HAFI'S POV
"Hafi, I love you" Sabi niya.
Napatingin ako sakanya.
"Hmph, so ayan lang ang sasabihin mo?" Tanong ko. Nanahimik lang siya.
"Umalis ka na" Papasok na sana ako ng bahay ng nag-salita siya.
"Sorry..." Humarap ako.
"Ano?"
"Sorry sa lahat. Sorry kung hindi kita pinasaya the past years. Sorry kung nasira yung buhay noon. Ayaw kita masaktan, dahil mahal kita. Ayaw ko talaga mawala sa tabi mo"
"Bakit mo ba sinasabi lahat ito saakin?" Lalapit na sana siya saakin nang tinulak ko siya. Hindi ko na mapigilan umiyak.
"Ano na ang nangyayari sayo!? Bakit mo ito sinasabi ito saaking ngayon!? Kung kailan wala na tayo!? Kung kailan wala na tayong pag-asa maging t-tayo!?" Sigaw ko, anong nangyayari saakin?
DAEHYUN'S POV
Umiiyak siya, galit siya....saakin.
"Huh!? Ano na!?" Sigaw niya.
"Hafi, hindi ko naman ginustong masakta-"
"Daehyun!! Matagal mo na akong nasaktan!! Hindi mo iyon mababalik!!" Sigaw niya.
"Hafi, sorry. Pero pinapaalam ko lang sayo, hindi pa nawawala ang pag-mamahal ko sayo" Sabi ko, umiling-iling siya.
"Hindi....hindi mo na ako mahal. Muntik mo na akong patayin.....muntik na.....TAPOS SASABIHIN MONG MAHAL MO PARIN AKO!!??" Tumingin ako sa kanyang mga mata. Punong-puno ng kalungkutan at galit. Lahat iyan, ay para saakin.
"Hafi...." Yayakapin ko na sana siya ng-
"Kalimutan mo na ang lahat, Daehyun. Wala nang pag-asa para mahalin pa kita ulit. May mahal na akong iba" Bulong niya.
"Alam ko iyon. Pero..."
"Pero?? Ano?? Mahal mo ako?? May asawa ka na!! Bakit mo siya papakasalan kung hindi mo siya mahal!!?? Tanga ka ba!!??" Sigaw niya.
"Hafi, please, patawarin mo a-"
"Tigilan mo na ito!!! UMALIS KA NA!!" Sigaw niya at napa-luhod nalang.
"Hafi..."
"UMALIS KA NA!!!" Sigaw niya. Yayakapin ko siya nang, pinigilan ako ni Himchan.
"Umalis ka nalang, Dae" Sabi niya, tumingin lang ako sakanya.
"U-Umalis.....ka na-a!!!" Malungkot na sigaw ni Hafi. Nakita ko nalang yumakap siya kay Peachy. Tumingin saakin si Peachy.
"Please! Umalis ka nalang. Nasasaktan mo na si Ate Rika" Sabi niya.
Hindi siya si Rika. Siya parin si Hafi.
"Hindi siya si Rika!!" Sigaw ko, pinigilan ako ni Himchan.
"Wala na si Ate Hafi diba!!?? Wala na nga dahil sayo!!" Sigaw ni Peachy.
"Ginugulo mo lang ang sarili mo, Peachy!!" Sigaw ko.
"Hindi ko ginugulo ang utak ko. Tinatanggap ko lang ang katotohanan. Bakit ayaw mong tanggaping wala na si Ate Hafi!!?? Si Ate Rika ang nakikita mo ngayon!!" Ayaw kong tanggapin, dahil dun mapupunta lang ako sa maling lugar.
"Umalis ka na, Dae" Sabi ni Shinwoo. Umalis ako sa hawak ni Himchan at lumapit sa pinto.
"Kahit anong gawin niyo, siya parin si Hafi at siya ang taong mahal mo" At umalis na ako.
Hindi nila magagawang matanggap ko ang katotohanan. Hindi mahal ni Hafi si Shinwoo. Alam ko yun, alam kong mahal parin niya ako.
HYOSUNG'S POV
So, dito pala nag-punta ang asawa ko. Napaka-emotional naman ng bruhang iyan.
Ano na kaya ang pupwedeng gawin sakanya para mawala na siya?
"Hello?" Tanong ng nasa telepono.
"May ipapagawa ako sainyo"
================
A/F/N: Sorry kung maikli (kung maikli talaga) at too emotional. Ahehe~~ Pero double UPDATE!!! Since tagal na naming nag-update since August 14 pa. ANG TAGAL NA!! October na pala ngayon. Naisipan kong mag-double update~~
Thank you so much!!!
Pakibasa narin po ng mga libro nina:
@MaemaePotz
@BloodyCurse
-RK
