Kabanata 5

11 3 0
                                    


Kabanata 5

The Closer I Get To You

Maraming nangyari sa loob ng isang buwan, naging abala ang aming klase sa mga activities, quizzes, tests, projects. Hindi biro ang mga requirements sa unang buwan ng taon. Maraming ginawa. Naging busy ako kung kaya't araw araw akong pagod, pagkatapos kasi ng klase ay madalas umuuwi ako sa bahay upang magbihis at didiretso ako sa Quint para sa gig, kapag naman Tuesday ay diretso ako sa Jingle upang makapag ensayo kami ng aking mga kabanda ng iba't ibang kanta.

Septyembre ngayon at sa pagkakatanda ko sa aming schedule ay ngayon ang aming music sesh, napabalikwas ako sa aking kama noong naalala ko yun, mabilis kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Dexter.

"Good morning, Shan." Paos ang kanyang boses, parang kakagising niya lang.

"Yeah, right. Dexter, get up we need to practice!" Sa sobrang abala namin sa school ay nakalimutan na naming magpractice ni Dexter. Kinakabahan ako, ayokong mapahiya sa klase.

"Practice for what?" Sa tingin ko ay wala pa ito sa wisyo dahil nga sa kagigising niya lang.

"Music sesh, idiot!" Napasapo ako sa aking muka, muka akong ewan dito kakapaalala sa kanya, hindi naman pala niya ito naiintindihan o naalala manlang. Jusko, paano na kami mamaya? Baka mamaya ay kami ang matawag at mabunot.

"Oh? Ngayon yon?" Napasapo ulit ako sa aking muka at umiling.

"That's why I called you! Wala tayong practice."

"I told you na magpractice tayo nung first week of school diba because that time ay di pa tayo busy, you're too stubborn, Shan." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ako? Stubborn? Wth?

"Who's stubborn again, Dexter?" Iritado kong sabi.

"Uhmm..." Sa boses niya ay alam kong nakangisi siya at nang aasar, this guy!

"WHO?!" Pagalit at pasigaw kong sabi.

"No one, Shan. See you later." Humalakhak siya at binabaan ako ng telepono. How dare is he?!

Didiretso na sana ako sa banyo upang maghanda na sa school, it's 5:30 in the morning, kailangan kong maging maaga, kailangan kong ipractice yon. Imagine, vocalist ng Asterisk, papalpak sa harap ng klase? No way. Napatalon ako sa tumatawag sa aking phone. It's Dexter.

"Oh anong-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng nagsalita siya bigla ng mabilis.

"Shan, remember that I will mark this day because this is the first time you called me. Thank you." Sabay baba ng telepono. Napangiti nalang ako at napangisi habang pumapasok sa banyo.

Sa isang buwan ko rin na nakasalamuha si Dexter ay masasabi kong mabuti siyang tao, hindi niya rin ako hinahayaang umuwi mag isa lalo na at ginagabi ako sa aking mga gigs masyado. Tinupad niya ang sinabi niya araw araw niya kong kakaunin at ihahatid sa bahay, hanggang gate lang siya dahil ayoko pa siyang ipakilala sa parents ko. After ng break up namin ni Cloud ay di ko na ulit alam kung kailan ako may pinapasok sa lalaki sa bahay. Well, of course except for Mori.

Pumasok ako sa classroom, nakita kong nagkkwentuhan si Mori at Rexa kung kaya't lumapit ako dun at nakisali, pinag uusapan pala nila ang music sesh, napatungo nalang ako dahil sa kanilang mga kwento ay alam kong handang handa na ang dalawang ito.

"Ikaw ba, Reign? Handa na ba kayo ni fafa Dex?" Tanong sakin ng kikay na si Rexa.

Umiling ako, "Uhh hihintayin ko pa siya." Sabay nginitian ko siya.

Gulat ang ekspresyon na ipinakita sa akin ng dalawa, para bang di makapaniwala na wala pa kaming ni katiting at ni paghingang nappractice ni Dexter.

Her Recurring NightmareWhere stories live. Discover now