1st Act

92 0 0
                                    


AN: Photo not mine. 😅 or the photos that I will upload are not all mine. 😂
--

Habang busy na ang ate ni Jisoo sa pagaayos ng gamit upang pumasok, nasa study desk pa rin ito at tinatapos ang huling stanza ng kanyang tula para sa boyfriend niya.

"Jisoo! Dalian mo na dyan! Malelate na tayo!" sabi ng ate niya sa may pintuan. Pagkarinig naman non ni Jisoo natapos na ang kanyang tula.

Unti unti niya itong tinupi at nilagyan ng tatak niya. 'moon and stars' Tapos napangiti siya. Isa kasi sa mga nagpapangiti sa kanya ay ang pagsusulat at bonus pa don yung ireregalo niya ito sa mahal niya.

"Baka ano na namang sabihin ng news about sa family natin. Alam mo naman na kapag malate ka lang don sinasabi agad nila na special treatment tayo." sabi ng ate ni Jisoo na si Dara. Umuoo na lang siya dahil excited na siyang makita si Kenneth.

--

"Okay class, be ready for tomorrow's exam. I expect that all of you will get a high score." at umalis na ang teacher nila.

Dali-daling kinuha ni Jisoo ang cellphone niya sa bagpack niya at tinignan ang text ni Kenneth.

'Meet me at the rooftop'

Mukhang cold ang boyfriend nito ngayon at inisip na lang ni Jisoo na baka dahil lang yun sa pagod. Sobrang dami kasi ngayong pinapagawa ng mga teacher dahil exam na bukas. Kapag exam kasi tsaka inaannounce ang mga project kaya natatambakan sila. Swerte na nga niya na may time pa sila sa isat isa.

May pahakbang hakbang pa si Jisoo papunta sa rooftop at pakanta kanta pa habang papataas ito ng papataas. Hindi niya alintana ang maraming hagdan at hindi din siya hinihingal dahil ang gusto niya lang ay ang makita si Kenneth.

--

"Jisoo, I am sorry."

"Ha? Bakit ka nagsosorry?"

"I'm breaking up with you."

"Ha? Bakit? Anong problema?"

"Hindi na kita mahal."

"HAHAHAHAHHA! Ang ganda ng joke mo ah? Anong sabi mo?"

"Hindi na kita mahal."

"Wow! E ikaw nga 'tong nanligaw sakin e. Ang kapal mo din naman sabihin na hindi mo na ko mahal. Akala mo kung sinong gwapo."

"Fine! Gusto mong malaman ang totoo? Akala ko gusto kita kasi sa simula sobrang astig mo pero habang tumatagal nakakatoxic ka ng kasama! Puro camera na lang yung sumusunod satin, ni hindi nga tayo makapagdate sa labas lang ng bahay nyo o sa park man lang! Pag tungtong mo sa labas puro na lang iniisip ng pamilya mo na baka malaman ng ibang tao. Mas iniisip nyo yung iisipin ng tao kasi sikat kayo. Ayoko na ng ganon Jisoo! Gusto ko lang ng ordinaryong relasyon!"

"Psh! Kung sinabi mo ng maaga edi sana hindi na kita sinagot! Tsaka bakit ngayon mo lang sinasabi yan? Eto tatandaan mo ha! Hindi mo ko iniwan. Ako ang nangiwan sayo! Che!

Umalis si Jisoo na pinipigilan yung iyak niya. Kinuha niya yung sinulat niyang tula para kay Kenneth. Gusto niya sanang punitin pero hindi niya magawa dahil tula niya pa rin yon kaya tinapon na lang niya sa basurahan. Kung gaano naman siya kabilis umakyat, ganon naman siya kabagal ngayong bumaba. Hinihintay niya na habulin siya ni Kenneth dahil kahit papano naman naging magkaibigan sila nito. Sa bawat hakbang mas lalo siyang napapaiyak dahil palayo na siya ng palayo. "Mukhang wala na ngang pagasa."

--

After 7 years

"Pst Jinyoung!" sabi ni JB. Pagtawag sa kanya habang minimakeupan sila pero wala pa ring talab kay Jinyoung.

Victims of Fate [JinJi FanFic] [Jinyoung x Jisoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon