Poem # 2

9 0 0
                                    

Hindi ko alam na aabot tayo sa puntong ganito
Dati'y pareho lang tayong sa isa't isa ay estranghero
Di ko inakalang aabot sa puntong pag di ka nakausap ay di buo ang araw ko
Sabagay ganon talaga kapag tinamaan ka at walang ibang ginugusto

Totoo nga pala, kapag nagmahal ka kasama na doon ang sakit at tampuhan
Pero syempre tuwing kasama ka ay hindi ko maitago ang tuwa at kasiyahan
Kaya sa pamamagitan ng tulang ito ikay aking pasasalamatan
Salamat dahil kahit ika'y napapagod at nasasaktan ugali ko'y palagi mong pinagtitiisan

Ayoko nang mangako at magsabi ng mga bagay bagay
Pero sigurado na kong susugal ulit sayo at hindi ka hahayaang malumbay
Patuloy na kakapit at maghahanap ng rason para hindi sumuko
Araw araw ipapaalalang sayo lang ako lalo na ang buong puso ko

Pasensya ka na alam kong ang haba ng panahon na sinayang ko
Panahon na binaliwala kita dahil ayokong idamay ka pa sa problema ko
Alam kong ang sakit noon ay hindi na matanggal ng sorry ko
Wag ka magalala hindi na ko aalis ulit babawi ako sayo iloveyou baby ko

Salamat sa lahat lalo na sa pagaalaga mo sakin
Salamat sa patuloy na pagmamahal kahit ugali ko'y nakakapagod rin
Salamat dahil palagi mo akong inuuna at pinipiling mahalin
Salamat dahil kahit alam kong hindi madali nandito ka padin sakin

Sana lahat ng sakit ay ibaon na natin sa limot
Gumawa tayo ng bagong alaala at kalimutan lahat ng masalimuot
Magsimula tayo ulit pero alam kong mas matibay na tayo ngayon
Dahil sa dami ng pinagdaanan natin alam kong di mo na ko bibitawan mula ngayon

Ayoko nang mawala ka pa, pakasalan mo ko ah?
Magaarala akong mabuti para sating dalawa
Mahal na mahal kita salamat dahil dumating ka
Dito ka lang sa tabi ko palagi at wag kang aalis ah
Iloveyou

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon