Chapter 7

2.8K 95 3
                                    

                                                CHAPTER 7

                                                    Vonjo

            Nang malaman ng mga magulang ni Tamara ang nangyari ay sobra ang galit nito sa amin lalo na sa akin. Pinabayaan nilang sumali si Tamara sa grupo dahil alam nilang hilig ni Tamara ang katatakutan. Mas lalo nilang ikinagalit na wala akong nagawa para kay Tamara. Ipinagkatiwala nila ang anak nila sa akin, na walang masamang mangyayari dito. Alam din kasi ng mga magulang niya na may something sa aming dalawa at suportado nila ang desisyon ni Tamara na sagutin na ako. Pero anong ginawa ko? Dahil sa activity na ito nalagay sa panganib ang buong grupo at nawala sa amin si Tamara. Ako ang dapat sisihin sa nangyaring ito, alam ko kung ano ang consequences na mangyayari oras na pumalpak kami sa Ouija Board. Pero binaliwala ko pa din at pinagpatuloy parin namin kahit walang approval ng bagong Dean at ng adviser namin sa club. Iresponsable akong presidente at karapat-dapat akong maparusahan.

            Nakapwesto na kami ngayon sa ilalim ng puno na itinuro ni Angelito. Nakatingin na sa akin ang mga kasamahan ko at hinihintay na nila akong mag salita.

            “Ngayong nakapwesto na tayo dito, pwede mo ng simulan ang kwento mo Vonjo.” Sinabi ni Angelito.

            “Anong nangyari sayo? Bakit bigla kang nawala after nung insidente?” tanong ni Clarissa.

            “Siguradong magugulat kayo sa dahilan.” Sagot ko sa kanila.

            Sa sumunod na araw pagkatapos ng insidente ay pinatawag kami ng bagong DEAN. Ako muna ang kina-usap nito tungkol sa nangyari.

            “Ikaw ang president ng organization ninyo. At alam mo kung ano ang pwedeng mangyari sa inyo dahil sa activity na iyon. Binaliwala ninyo ang panganib. At ang mabigat sa lahat itinuloy ninyo iyon kahit walang approval namin ng adviser nyo! Siguradong matatanggal na ang Ghost Club sa list ng Organization sa school na ito, at banned na din ang kahit na anong activities na may kinalaman sa katatakutan.” Paglilinaw sa akin ng aming Dean.

            “Hindi lang iyon. Dahil marami kayong nilabag na rules at may namatay pa sa inyo, may posibilidad na ma kick out kayong lahat.” Dugtong pa niya.

            “No Sir! Ayokong masira ang kinabukasan ng mga kasama ko. Ako ang President ng Organization namin, ibig sabihin higit sa aming lahat ako dapat ang nakaka-alam ng tama at mali para sa gupo namin. Alam kong delikado ito pero hinayaan ko lang na ituloy ang activity na ito. Ako ang may nilabag na rules at ako ang dahilan kung bakit namatay si Tamara. Kaya aakuin ko ang lahat ng parusa na matatanggap ng grupo namin. Tinatanggap ko kung matatanggal na ang Ghost Club, mas makakabuti iyon para sa lahat. At kung may dapat na ma kick-out, ako lang iyon wala ng iba. Please Sir ako lang po ang ilagay ninyo sa Subject for Kick-out.” Paliwanag at paki-usap ko sa aming DEAN.

            “Sigurado ka ba? Haharapin mong mag-isa ang parusa?” Tanong niya.

            “Dahil ako lang po ang may kasalanan.” Sagot ko sa kanya.

            “Pag-iisipan ko. Makakalabas ka na, hindi ko na kaka-usapin ang iba mong kasama.” Sabi ng aming DEAN

            “Sir, may isa pa po akong paki-usap. Kung sakaling ma kick-out na ako, huwag po sanang malaman ng mga kasama ko na inako ko lahat ang parusa. Ayaw kong kaawaan nila ako. Salamat po” Paki-usap ko ulit sa DEAN at lumabas na ako sa kanyang office.

            Pagkatapos nilang marinig ang aking unang dahilan ay kanya-kanya na sila ng komento.

            “What? Iyon pala ang dahilan kung bakit ikaw lang ang pinarusahan?” Sabi ni Rodylien.

            “Kaya naman pala agad-agad kaming pinatawad ng DEAN, kasi sinalo mo lahat ng parusa. Bakit mo ginawa iyon?” Dagdag ni Shen.

            “Bakit hindi mo sinabi sa amin Vonjo? Hindi ka naman namin kakaawaan, pero dapat sinabi mo, para sama-sama nating hinarap iyon.” Dugtong ni Clarissa.

            “Can’t you see it Guys? Ginawa iyon ni Vonjo para iligtas tayo, Dapat nga magpasalamat tayo kasi hindi tayo nahirapan.” Pagtatanggol sa akin ni Angelito.

            “Magpasalamat? Naririnig mo ba iyang sinasabi mo Angelito? Dahil sa ating lahat kaya namatay si Tamara! Dahil sa desisyon natin! Tapos pinabayaan natin na si Vonjo lang ang mag suffer? Sarili mo lang ba ang iniisip mo Angelito?” Pagkompronta ni Romylyn kay Angelito.

            Biglang tumayo si Chryztyn at lumapit sa akin. Nagulat nalang ako dahil binigyan niya ako ng isang malakas na sampal.

            “Ang selfish mo Vonjo! Hiningi ba namin sa iyo na gawin mo iyon? Sa tingin mo ba ay na protektahan mo kami sa ginawa mo? Hindi! Kasi sa ginawa mong iyon kami ang kina-awaan mo! Sa pagkakataon na iyon, hindi ka dapat nag desisyon para sa amin.” Lumuluha na sinabi ni Chryztyn.

            Natahimik ako sa sinabi ni Chryztyn, tama nga naman, hindi dapat ako nag desisyon para sa kanila. Pero wala akong ibang magagawa nung oras na iyon, dahil ang tanging nasa isip ko. Ayaw ko ng may mapahamak pang iba sa mga kasamahan ko.

            “Hindi ito ang tamang oras para magsisihan pa! Tapos na iyon, nangyari na. Hindi na natin mababalikan pa ang nakaraan.” Sabi ni Arvine.

            “Oo hindi na nga natin mababalikan ang nakaraan. Pero tayo na mismo ang binabalikan ng nakaraan. Ni Tamara!” Dugtong ni Rodylien.

            “Paano kung si Vonjo pala ang dahilan kung bakit tayo binabalikan ni Tamara? Dahil pinabayaan natin si Vonjo.” Ideya ni Shen.

            “Hindi ako sang-ayon sa sinabi mo Shen, dahil si Tamara mismo ang dahilan kung bakit ako lumayo sa inyo.” Pagkontra ko kay Shen.

            “Ano ang ibig mong sabihin Vonjo?” Tanong ni Clarissa.

            Lumabas na ang resulta ng kaso ng Ghost Club sa school. At napag desisyunan na I kick-out ang responsable sa activity na iyon. Laking pasasalamat ko dahil ako lang ang na kick-out sa tulong ng DEAN namin. Kinausap ako ng adviser namin sa Ghost Club pagkatapos ng pagbibigay ng resulta.

            “Very irresponsible ang ginawa mong pag approve sa activity na iyon kahit na walang approval namin ng DEAN. Pero hindi kita sisisihin, dahil lahat naman kayo ay kusang tinanggap ang misyon na iyon. Kaya ibig sabihin ay handa kayo sa anomang kakalabasan nito. Sana ay nakapulot kayo ng aral dito.” Sermon sa akin ni Ma’am Bernadette.

            “Salamat po Ma’am, at siguradong hinding-hindi ko na ito uulitin. Pero Ma’am, b-bakit nagkaganon si Tamara? Bakit siya namatay?” Tanong ko sa adviser namin.

            “Maaaring hindi kinaya ng katawan ni Tamara ang lakas ng masamang espirito na sumanib sa kanya kaya bumigay ito. Kahit papaano ay nakatulong parin si Tamara dahil hindi tuluyang nakalabas sa mundo nating mga buhay ang masamang espirito.” Sagot ni Ma’am Bernadette.

            “Sige na, puntahan mo na sa canteen ang mga kasama mo. Hinihintay ka nila doon. Goodluck sa iyo, Vonjo.” Pagputol ni Ma’am sa aming usapan.

            “Maraming salamat po Ma’am Bernadette.” Tugon ko sa kanya.

UnfinishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon