First day ko sa St. Francis pero parang ayaw ko naman pumasok! Nakaka tamad! Kasi naman ga*ong Brix yun e! Kasalanan nya kung bakit ako na kick out sa Houston University. 'Wag lang mag sa sanga landas namin! Manghihiram sya ng mukha sa aso!
"Hunter? Wala ka bang planong kumilos? First day mo sa St. Francis di'ba? Magpasalamat ka pa at kumpare ko ang may ari ng school na yun dahil kung hindi wala ka ng mapapasukan! Kaya magpaka tino ka dun!" Heto na naman po kame.. ang aga aga nanenermon 'tong tatay ko!
"ANO HUNTER????"
"Heto na po. Kikilos na dad.." Heto na nga. Kikilos na.
Hindi na ko nag break fast dumerecho na ko sa kotse ko at pinasibat na papuntang St. Francis High.
Malapit lang kung tutuusin ang school na yun sa bahay pero ayaw kong maglakad. Kaya nga ako may kotse di'ba? Pagka park ko ng kotse bumaba agad ako at dumerecho na sa class room ko. Fourth year section 5 ako. Sabi last section daw 'yun. I don' t care. Hindi ako enteresado kahit pa nasa pinaka huling section pa 'ko. What for? E ayaw ko naman talaga pumasok dito. Dahil balita ko napaka boring daw ng mga estudyante dito.. Hhhmm e kung magtayo kaya ako ng gang dito? Hehehe oo nga no?
"Oh my God sino sya? Ang gwapo!"
"Oo nga! Transferee ba sya?"
"Anong year na kaya nya?"
"Sh*t my bago na naman akong apple of the eye!"
"Ayyy sya na ata ang hinahanap ko matagal na!"
Napa lingon ako sa paligid ko. Tss. Hanggang dito ba naman pinag papantasyahan ang kagwapuhan ko? Tsk tsk tsk. Sabagay di ko sila masisisi.. 'Di ko naman pwede ikaila sa kanilang gwapo ko e!
Nilingon ko sila at nginitian tsaka ko kinindatan.
Naku mga kinilig naman. 'Di ko na lang pinansin at lumakad na ko papasok ng class room ko.
Pag pasok ko ang iingay! Usap dito. Usap doon. Tawanan ng mga babae at asaran ng mga lalaki. Hindi ko sila pinansin at dumerecho ako sa likod kung saan may bakanteng upuan. Lahat sila naka tingin sakin. Especially the girls syempre.
May lumapit sakin. Lalaki.
"Bago ka dito pre?"
Tss obvious ba? Nakita ng bagong pasok ako dito e! Tinignan ko lang sya.
"Haha snob ka pre. Baka gusto chicks mag tatanong sa kanya!"
Narinig kong sinabi ng kaklase namen.
"Hoy! 'Pag tinatanong kita sasagot ka ha? Hindi mo ba alam? Hawak ko ang section na 'to!"
Tumayo ako sa harap nya.
"Bakit? Ikaw ba ang teacher namen? Kaya hawak mo ang section na 'to?" Akala ata nya papa sindak ako sa kanya? Tss ako? Si HUNTER JAKE VALDEMOR magpapa sindak sa kanya? Tss kaya nga ako tinawag na kilabot ng Houston University dahil ako lang ang estudyante dun na hindi marunong masindak sa teacher e!
"Aahh pre papalag.. alam na.. boom panes ka ata dyan e!" Haha sya na nga ang boom panes! Ako? Walang gumaganyan sakin sa Houston! Lahat sila ginagalang ako!
"Abat gago to a? Hoy sino ka ba sa inaakala mo ha? Ka bago bago mo dito kala mo kung sino ka na ah? Sige nga! Mag pakilala ka!"
Sus! 'Yun lang ba? Tsss baka yumukod pa 'to sakin pag nalaman kung sino ako?
"Ako lang naman si HUNTER! Last name ko kelangan mo pa?"
Lahat sila nganga. As in N G A N G A
"BOSS kamusta? Hoy! Umalis ka nga dyan! Walang hangin si boss oh? Masahe boss?" Haha o di'ba? 'Di nataranta sya ngayon.
"Tss hindi ko kelangan yan. At hindi nyo rin ako boss. Ituring nyo lang ako ng maayos wala tayong magiging problema!" Oo kahit naman gago ako hindi ako bossy talaga! Sila lang naman ang tuma trato sakin ng ganun eh! Lalo na sa babae! Ayoko ng may nakikita akong binabastos na babae. You know? I love girls!
Dumating na yung teacher namin. Nakupo. Bading pa ata 'to. Napaka lagkit ng tingin saakin.
Good morning students!"
sumagot kami.
"Good morning sir/ maam!"
Ay mali. Haha ang sabi ko kasi maam.. haha sir pala.
"Sorry po sir.. nasabi ko kasi maam.. sorry po.. taong gwapo lang!"
