chapter 1

69 15 1
                                    

Shanala POV

Patabyun-tabyun ang aking paa sa isang mababang cliff habang pinapanood ang napakakalmang dagat. Tila isa lang iyong malawak na lawa wala man lang sumasalpok na alon. Mistulang nakikisimpatya sa aking nararamdaman pati dagat ay nais marinig ang pintig ng aking kawawang puso.

Sa sobrang pananahimik ng dagat ay sya namang pag iingay ng aking kalooban. Gaano man kaganda ang tila mga Kristal sa gitna nito kapag tinatamaan ng papalubog na araw ay hindi pa rin mapatid patid sa aking sestema ang sakit ng malamang ang kapatid ko ay isang buwan na lang sa mundo.

Isang buwan, isang buwan na lang, hindi ko alam kong kaya ko pang magpatuloy matapos ang isang buwan.

Sa aking tabi ay dinama ko ang init ng katawan ng aking kapatid kung titignan ay isa syang ordinaryong nilalang isang babaeng inienjoy ang ganda ng mundo ngunit para sa akin na kapatid nya ay isa itong napakalaking dagok. Isang buwan na lang ang ilaalagi nya sa mundo ngunit bakit ganun. Ang kabuohan ng kanyang katauhan at pagkatao ay punong puno ng kaaliwasan at pagtanggap bakit hindi ko rin yun magawa. Bakit hindi ko matanggap na sa loob ng isang buwan ay matatapos na ang pagbisita nya sa mundo.

Ako ang maiiwan nabinigyan ng pagkakataon na masilayan pa ang mundo ngunit bakit ang sakit ay tila ako ang aalis. Sa bawat pag lunok ko ay tila hinahatak nun ang dila ko pailalim sa sobrang sakit. Apektado ang buo kong sestema. Ngayun pa lang ay ganito na ang aking nararamdaman pano pa kaya sa kaarawan baka mabaliw na ako.

"Pupunta ako sa kaklase ko bukas. Kahit hindi nyo na ako samahan". Basag nya sa katahimikan

Ayaw ko man, na hayaan sya mag isa ay ginawa ko na ring pumayag. Kahit na may sakit sya alam kong alam nya ang ginagawa nya

"Sige basta mag ii-ngat ka" lang papalalim na ang dilim kaya minabuti ko na yakagin na sya sa pag uwi. Na agad naman nyang sinunod ng may ngiti sa labi. She seems so happy. In contrary here I am hiding the pain that slowly killing me.

Re-Paint my love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon