Tumigil lamang ang kanilang pag iingay nang bumukas ang pintuan at may pumasok na lalaki. Presensiya pa lang nito ay nakaka intimida na.
'Seniors' sa isip ng iba. Ang pinagtataka ng iilan, ay kung bakit ito ang pumasok sa unang araw ng klase imbes na ang kanilang professor.
Dumiretso ito sa lamesa na nasa unahan. Nilapag nito ang hawak na libro at isang folder na puti. Binuklat iyon. Kumunot ang nuo. Nagsalubong ang perpekto nitong kilay. Marami ang lumunok ang iba naman ay kinilig.
Nagsimula itong magbasa ng pangalan. Attendance. Dire- diretso ang pagbabasa ng pangalan. Halos hindi ito tumingin kanila, upang masiguro kung naroroon nga ba ang tinawag nitong pangalan.
Espinosa, Maria Leonor
present--Evongio, Kenthal Jou
present--De Quenco, Mathiea
present--Tumigil ito sa pagtatawag ng pangalan at tiningnan ang mga istudyanteng nasa unahan.
"Your 3rd year college yet act like a grade school student. How funny? Tsk,"
Nanahimik ang babae na kanina pa nakikipag- daldalan sa katabi nito. Yumuko ito dahil sa hiya.
Nag patuloy ang naantalang pag tatawag ng pangalan.
Esquivel, Jolsiana Sadie
present--Damaris, Aaliyah Grace--
Sa pangalawang pagkakataon tumigil ito. Mabilis na inilibot ang mata. Malikot iyon. Desperadong makita ang kanyang hinahanap.
-present!
Tumigil lamang iyon sa paglilibot at direktang tumutok sa babaeng naka taas ang kamay. Unti-unti rin iyong ibinaba.
Iyah? Mahinang bulong ng lalaki sa utak niya. Ang itim nitong mata ay mariing tumitig sa babaeng naka yuko sa upuan nito. May ginagawa itong kung ano.
Tumikhim ang lalaki. At muling pinagpatuloy ang naantalang ginagawa. Kung kanina tuwid itong tumayo. Ngayon ay panay ang kamot nito sa kanyang kilay. Tandang kinakabahan.
Nang matapos siya sa pag che-check ng attendance, muli siyang tumingin sa babae na nasa huling row ng upuan. Naka-yuko pa rin ito. Gusto niyang itong pagsabihan. Ngunit malakas ang pagtahip ng kanyang dibdib. Humarap na lamang siya sa board at sinulat kung ano ang iniutos sa kanya ng professor.