Nagtawanan yung mga class mates ko . Pero siya parang hndi man lang napikon, nagpa cute pa sakin tsaka nag puppy eyes. Sows.
" It' s ok Mr. Valdemor, any way can I invite you here to introduce your self?"
Oo naman! E may magagawa ba'ko? Lumakad ako papuntang unahan.
"Good morning classmates. I' m Jake Valdemor.. Please walang tatawag sa akin sa first name ko ok? Ako si JAKE Valdemor, 17 I' m from Houston University at dahil bad boy daw ako kaya pinatapon ako dito. But don 't worry guys harmless naman ako eh! Specially sa girls! That' s all! Ooppss bago ko makalimutan don' t dare to call or even tell to any one my first name ok? Try to dare, you' re into trouble!"
Tapos nag smirk ako sa mga classmate kong boys at kinindatan ko naman yung mga girls.
Tapos naupo na ko sa likuran. Naririnig ko yung mga bulungan nila kung bakit daw ayaw ko mag patawag sa first name ko. Ayoko lang. Hindi ko basta basta pinapa alam sa iba na ako si Hunter. Kapag narinig mo kasi ang pangalan ko, matic na yun! Tara*tadong estudyante agad ang naiisip nila. Pero hindi naman talaga ako ganun ka ga*o e!
Mabilis lang lumipas ang oras at maya maya ay uwian na. Palabas na'ko ng class room ng may narinig akong tawanan ng mga estudyante na padaan sa room namen.
"Hay naku Francisco a.k.a. Francheska alam mo namang waley lalu akesh anda di'ba? Kaya sa Morayta na lang tayo mag lafang! Kung ayaw mo wit akesh jo-join!"
Ano bang salita yun? Taga ibang planeta ba sila?
"Ok lang Paula sagot na kita! Akesh na magbabayad ng lafang mo! May anda pa akesh ditey!"
Oh isa pa 'to? Bading din ba sya? Pero bakit mukha syang babae? Psh! Sa unang tingin aakalain mong babae sya e ! Ang siyensya nga naman..
Tapos sumunod na ako sa kanila. Pa sipol-sipol pa akong naglalakad habang nakapa mulsa. Nang bigla silang napa lingon sa akin.
"AAAYYYYYY! May gwapong hombre sa back less natin! At ang ummm!" Tapos tumingin sa baba ko. " Hindi bombilya itechiwa! De kuwarentang ilaw itey!! Aayyy ang habaaaaaa!" Abat gagong to a?
"Hoy! Anong sinasabi mo dyan? Ga*o ka a?" Sapakin ko kaya tong bakla na'to?
"Ay suplado ang peg ni kuyang hombre..." Ta*g ina. First day ko at mukhang mapapa away ako dito a? Kapag di pa tumigil 'tong bakla na'to papa tulan ko na talaga 'to!
"Pwede ba? Layuan mo nga ako!" Tapos tinulak ko sya.
"Hoy! Sira ulo ka a? Anong karapatan mong manulak ha?" Biglang humarang samen yung baklang mukhang babae.
"Kayo! Kayo problema ko! Tigilan nyo nga akong mga BAKLA kayo!" Tapos lalo syang dumikit sakin. As in malapit na malapit yung mukha nya sakin. Huh? Bakit ganun? Parang feeling ko babae siya at hindi siya isang bakla?
"Sinong bakla ha???? Sa ganda at sexy kong 'to sasabihan mo 'ko ng BAKLA??? Sila bakla pero ako...babae ako.. babaeng babae ako! Babaeng babae ako na hinding hindi papatol sa katulad mong hambog mayabang at ga*ong lalaki na katulad mo! Kaya nga ba ayaw ko sa mga tunay na lalaki e! Kung umasta kala mo kung sino! " Tapos tinignan nya ko mula ulo hanggang paa tapos pabalik.
"Hmp! Akala mo kung sinong gwapo! Che! Let' s go girls!"
Tapos nag sunuran na sa kanya yung mga alipores nyang bakla. Hah! Bakit??? BABAE BA SILA??
Naiwan akong naka tunganga. Hindi dahil na soplak niya ko kung hindi napa tulala ako sa kagandahan nya. Nagulat ako ng may biglang may tumapik sa balikat ko. Si Louie. Yung class mate ko.
"Taray no? Naku galit pa naman yan sa mga ga*ong lalaki. Haha. Kaya nga hindi kame maka porma dyan e! Ganda no?"
"Sino sya pre?"
"Siya? Siya si Cassy.."
*end of chapter 1*

BINABASA MO ANG
My Gay Friend is My Boyfriend
Teen FictionNa kick out sa pinapasukang school si Hunter dahil sa angking kalokohan at kagaguhan nya. Kaya naman pinatapon sya ng magulang nya sa St. Francis High. Inis yamot at asar si Hunter sa iskwelahang yun dahil feeling nya boring at walang ka buhay buha...