chapter 2

41 12 3
                                    


Shanala's pov

Katulad ng ng napagusapan namin kahapon ni shahara umalis sya mag isa.
I want to give what makes her happy if this is what makes her happy then I'm going to let her decide for her own. Well she's in the right aged to manage her self.

Bakit ba kase sya pa pwede namang iba na lang. Sana ang buhay ay katulad na lang ng online game yung kapag paubos na ang lives mo merong magbibigay at kapag naman nag game over pwede mong ulitin at ulin at ulitin o di kaya naman ay parang isang istorya na lang at kami ang manunulat kami ang magdidikta ng magiging katapusan pero hindi eh this is the real life, real world na ikaw mismo ang maghuhulma, pipinta at magkukulay. Hindi ko ba alam mabait naman si Shahara bakit kailangan nyang maghirap, bakit kailangan nyang maranasan yun.

Prengggggg........nyengggggg......

Anak ng pusang gala. Halos panawan ako ng ulirat matapos may isang tarantadong rider ang parang hari ng kalsada ang dumaan sa tabi ng kotse ko walang kaso sa pagdaan sa tabi natural yun kalsada pero anak ng pusang gala ano't dinagil nya ang kotse ko. Mabilis kong pinabaling ang sariling sasakyan para sana habulin ang lintik na kumag ngunit hindi ko na kailangang maghabol dahil kusa syang lumapit sa akin.

Kinalma ko muna ang sarili bago tuluyang lumabas ang pintig ng puso ko ay hindi na yata kayang bilangin ng este to scope sa sobrang bilis ng pintig. Ang tuhod ko ay nanginginig at parang hindi ko na kaya pa ang magmaneho sa sobrang panghihina. Oh my gosh! I almost, I almost died hindi man dahil sa kotse kundi dahil sa nerbyos.

Ng tuluyan akong makalabas ay napasandal ako sa kotse at talaga ngang literal na nanginginig ang mga tuhod ko. Napaupo pa ako sa labis na panghihina. Gustong gusto kong sumigaw ngunit kakainin lang nun ang natitira kong lakas.

Ng makabawi-bawi ay tumayo ako at muling napatanga ng makita ang laki ng gas gas sa kabilang gilid ng kotse ko.

"Anak ka ng pusang gala"...bungad ko gusto kong manigaw, manapak at kahit ano pa para lang matabunan ang labis na pangigigil.

"Rider ka ba talaga o ano mag aral ka muna hindi yung magpapakamatay ka eh! anak ng pusang gala mandadamay kapa ano,? anong gagawin mo? buong right side ng kotse ko may gasgas at halos mayupi. Halos mamatay ako sa nerbyos pusang gala na yan".

Halos maiyak na ako habang sinisigawan ang lalaki first time ko yun my gosh magkakatruma na yata ako.

"Ah miss he! he! pasenaya na hik. Hehe kase alam mo maganda ka na eh kaso hik! kaso hik! kaso yang bibig mo masyadong matalas. Ang puso ko ay labis na nasusugatan".

Hindi ko na mapigilan ang maiyak matapos ng ginawa nya yun ang sasabihin nya pasensya pusang gala na yan.

At talagang napaatras pa ako sa gulat lasing sya bagaman ayos pa ang pustura nya ay may ispirito pa rin ng alak. Makakasuhan to ng malakilaki reckless driving naaksedente pa nya ako.

Sinubukan kong lumapit sa kanya para isama sa kotse ko at dalhin sa prisinto anak ng taratadong toh. mamanemameho lasing pala.

Habang papalapit ako sa kanya ay hindi ko maiwasan ang pag aralan ang pustura nya namumungay na mata, magulong buhok itim na v neck tshirt na yumayakap sa katawan nya at faded jeans na tila hinatid nuon ang kaalaman kung gaano sya katangkad siguro ay lalampas pa ito sa anim na talampakan sa totoo lang ay napaka semple ng suot nya pero halos mawala na ang galit ko dahil sa pagkamangha.

Re-Paint my love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon