C H A P T E R [>4<]

7 0 0
                                    

New Guy

L A R A H

Halos magdadalawang linggo na din ako dito sa Villa de Griego nakakahiya naman kung wala manlang akong balak gawin habang namamalagi ako dito. Isa pa nabuburyo na din ako ng sobra sa unit loob ng ko. Wala na ngang masyadong magawa, wala pang masyadong makausap. Si Ranzel at tita Elle lang naman ang kakilala ko dito. Yung isa nga malabo pa. Kaya naman naisipan kong tumulong-tulong naman sa mga gawain nila tita dito, lalong lalo na sa pagfafacilitate ng mga nagdodorm. O kaya naman sa mga balak pa magdorm. Marami pa namang vacant unit. Siguro mga nasa 8 or 9 units pa ang vacant nila tita. Ako na din madalas ang nag-assists sa kanila dito if ever na wala si tita. Nakakahiya naman kasi kay tita kung sitting pretty lang ako palagi dito. Dapat kumikilos kilos din ako.

" Dalawang halo-halo nga Lars " Napatingin naman ako sa nagsalita at agad syang inasikaso. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Lars imbes na Larah.

" Noted. Pakiantay nalang saglit " Sagot ko naman sa kanya. Lars. Malay ko ba naman kay Ranzel kung saang lupalop naman nya napulot 'yang palayaw na 'yan para sa akin. Pero infairness ah? Hindi na nya ako masyadong sinusungitan ngayon, siguro ay gano'n lang sya umasta sa mga bagong kakilala nya? Kumikilala at kumikilatis ng tao, ganon?

" Heto na 'yong order mo " Nakangiti kong sabi habang inaabot sa kanya yung plastic ng halo-halo. Ngumiti lang sya sa akin bago tumabi sa mahabang upuan na inuupuan ko. Napabuntong hininga nalang ako ng malalim. Tahimik lang syang kumain habang pareho naming pinagmamasdan ang paligid. Oo, tahimik akong tao, pero 'di ko yata kaya ng walang makausap.

" Mag-uumpisa na ang klase sa Lunes, Lars. Anong balak mo? " Biglaang tanong ni Ranzel kasabay ng pagtapon nya ng plastic ng halo-halong pinagkainan nya sa may basurahan . Balak ko? Anong balak ko?

" Balak para saan ba? " Balik tanong ko naman sa kanya. Sa sobrang tipid magsalita ng taong 'to eh talagang mangangapa ka muna bago maintindihan yung mga salitang lumalabas sa bibig nya.

" Balak mo ngayong pasukan. Commute ka ba? Gusto mo sabay nalang tayo? " Napatitig lang ako sa mukha nya. Hindi yata magandang ideya 'yon? Maganda sana kasi libre? Kaso baka naman may kapalit? Hindi naman sa paranoid ako pero parang gano'n na nga?

" O-okay lang naman kung ayaw mo, sige alis na muna ako " Napa-iling nalang ako sa kanya. Hindi ko naman sinabing 'di pwede. Kasi sino ba naman ang tatanggi sa libre diba? Pero maayos na din yung ideya na magcommute para kahit pa paano ay maging pamilyar na din ako sa lugar.

Gaya nga ng sinabi nya ay umalis sya. Nakatanaw lang ako sa kanya mula sa pwesto ko habang papalapit sa kotse nya. Lagi talaga syang may lakad? Ang sabi nya nagdorm lang sya agad para nalalapit na pasukan pero habang bakasyon pa ay lagi nyang binibisita ang mga pinsan at ilang kalapit nyang kamag-anak dito.

Halos trenta minutos pa yata akong tumunganga bago napagdesisyonang iligpit ang mga kagamitan at rekados para sa halo-halo. Mukhang wala naman ng bibili , isa pa wala na ding yelo sa ref nila tita. Mamayang gabi palang kami magrerestock. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa labas para mailigpit ang mga iba pang gamit na naiwan sa pwesto ko kanina.

Habang nagpupunas ako ng mesa ay napabaling ang tingin ko sa bumubusinang sasakyan na nakahinto sa harapan ng gate namin. Mukhang isang yayamanin nanaman ang madadagdag dito. Nagpunas muna ako ng kamay bago ko sila lapitan. Binuksan ko ang gate at nginitian ang taong kakababa lamang ng sasakyan na 'yon.

" Ah miss, sa kaibigan ko kasi 'tong mga gamit na 'to, pinauna lang nyang dalhin dito. And sya nga pala yung magrerenta sa third unit " Bungad naman sa akin ng isang lalaking may katangkaran ay may kulang pulang buhok. Napatango-tango naman ako ng maalala ang ibinilin sa akin ni tita kaninang umaga. Ito pala ang sinasabi nyang bagong dating ngayong araw. Pinaalalahanan nya ako iassist yung bagong magdodorm and magbigay simple instructions. Nagdown na din daw agad ng upa for 5 months in advance kaya siguradong yayamanin daw. Isa pa pinili yung 3rd unit na isa sa mga malalaking unit dito.

" Ah sige sumunod ka sa akin " Sabi ko naman habang sinisenyasan sya na sumunod sa akin. Huminto kami sa tapat ng 3rd unit. Wala pa naman yung mismong may ari kaya nasa akin pa din ang duplicate ng susi. Agad ko itong binuksan para mailagay na ni kuyang may pulang buhok ang mga dala nyang gamit, sa kaibigan pala talaga nya inutos eh noh? Sya uupa dito pero sya yung wala. Mga tao talaga.

" Paki-sabi nalang sa kaibigan mo na nasa akin pa din yung susi para sa unit nya. Kunin nya nalang sa akin mamaya pagdumating na sya. Katabi ko lang ang unit nya, dun lang ako sa 2nd unit " Pagpapaalala ko naman kay Cirk. Yes, Cirk ang pangalan ni kuyang may pulang buhok. Napatango na lang sya sa akin at nagpasalamat bago tuluyang umalis.

Isinarado ko ang gate at tuluyang pumasok sa unit ko para magluto ng makakain. Nagugutom na ako.

Tahimik akong nagpapahinga sa kwarto ko habang nagbabasa ng mga updates sa website ng Aquila University kakatapos ko lang din magmeryenda. Mga rules and regulations lang naman at school policies. The rest sa mismong school day na siguro mas ieexplain ng maayos.

Ding Dong

Napatayo naman ako mula sa pagkakadapa ko sa kama ko. Ayan na siguro yung bagong magdodorm. Saglit kong inayos ang sarili ko bago lumabas ng unit ko. Dumiretso agad ako sa gate para tingnan kung sino man 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Killed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon