gumapang kaagad ang panlalamig sa buo kong katawan. Ngayun ko napagtagpi ang diskripsyon nya sa lalaki. Kaya pala ng una kong makita ang paiting sa kwarto nya ay si Shahara kaagad ang naisip ko.
Bakit?, bakit si Rike pa kausap ko sa sarili. Habang hindi ko na namalayan kong kailan tumulo ang luha ko. Mga luhang napapadalas na yata sa pagbagsak.
Bago pa ako maabutan doon na nakabulagta ay madali na akong bumalik sa kotse ko. At doon ibinuhos ang lahat ng luha ko. Halos hindi ako makapag isip ng maayos. Nananakit na ang lalamunan ko kasabay ng panunuyo ng labi ko dahil sa pag iyak.
Isinubsub ko ang ulo ko sa manibela hindi nanaman mapigilan ang luha sa pagpatak bakit ganun bakit ba ang malas malas ko. Wala na bang matinong mangyayari sa buhay ko kundi puro na lang pag iyak. Bakit tila binagsakan naman ako ng hinanakit ng mundo.
Bakit sa iisang lalaki pa kami nahulog. Bakit Sa twing iisipin ko kung gaano kasaya si Shahara sa twing ikukwento nya ang lalaki ay nanginginig ang kalamnan ko. Bakit ba kailangan kong masaktan ng ganito katindi halos hindi na ako makahigna.
Tok!tok!
Napangat ang aking paningin ng magkasunod na katok na iyon nabalikwas ako ng makita si Rike suot pa ang white gown nya.
Ang masayang ngiti ay hindi nanaman mapuknat nature na nya ang pagngiti. Pagngiti na mababahiran.Mula sa labas ay pinagmasdan ko ang ngiti nya. Mga ngiti nya na paniguradong mamimiss ko.
Bago pa ako tangayin ng puso ko. Iniwas ko na ang paningin ko sa kanya at walang pasubaling pinaharurot ang kotse. Hindi pa ako nakalalayo ng paulit ulit na pagtunog ng telepono ko alam kong sya yun kaya hindi na ako nag abala na sagutin. Pinatay ko na lang para di nya macontact. Kaya pala kung kabahan ako kanina ay katapusan na ng kaligayahan ko totoo nga na katapusan na. Saklap lang.
It hurts as hell.
***
"Shanala" masayang bati sa akin ni Shahara talagang sinadya kong bumisita na wala na si Rike.
Hindi katulad ng nauna tulala ako sa bawat kwento nya tungkol kay Rike dati ay sumasabay pa ako sa kanya sa pagtawa ngyun ay hindi ko magawa dahil sa isiping si Rike at Eve na sinasabi nya ay iisa. Saklap.
BINABASA MO ANG
Re-Paint my love
RandomI love him he love me but were not meant to be he paint my life he paint my love but our color is not enough we have to stop. * challenge accepted....10k words