Kabanata 6

11 2 0
                                    


Kabanata 6

X

Nanatili akong tahimik dahil sa awkwardness, samantalang itong katabi ko ay kanina pa hindi mapakali, ang likot likot niya parin sa upuan niya ewan ko ba kung may bulate ba ito sa pwet o kung ano man. Kanina parin ito nagmumura ng nagmumura sa gilid ko at bulong ng bulong ng mga intsik na lenggwahe. Tinitingnan ko na ito ng masama dahil alam kong kahit nasa sulok kami ay nakakagawa parin siyang ingay na siyang nakakadistract sa mga nagpeperform pero di siya natitinag sa simpleng mga tingin ko sa kanya, nababaliw na nga itong intsik na ito.

"That's a great performace, Rexa and Seggy! You two danced gracefully! We enjoyed it alot!" Komento ng aming adviser kay Rexa at Seggy, ni hindi ko namalayan na sila pala ang nagperform kanina dahil dito sa katabi ko. I must disagree with Rexa's comments last time, Seggy is not a bad dancer, she's good, tbh. Siguro ay hindi lang ito ganoong nakikicooperate kung kaya't kung ano na ang nasabi ng pinsan ko dito.

Umiling ako sa aking mga naiisip, kinuha ko ang cellphone ko upang itext si Rexa at icongratulate, ayoko kasing lapitan pa ito dahil makakagawa lamang ako ng ingay o eksena dito sa auditorium, malayo kasi ang pwesto sa amin nila Rexa kung kaya't idadaan ko nalang sa pagtetext ito. Mahaba haba ang text ko kay Rexa dahil pinagsabihan ko rin ito sa pagiging harsh niya sa partner niya na maayos naman pala. Agad niya rin akong pinasalamatan at binalingan dahil ganon rin naman daw ako kaharsh kay Dex. Hindi naman ata?

Napakunot ang noo ko dahil tumahimik ang katabi ko, kung kanina ay sobrang likot nito, ngayon naman ay bigla siyang pumirmi at para pa itong natulala sa harap, pinakiramdaman ko muna siya bago ko siya tiningnan ngumit nangilabot ako sa intro ng kanta, dahan dahan kong nilingon ang stage at nakita ko dun si Cloud na nagppiano, intro palang alam ko na ang kanta. Time Machine... song for exes huh?

Tiningnan ko ang reaksyon ni Dexter sa tabi ko, ngayon ay tahimik at seryoso na siyang nakatingin sa unahan ng stage at nakahalukipkip, sa sobrang titig niya sa stage ay hindi na niya napansin ang pagsulyap ko sa kanya, napalingon nalang ako nung narinig ko ang boses ni Cloud sa unahan.

"do you remember how it felt like?

I still remember how the days that end, the weeks and months

we were together for so long

I haven't noticed, that we're falling down too fast"

Maganda at malamig parin ang boses niya, tulad noon at hanggang ngayon. Habang nakikinig ako sa bawat lyrics na kanyang binabanggit ay may kung anong kumikirot sa puso ko, ayokong mag assume pero alam kong may gusto siyang iparating sa kantang ito. Lalo na noong mula sa pagkakapikit niya ay dumilat siya at diretso ang tingin sakin habang kagat ang labi, agad kong iniwas ang tingin ko at nagcellphone nalang. Masyadong sapul sa akin ang kantang ito, hindi ko lubos maisip na kinakanta ito ng ex ko sa harapan at ang kanyang mata ay nakatuon pa sa akin.

"If I could take it all back

I still want you by my side.

If only I could bring you back to me

If I could go back in time

promise we won't say goodbye

I never really moved on

No, not in time..."

Agad rin naman akong napatingin ng narinig ang boses ng isang babae, maganda ito. Pagkatingin ko sa stage ay nagulat ako ng makita ko si Trixie yun, siya nga pala ang partner ni Cloud, maganda ang kanyang tinig at animo'y ramdam na ramdam niya ang kanyang kinakanta. I wonder how she felts. Tumingin ako muli kay Cloud na nakatitig parin sakin at para maiwasan ang pagkailang ko kay bumaling ako kay Dex na ngayon ay nakasimangot habang nakatingin sa stage, anong problema nito? Nawala rin kasi ang pagiging maingay niya kanina, kung kanina ay makulit, ngayon ay seryoso at tahimik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Recurring NightmareWhere stories live. Discover now