University
L A R A H
Alas siyete pa lang ng umaga ay gising na ako, well perks of being a morning person hua hua. Hindi uso sa akin ang salitang late. Kakatapos ko lang din mag-almusal at maligo. Kasalukuyan akong naghahanap ng damit na masusuot. Nagsisisi talaga akong nag long sleeves pa ako kahapon. Ayon nagmukha akong basang sisiw sa pawis. Kinuha ko ang white t-shirt at pants , ito nalang susuotin ko para 'di gaano mainit.
Pagkatapos kong magbihis ay ipinusod ko ang aking mahabang buhok, kinuha ko na din ang bag na naglalaman ng mga requirements ko. Tada! I'm ready. Nilocked ko ang pinto ng unit ko at nagmasid sa may corridor. Asan na 'yong Ranzel na 'yon? Sabi nya 9 ang umpisa ng registration? Exact 8AM na. Nag paikot-ikot na naglakad nalang ako sa pwesto ko habang nag-aantay kay Ranzel the great.
B L A G!
Napapitlag at napapikit ako sa sobrang gulat, nagwawala ba 'yong nagsara ng pinto?! Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog dahil nakarinig ako ng ilang hagikhik nadatnan ko namang parang timang na tumatawa si Ranzel habang hinahampas hampas pa ang pader, napalakas ang tawa nya ng bumaling ang tingin nya sa gulat na gulat kong mukha. Siraulong 'to, nakakatawa 'yon?
Tawa pa din sya ng tawa habang papalapit sa akin. Sige lapit ka kukurutin talaga kita.
" ARAAAAAAYYYYYYYY!!! " Impit na napasigaw sya ng kurutin ko sya sa tagiliran nya. Nanggigigil ako sa taong 'to. Pigilan nyo ko. Pilit nyang tinatanggal ang kamay ko sa pagkakakurot sa kanyang tagiliran at marahan akong itinulak palayo.
" Bakit ka ba nangungurot? Iaano ka ba?! " Tanong nya habang hawak hawak ang kanyang tagiliran. Tsura nya mukha syang nadudumi na 'di mo maintindihan.
" Ako pa talaga? Sino kaya 'yong nanggugulat? " Sagot ko naman sa kanya.
" Asa ka namang gugulatin kita , close ba tayo? Tsaka mahirap isara yung pinto, kaylangan pabigla para mapwersa at masarado mo ng maayos yung pintuan! " Parang batang nagtatantrums na sagot nya. Napairap nalang ako. Ang hirap naman kasama ng isang 'to.
" Whatever, so ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Tara na't lumarga na tayo! Baka malate pa tayo sa kagagawan mo " Kalmadong paliwanag ko sa kanya. Anong side pa ba yung makikita ko sakanya sa susunod?
Mabuti nalang at hindi na sya sumagot at tahimik na sumunod nalang saakin palabas ng gate. Ayan nanaman yung araw ke-aga aga namamaso ng balat.
" So, saan ba yung sakayan dito papuntang Aquila University? " Excited na tanong ko sa kanya. Excited lang ako makita yung bagong eskwelahan na papasukan ko pero kabado pa din ako sa first day like walang katapusan at kasawa sawa sa introduce yourself , special talent and such.
Humugot naman sya ng malalim na hininga bago sagutin ang tanong ko.
" Mine " Casual na sagot nya. Mine? Pinagsasabi nanaman nya?
" Huh? Mine? Ang alin? " Tanong ko sa kanya.
" Tss, ganda mo sana kaso slow. Mine, my car. Dun na tayo sasakay para less gastos, tayo pareho lang tayong estudyante dito nagtitipid " Masungit na sagot nanaman nya saakin. Bwisit din talaga 'to ano? Sana kasi nililinaw nya yung mga sinasabi nya hindi yung sya lang yung nakakaintindi diba?