Chapter 25

2.1K 84 1
                                    

                                                CHAPTER 25

                                                      Shen

        Pumasok ako sa isang abandonadong warehouse at dito ko sinubukan magtago. “Teka, bakit ako nagtatago? Hindi ko nga pala siya matatakasan….. Shit!” Sabi ko sa aking sarili ng mawala ang sakit ng aking ulo at nakapag-isip na ulit ako ng tama. Hindi ko dapat iniwan ang mga kasama ko. Dapat ay nanatili nalang ako sa tabi nila. At dapat ay tinulungan ko nalang silang ilabas sa sasakyan. Babalikan ko na sana sila Vonjo nang bigla akong makarinig ng nakakatakot na tawa. Pagkatapos ay sinundan ito ng pagbagsak ng mga gamit sa paligid. Unti-unting humangin at lumamig, bumigat na rin ang aking pakiramdam at lalong sumakit ang aking ulo. Palatandaan ito na ako nga ang sinundan ng masamang kaluluwa, dahil ako na ang kanyang isusunod.

        “Shen………………” Naririnig ko ang kanyang nakakatakot na boses na tinatawag ang aking pangalan. “Shen…………..” Muli niyang tinawag ang aking pangalan at may kung anong kilabot na dumaloy sa aking katawan na nagsasabing lumingon ako sa aking likuran. Dahan-dahan akong lumingon hanggang sa makita ko ang kaluluwa ng isang babae na nakatayo sa itaas ng mga pinagsama-samang kahoy.

        “Ikaw….. A---ako na ba ang isusunod mo?” Tanong ko sa kanya habang ako ay nangangatog sa takot.

        Ang kanyang nanlilisik na mga mata ay nakatingin sa akin, hanggang sa unti-unti na siyang maglaho. Pero habang naglalaho siya ay lumilitaw naman sa pwesto niya ang isang lalake na nakasuot ng black na jacket. Hindi ko matanaw ang mukha nito dahil sa hood na nakatakip sa kanyang ulo. Tutulungan ba ako ng lalake na ito o may kinalaman siya sa kaluluwang nagpapakita sa amin? Nasagot ang aking katanungan ng bigla itong maglabas ng kutsilyo at puting panyo.

        “Shit! Kalaban din ito……” Bulong ko sa aking sarili.

        Nagmamadali itong bumaba sa kanyang pinagkakatayuan, at tumakbo papunta sa aking direksyon. Nagmadali nalang din akong tumakbo para hindi niya ako maabutan. Malapit na akong makalabas ng lumang warehouse, ngunit hindi pa bumabalik ang lakas ko at kumikirot pa ang aking braso, kaya naman walang kahirap-hirap na naabutan ako ng lalakeng humahabol sa akin. Naabot na niya ang aking balikat pero pumalag ako hanggang sa maitulak niya ako, dahilan para ako ay tumumba. Sa pagkakataon na ito ay naliwanagan ng buwan ang kanyang mukha, at laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang lalakeng humahabol sa akin.

        “I---ikaw? Pero…… B---bakit?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

        Hindi niya sinagot ang aking tanong at nag amba na siya na sasaksakin ako ng hawak niyang kutsilyo. Bago pa man niya maituloy ang kanyang plano ay ibinigay ko ang buong lakas ko para masipa siya sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Tumumba din ito at namilipit sa sakit. Kinuha ko na ang pagkakataon na ito para makatakbo palabas ng warehouse.

                                                            Romylyn

        Hindi ko makita si Shen sa warehouse na aking pinasukan, ibig sabihin ay sa kabila siya pumunta. Nagulat ako ng biglang lumitaw sa aking harapan si Tamara. Umiiyak siya habang nakatingin sa akin, at ito ay nagsalita.

        “Si Shen……” Umiiyak na sinabi ni Tamara, pagkatapos ay bigla na din itong naglaho.

        Tumakbo ako palabas ng warehouse, at nakita kong lumabas din si Shen galing sa kabilang warehouse. Tumingin siya sa akin ng tinawag ko ang kanyang pangalan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang takot, pero ngumiti siya ng makita niya ako. Napatingin ako sa kanyang pinanggalingan ng mapansin kong may taong tumatakbo galing sa loob. Dere-deretsyo ito sa kanya at agad nitong tinakpan ng puting panyo ang ilong at bibig ni Shen. Natulala ako sa nangyari dahil sa biglang pagsulpot ng lalakeng naka itim na jacket na may hood sa ulo. Hindi ako makagalaw dahil sa takot at nerbiyos, nakita ko rin kasi na may hawak itong kutsilyo sa kanyang kaliwang kamay na may bandage. Nawalan na ng malay si Shen at binuhat na ito ng lalake pabalik sa loob ng warehouse.

