Cyzydene's P.O.V.Ansaya talaga ng naging overnight namin. Hinding hindi ko makalimutan. Na-miss ko talaga si Eine ng sobra. Kakarating ko lang ng bahay ngayon. Parang walang katao katao ngayon dito sa bahay.
Dederetso na sana ako papaakyat sa kwarto namin sa taas nang mahagip ng mata ko si Carl sa may sala. Napatigil ako sa paglalakad. Akala ko ako lang ang tao ngayon dito. Mukang kaming dalawa palang ni Carl ang nandito.
"Oh— nandyan ka na pala CyCy." sabi niya ng mapansin niya ako. Busy kase siya kanina sa panonood ng TV.
Hayyyyy. Hanggang ngayon ba naman, CyCy parin ang tawag niya sakin.
"Ah oo. Bakit ka nga pa narito?" tanong ko.
Napangisi siya.
"Aba. Bahay namin toh CyCy. HAHAHAHA." sagot niya.
Hindi niya nakuha ang tanong ko.
"I mean, bakit ka nadito? Wala ka bang lakad? Bakit hindi ka sumama kina Ate Thalie?" nililinaw kong tanong.
"Wala lang. Tinatamad ako. Tsaka ayakong gumastos sa shopping shopping na yan kasama sina Ate, mabuti pang wag gumastos para sa mga chicks ko. HAHAHAHAHA."
"Nakooo. Ang sabihin mo, tamad ka lang talaga. Tsaka anong chicks chicks ka dyan? Wala ka pa nga atang maibubuga. HAHAHAHAHAHA." pang-aasar ko sakanya.
"Anong wala? HAHAHA. Kung alam mo lang." sagot pa niya.
"Sige, sabi mo eh. Akyat nako papunta sa kwarto." pagpapaalam ko at tumango lang naman siya. Kaya naiwan siya sa sala habang nanunuod sa TV.
Umakyat na ako sa kwarto. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay inalis ko ang aking suot sa paa at inilagay ko yuon sa aking lagayan. Pumunta ako sa cabinet ko at kumuha ako ng isang T-Shirt at isang short. Nagpalit agad ako ng damit.
Pagkatapos kong magpalit ay humiga agad ako sa aking kama. Pagod na pagod ako sa mga nangyari ngayong araw na ito.
Nakalimutan kong itanong kay Mom kung ilang months kami dito sa Quezon. Pero sana matagal pa kami dito para makasama ko pa sila—siya. Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako sa kakaisip ng mga bagay bagay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*BLAG!!!*
Nagising ako sa isang malakas na tunog ng pagsara ng pinto ng aking kwarto.
Napabangon agad ako. Tumingin ako sa paligid ng kwarto kung may tao ba, pero wala akong nakita. Ang tanging nakikita ko lang ay isang shoulder bag sa pink sa may sabitan ng bag. Kay Rene yun, hula na. Meron siyang ganoon na bag. Siguro ay nakarating na siya.
Bumangon ako at nag ayos ng sarili bago lumabas. Paglabas ko ng kwarto ay bumaba agad ako para makita kung nadito na ba talaga si Rene.
Pagkababa na pagkababa ko ay nakita ko si Rene sa sala, may kausap sa cellphone niya. Nahalata niya ata ako kaya napatingin siya sa gawi ko. Nginitian ko siya ngunit inerapan niya lang ako.
Binalewala ko nalang iyon at pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Carl na kumakain mag-is sa dinning table.
YOU ARE READING
The Rival Sister
RomanceRɪᴠᴀʟs 1~ The Twin of Gibberson Family '𝙲𝚢𝚣𝚢𝚛𝚎𝚗𝚎 𝙶𝚒𝚋𝚋𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗' hates her own twin.. '𝙲𝚢𝚣𝚢𝚍𝚎𝚗𝚎 𝙶𝚒𝚋𝚋𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗'. Who knows what she can do to her twin just to get what she wants.. What do you feel if the person who hates you...