Heart Denise Caskblade
Lunch na namin ngayon at nandito kami sa Canteen namin.
Nathan! Yung order namin. Sigaw ko kay Nathan na abala sa pag dra - drawing sa dulo ng inuupuan namin.
Agad naman syang nag angat ng tingin sa amin at ng makita nyang lahat kami ay nakatingin sa kanya ay napakamot sya sa ulo nya, at kinuha sa bulsa ng blazer nya ang pocket notebook nya at saka tumayo.
Order nyo? Bilis. Tanong ni Nathan at unang lumapit kay Rei.
Nang makuha nya ang order naming lahat ay pumunta na sya sa Counter at inorder ang order namin.
---
Kumakain na kami at parang nag iba ang lasa ng soup ko! May kung anong hindi ako maipaliwanag sa lasa nito.
Blimey! Kakaiba ang lasa ng soup ko! Hindi kaaya-aya ang lasa nito.
AH!! BA...BAKIT MA...MAY PU...PUTOL NA DA...DALIRI?!
E...ESTUPIDO! BAKIT MAY GINILING NA LAMANG LOOB NG TAO DITO?!
Sabay na sigaw ni Rei Xiu at Eli, ako naman ay napatingin sa aking kinakain at ganun na rin sila Brent.
Nang kumuha ako ng konting sabaw ay may sumama na kung anong hindi ko maipaliwanag.
Tinanggal ko ang sabaw sa kutsara at naiwan ang maliliit na pulang butil na hindi masyadong naluto.
Kumuha ako ng tissue at inilagay ko iyon doon hanggang nabatid ko kung ano ito.
Lamang loob nga ito ng Tao! Sigaw ko at naibato ko ang mangkok ko sa lapag dahilan upang lumikha ito ng ingay.
Ang mga estudyante rin na nandito ay nag panic dahil batid kong may mga lamang loob din ng tao ang mga kinakain nila, pero bukod doon ay may mga estudyante ng sumusuka ng dugo!
Anong nangyayari?! Sigaw na tanong ni Kristine at dahil wala syang pinagkakaabalahan ay nag simula syang hawakan ang buhok nya at nag sisigaw na rin sya, at pinag hahampas ang sarili.
Ang mga katabi naman nya na si Andrew at David ay sinubukan syang pakalmahin.
Ratbag! What's happening here? Naguguluhang tanong ni Brent, at hinimas himas ko ang braso nya.
Blimey! Will you calm down? Asik ko sa kanya at tumango sya ng marahan. Si Rei Xiu naman ay mabilis tumayo at pumunta sa mga nangangailangan ng tulong.
Nakakapagtaka lang dahil napaka bilis nyang kumilos! Higit na mas mabilis sya sa aming kumilos!
May mga janitor naman na dumating at inuutusan kaming lumabas. Si Kristine naman ay bahagya ng kumalma.
Lumabas na nga kami sa Canteen at ang mga naiwan na lamang doon ay ang mga sugatan at ang mga Janitor.
Ano bang nangyayari dito?! Bakit ganito? Takot na tanong ni Eli sa amin ngunit walang sumagot sa kanya.
Mabuti pa't bumalik na tayo sa classroom natin! Tiyak kong doon ay ligtas tayo. Sabi ni Andrew at ginawa nga namin iyon.
---
Nandito na kami sa classroom namin at maingay dito.
BINABASA MO ANG
Cadaver University
FantasyCadaver University, unibersidad kung saan ang akala ng mga tao ay paaralan para sa mga gustong mag doctor o nurse. Lingid sa kaalaman nila na ang paaralang ito ay puno ng misteryo, kababalaghan, at kung ano - ano pa. Marami ang na engganyo na pumaso...