        Habang umiiyak ay tumakbo ako pabalik sa lugar na pinagbanggaan ng aming sasakyan, pero hindi pa ako nakaka-abot dito ay nakasalubong ko na si Arvine na may kasamang dalawang pulis. Yumakap ako sa kanya at ibinalita ko ang nangyari at ang tungkol sa lalakeng kumuha kay Shen. Sinamahan kami ng dalawang pulis pabalik sa warehouse para tignan kung nandoon pa si Shen at para hulihin ang lalakeng naka-itim na jacket.

        “Huwag kayong lalayo sa amin.” Paalala sa amin ni Officer Perez.

        “Maging alerto kayo sa paligid.” Dagdag pa ni Officer Alejandre.

        Dahan-dahan silang lumakad papunta sa warehouse na pinagdalahan kay Shen habang naka ready na ang kanilang mga baril oras na may hindi inaasahang mangyari. Biglang sumulpot si Vonjo galing sa loob ng warehouse kaya naman tinutukan kaagad siya ng dalawang pulis.

        “ Huwag kang gagalaw….. Itaas mo ang mga kamay mo.” Pagkasabi nito ni officer Alejandre ay agad naman itong sinunod ni Vonjo.

        “Teka lang Officer, hindi siya kalaban. Kasama namin siya.” Pagpigil ko sa kanila.

        Binaba ng dalawang pulis ang kanilang mga baril at agad na nilapitan ni Officer Perez si Vonjo para masiguro na ligtas itong makalapit sa amin. Pero habang lumalapit si Vonjo ay biglang nagsalita si Arvine at pinatigil niya ito sa paglapit.

        “Stop! Huwag kang lalapit sa amin.” Sabi ni Arvine.

        “What? Ano bang sinasabi mo Arvine? Bakit?” Nagtatakang tanong ni Vonjo.

        Nagtinginan ang dalawang pulis na para bang nagtataka din sa nangyayari. At ang sumunod na sinabi ni Arvine ang gumulat sa aming lahat.

                “Officer, hulihin ninyo si Vonjo!” Sabi ni Arvine.

        “Huh? Pero…” Pagkagulat ni Officer Perez.

        “Akala ko ba, kasama ninyo ang lalakeng ito?” Tanong naman ni Officer Alejandre.

        “Whoahh… Ano ba ang sinasabi mo Arvine, hindi kita maintindihan?” Tanong ulit ni Vonjo.

        “Teka nga Arvine! Ano bang problema mo? Bakit pinapahuli mo si Vonjo? Hindi ito ang panahon para mag biro ka ng ganyan.” Sabi ko sa kanya.

        “Si Vonjo ang dahilan kung bakit nawala ang mga kaibigan natin, iyon ang gusto kong sabihin kanina bago tayo maaksidente….. Ang binulong sa akin ni Aurora ay tungkol kay Vonjo, nakasanib kay Vonjo ang masamang kaluluwa na humahabol sa atin mula sa nakaraan.” Pagbubunyag ni Arvine.

        Biglang hinablot ni Officer Perez si Vonjo at itinulak sa pader. Pagkatapos ay linagyan niya ito ng posas.

        “Huwag ninyong gawin kay Vonjo iyan!” Sigaw ko sa kanila, lalapit sana ako kay Vonjo pero pinigilan ako ni Arvine.

        “Mga pulis kami na humahawak ng Paranormal Cases. At kung totoo nga ang sinasabi ni Arvine, ay posibleng delikado si Vonjo.” Paliwanag ni Officer Alejandre.

        “At bukod pa doon, kilala din namin si Aurora.” Dugtong ni Officer Perez.

Dinala na ng dalawang pulis si Vonjo pabalik sa kanilang sasakyan, at patuloy lang sa pagsigaw si Vonjo kay Arvine.

        “Arvine!!! Mali ang iniisip mo! Hindi ko alam ang sinasabi mo! At siguradong ang kalaban natin ang may gawa nito para malito tayong lahat…. Hindi ako ang dapat na ipinapahuli mo!!!! ARVINE!!!!!!” Sigaw ni Vonjo.

        Pero buo na ang desisyon ni Arvine, hindi niya pinakinggan ang paliwanag ni Vonjo, hanggang sa hindi na namin sila matanaw dahil sa matataas na damo. Ano na ba ang nangyayari sa grupo namin? Sino ba ang nagsasabi ng totoo, ang ibinulong ba ni Aurora kay Arvine o ang paliwanag ni Vonjo na pakana ito ng aming kalaban?

UnfinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon