Isang transferee student si Jon Bon Jovi at minsan nang nangarap na maging isang sikat na rock star singer. At sa kanyang pag lipat sa bagong paaralan, hindi nagtagal ay napapansin na siya ng ilang mga kababaihan dahil sa kanyang karisma ng dating at magandang ngiti, nakapagpadagdag pa sa pagpapkilig nito ang ang husay ng binata sa pagkanta, ngunit hindi lahat ng mga kababaihan ay hinahangaan siya. Yun ay si Dorothea Hurley, isang simpleng mag aaral na binansagang "the petit tiger" dahil sa dating niyang pagkamasiga, bagamat payat ang katawan, kayang kaya niyang patumbahin ang mga malalaking tao ng ilang segundo, kahit pa ang anak ni Taguro. Siya lang naman ang pinakamagaling sa pag Karate sa buong paaralan. Sa katunayan nyan...
(Flashback)
"Kainis! Wala na namang space dito! Ano ba naman kasing motor 'to, pagkalaki-laki! Saan na naman ako mag p-park dito?
*Boogsh!*
Bigla nalang may bumangga sakin na hindi gaanong kalakihang lalaki. Katanga naman nun. Ang luwag na nga ng daanan eh? Tapos ayun nagtatakbo hawak yung bag ko na nakasabit sa bike ko kanina lang.... teka... YUNG BAG KO!
"HOY! Yung bag ko! Magnanakaw ka ah!"
Sinakyan ni Dorothea ang kanyang bike at saka hinabol ang nag snatch ng bag niya. Sakto naman na lumiko ang lalaki sa isang makipot eskinita, ngunit nabigo ito dahil dead end na pala ang nadaanan kaya nacorner ito agad ng dalaga.
"Huy! Tatakbo ka pa ba? Pahinga ka nga muna! Pagod na ako!"
"Subukan mong lumapit! Sasaksakin kita!"
"Baklang to! Ikaw pa may ganang manakot, kukunin ko lang naman bag ko sayo? Ibigay mo na nga sakin yan?" Kunot-noo nitong utos ni Dorothea.
"H-hinde!" Sabay sugod ng lalaki sa dalaga hawak ang patalim. Agad naman nahawakan ng dalaga ang braso nito saka inihampas ang siko ng lalaki sa pader, sunod naman tinuhuran ng dalaga ngunit nakailag ito. Nang palapit na ang lalaki ay biglang sinipa ni Dorothea ang bahaging apdo nito sa katawan kaya naubo nalang ang lalaki at napaupo. Nabitawan nito agad ang hawak niyang bag.
Babangon palang sana ang lalaki, "ANO! TATAYO KA PA!?" Amba ni Dorothea na nakaluhod sa katawan nito. Parang damong makahiya na natiklop bigla ang lalaki.
"Hummp! Nalate na tuloy ako. Kainis ka! Pasensiya ka na hano? Ayan tuloy, nasaktan pa kita. Wag ka kasi nananakot." Sabay sambit ni Dorothea habang may inaabot sa binata.
"Oh eto, pang gamot mo, tapos pangkain mo na rin." Inabot ni Dorothea ang pera sa lalaki at saka umalis gamit ang bisikleta niya.
Marami nakapansin sa nangyari, kasama ang grupo nila Jon pero wala si Jon at David nung mga oras na yun.
"Alec, para siyang tigreng payat. Ang tapang." Namamangha na sabi ni Ritchie kay Alec na nakanganga. "Alec? Huy yung Laway mo, sayang!"
"EXCUSE ME! NAKAHARANG PO KAYO?" Masungit na sigaw ni Dorothea sa mga binata.
"O-oo Bro. Pero masungit!" Dismayang sagot naman ni Alec kay Ritchie
"Haayyyyys. Tara na nga kayo, naghihintay na dun sila Jon!" Sabay kotong ni Tico sa dalawa"
(End of flashback)
And I'll Love You, Always ------------- by RGClemens
Stephanie's POV
NAKAKAGUTOM!
Ginutom ako sa mga pinapagawa sa amin ng teachers namin. Dagdagan pa ng training sa Karate. Buti nalang hindi ako napag i-iwanan sa grades. Naku! Dapat lang talaga at ayoko maging taga laba ng isang taon gaya ginawa ni Lola Dory (sa side ni Mama) sa pinsan ko na si Kelly sa kanya. Nung bumagsak ang marka, ayun ang parusa. Maging taga laba ng isang taon. Nung nakwento kay Mama nangyari, ganun na rin pinagawa sa akin, kapag may bagsak raw ako ganun rin raw punishment ko. Buti nalang pinakamababa ko 89... sa Math. Haysht.
YOU ARE READING
And I'll Love You, Always
AléatoireIsang transferee student si Jon Bon Jovi at minsan nang nangarap na maging isang sikat na rock star singer. At sa kanyang pag lipat sa bagong paaralan, hindi nagtagal ay napapansin na siya ng ilang mga kababaihan dahil sa kanyang karisma ng dating...