C H A P T E R [>2<]

7 0 0
                                    

Mood Swings

L A R A H

Ibinaba ko muna ang mabibigat na bag na dala ko sa sahig bago sya sagutin. Ngalay na ngalay na balikat ko.

" Pasensya na talaga tita kung pinag-alala ko kayo. Naligaw kasi ako at sobrang nahirapan akong hanapin 'tong apartment mo halos dalawang oras din akong nagpasikot-sikot buti nalang tinulungan ako ni ano-, ni nya " Sabay turo ko kay kuya eyesmile na tahimik lang na nakatayo sa gilid ko. Ano nga pala pangalan nya? Ni hindi nga pala sya nagpapakilala saakin.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni tita sabay baling ng atensyon kay kuya eyesmile. Napanguso naman ako. Magkakilala ba sila? Tsaka bakit ba nandito pa 'tong lalaki na 'to? Nahatid naman nya na ako ah?

" Just a coincidence lang po pagkikita namin. Nalaman kong naliligaw sya so I helped her , hindi ko naman po akalain na magkakilala kayo " Sambit nya habang ginugulo ang kanyang buhok ng kaunti. Bakit ang cute cute nya pag ngumingiti sya? He's like a fairy.

" Nako batang 'to, pasalamat ka nalang talaga at si Ranzel ang nakakita sayo. Hala sige na pumasok ka na " Pag-aaya naman saamin ni tita. Papasok na sana ako ng sumunod din sa pagpasok si eyesmile este Ranzel. Napakunot nanaman ang noo ko.

" Wag mong sabihin na dito ka din nakatira? " Palabirong tanong ko naman sa kanya. Tumikhim sya bago ako sinagot.

" Obviously, yes. Duon lang ako sa ikaapat na kwarto " Pagkatapos nyang isarado ang gate ay agad syang naglakad papasok. Bah, inunahan pa talaga ako?

Sumunod nalang din ako sa kanya hanggang sa tuluyan na syang pumasok sa kwarto nya. Anyare dun? Bigla nalang nagsungit.

Sinundan ko nalang si tita hanggang sa makarating kami sa ikalawang kwarto. Imbes na magdorm ako napagplanuhan ng parents ko na dito nalang ako tumira sa bahay/paupahan nila tita Elle. And guess what? Libre pa. Except lang sa pang-araw araw kong gastusin. May monthly allowance naman ako galing kanila mama at papa. Mukhang kaylangan ko na talagang magtipid.

" Oh dito na ang kwarto mo Larah, nandyan lang ako sa kabilang kwarto tawagin mo nalang ako kung may itatanong o kaylangan ka pa. Pasalamat ka talaga at si Ranzel ang nakakita sayo kung hindi ay ewan ko nalang. Baka kung saan ka na pupulutin " Napakamot naman ako sa ulo ko ng simulan nya akong sermonan. Kasalanan ko ba kung hindi ako magaling sa direksyon?

" Eh pagpasensyahan mo na ako tita. Baguhan lang ako dito sa lugar nyo at 'di ako pamilyar. Expected mo na dapat na maliligaw ako " Pacute kong sabi habang nakakapit sa braso nya.

" Kahit na! Bakit ba naman kasi hindi ka nagpasama sa kuya mo? Oh kahit manlang sa papa mo? Babae ka pa naman. Napakadelikado ng panahon ngayon iha " Napabusangot nanaman ako sa sinabi nya. Sobrang protective ng family ko saakin. Palibhasa nag-iisang babae lang ako.

" Hindi na ho ako nagpasama sa kanila, sa bahay pa nga lang po eh halos ayaw na nila akong paalisin ng bahay " Sambit ko

" Sige na, magpahinga ka na muna " Nagpaalam muna sya saakin bago ako tuluyang pumasok sa kwarto. Napalibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Parang masyado yatang malaki para saakin? Baka hindi lang ako sanay. Ibinaba ko ang bag ko sa may sofa. Kumuha muna ako ng white T-shirt and maong na short , basang basa na sa pawis 'tong suot ko.

Killed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon