' Hey Iyah? Can we sit here? '
Tumingin siya sa kaharap. Umaasang magsasalita ito ngunit patuloy pa rin ito sa pagsubo ng pagkain.' Uh? Ok l-lang ' sagot ng niya sa lalaking sa tingin niya ay kaklase niya. May kasama itong dalawang babae. Tumabi ito sa kanya. Sa gilid naman niya ang dalawang babae.
' Thanks Iyah, wala na kasing ibang vacant e '
' hehe ayos lang '
Nanatili ang kanyang mata sa kaharap. Wala pa rin itong pakialam sa paligid. Umaasa siyang magseselos ito at paaalisin ang lalaking tumabi sa kanya. Pero hindi. Ganun kasi sa mga napapanood niya at nakikita niya mismo sa mga kakakilala niya na may karelasyon. Hindi niya alam pero gusto niya na kahit isang beses magselos man lang ang lalaki. Gusto niya kasi maramdaman na binabakuran ng kasintahan. Ngunit mukha atang malabo ito mangyari. Parang wala kasi itong pakialam kahit mag subuan pa sila ng lalaking katabi niya.'dude pa- cafeteria ka?'
Nagising mula sa pagkakatulala si Gregory Nicholas ng tawagin siya ng kaibigan.
'ah! Sige' wala sa sariling sagot niya. Kanina pa siya may iniisip. Ayaw naman niya magpa-iwan sa classroom nila dahil mag-isa lang siya kung ganun.
Madami mang tao sa cafeteria, nakita pa rin niya ang taong kanina pang laman ng kanyang isip. Iyah. Ito na naman siya kinakabahan habang nakatingin sa dalaga. Kumakain ito ng mag-isa. Buti naman, sa isip niya.
Umorder sila sa kabila ng mahabang pila. Ginawan ng paraan ng mga kasama niya. Nilibot niya ang paningin. Mukhang sa dami ng tao ngayon, wala silang mauupuan. Nasa hulihan siya, sumusunod sa mga kaibigan niya.
Tumigil din ang mga ito.
"Hi miss? Can we share this table?" tanong ng kasama niya. Kung tutuusin pwede naman silang umupo kahit saan. Nakapagtataka at nagtanong ito. Bago. Umiling nalamang siya.
"Uh? Go ahead. I Don't mind" Nang marinig niya ang boses na iyon, parang gusto niya bumalik sa classroom nila. Ngunit huli na ang lahat nakaupo na ang mga kasama niya. Siya ay nanatili pa ring nakatayo. Natuod siya. Kinakabahan. Gusto niyang tumakbo, tumakas, at magtago.
"Pre upo na!"
Doon lamang siya gumagalaw. Dali dali siyang umupo. Kaharap mismo ng dalaga."Miss? Parang pamilyar ka bago kaba rito?"
"Uh? Yes! Obviously. Why?" Nagpatuloy siya sa pagsubo. Sunod-sunod. Para siyang gutom na gutom.
"Ah,Mclem nga pala"
Tsk. Gusto niyang tabigin ang kamay nitong nakalahad sa harap ng dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/189552695-288-k429366.jpg)