Bawat segundo, bawat minuto at bawat oras na lumilipas
Pagkahulog at pagmamahal sayo ay lalong nagiging wagas
Simula ng makilala ka, tibok ng puso ay palagi nalang malakas
Araw-araw kinikilig, at sa banat mo'y ngumingiti ng wagasHindi maisip kung paano nga ba kita papasalamatan
Sa pagpasok mo sa mundo ko'y buhay ay nakulayan
Walang kapantay ang saya at tuwang nararamdaman
Kahit na madalas napipikon at lagi akong talo sa asaranSabi nila nakakatakot ng magmahal ng lubos
Dahil sa pangamba na uuwing lumuluha pagkatapos
Palagi mang naghihinala at nagseselos
Susugal at ibibigay lahat ko hanggang sa ako'y maubosSa magulong mundong to ay natagpuan kita
Hindi ko alam ang dahilan pero nung nakita kita
Nasabi ko nalang sa sarili ko na siguro nga
Nakilala kita para mahalin ko ng sobraTuwing umaga, ikaw ang unang pumapasok sa isip ko
Ichachat ka kaagad para ipaalam na sayo nagsisimula ang araw ko
Mahal na mahal kita, araw araw ay ipapaalala ko sayo
Ingatan mo ang sarili mo, papakasalan mo pa akoGusto kong malaman mong binubuo mo ang araw ko
Kahit parati kang masungit at nakakainis ikaw parin ang hinahanap ko
Araw araw ko parin aabangan ang mga sermon mo
Pasensya na baby, nag girlfriend ka kasi ng pasaway at matigas ang uloHindi ako perpekto at hindi rin kagandahan
Minsan ay nakakainis kaya sana pasensya mo'y habaan
Dahil marami man akong pagkukulang, handa naman kitang ipaglaban
At pangako, mahal hindi kita iiwanan.Hindi kita bibitawan at hinding hindi susukuan wag mo yang kakalimutan
Lalo kitang mamahalin kahit na mayroon mang hindi pagkakaintindihan
Nakakatok mang masaktan at hindi man sigurado sa mangyayari kinabukasan
Sigurado naman na matibay ako at hindi basta basta ang nararamdaman.

BINABASA MO ANG
For my Love
RomanceThis is created for my boyfriend because I love making poems for him.