4: Overnights (Part 2)

3 2 0
                                    

Cyzyrene's P.O.V.

"C'mon girl, cheer up, mamahalin ka rin non. Para gumaan-gaan yang damdamin mo, let's watch the movie nalang..."  pagcocomfort niya saken.

Grabe talaga yung nangyari kanina. It's not acceptable. Balang araw, ako rin ang mamahalin non, at hindi ang kakambal ko.

Nabigay ko na ang mga pasalubong ko. Habang ang kapatid ni Katy na si Gale, nasa kanya na daw kwarto at nagsosolo habang nasakanya na ang pasalubong ko.

Naalala ko bigla si Kuya Carl.

Bat kaya wala sya duon sa bahay, kanina?

"HEY! SNAP IT!!!" bulyaw sakin ni Katy. Nakatulala pala ako . "Ano ba yan, tulalang tulala.."

"Tss.. oh sige, ano na? ano bang movie ang papanuodin natin?" tanong ko sakanya habang kinukuha ko ang Cellphone ko sa kama nya. "Make sure it's maganda ha."

"Blue My Mind.. HEHEHEHE!" nabigla ako sa sinabi nya.. Hmmm... naughty na pala sya ahh!

"Geh support kita sa pagka-green mo HAHAHAHA joke. Sarado kona ung pinto." sambit ko habang sinasara ko na yung pinto.

Habang sya naman inaayos na ung Flat Screen TV at inii-set na niya yung movie.

ooo

Cyzydene's P.O.V.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!" sabay kaming napairit at napahiyaw sa gulat dahil biglang may jump scare.

We are currently watching IT 2. Yeah, nothing else but IT. The creepy clown. We are at part when there's a kid, well, it is a girl, na may peklat sa pisngi or something what you call. And then, IT the clown said that he will help her para maalis yung peklat... magbilang lang daw siya ng tatlo. Grabe, nakakatakot at nakakagulat.

"Woi, Eine! Kunin mo naman yung piattos oh. Natatakot akong kunin don sa study table mo." wika ko sakanya.

"Ehhh... naman. Natatakot rin akong kunin eh. Bakit ba kase nasa study table ko!?" natatakot rin niyang sabi.

Madilim kase dito sa kwarto. Tanging ilaw lang mula sa TV at sa Bed Lamp. Ewan ko ba kung bakit pumayag ako sa naisip ni Cassy na patayin yung ilaw para may thrill. Abno talaga kami.

"Diyan ko kase napatong yung mga snacks naten eh." I pouted.

"ABAAAA!! Ndi pedeng ako lang mag-isa ang kukuha... Samahan mo ko." sagot niya.

Halatang natatakot ren siya. Pano ba naman, eh ang layo kaya ng study table niya dito sa may TV... eh nakahiga kami sa kama niya, katapat ng kama niya ay TV. Malawak rin kase ang kwarto ni Cassy eh.

Tumayo kami mula sa pagkakahiga sa kama. Binuksan muna namin yung ilaw at naka-pause muna yung movie. Tas kinuha na naman lahat ng snacks para ndi na kami pabalikbalik sa study table. Nagpatuloy na kami sa panonood. Buhay na uli ang ilaw.

Habang nanonood kami biglang may nag-vibrate. Pagkatingin ko sa tabi ko, yung isa ko palang phone yung nag-vibrate. Tiningnan ko kung bakit nag-vibrate, may nagtext pala. Si Lix yung nagtext. Nireplyan ko nga.

The Rival SisterWhere stories live. Discover now