Kabanata 2

8 4 0
                                    

Kabanata 2

Cloud Francis Andrada

"Hmm? Bakit mo ko pinapunta dito, may pag uusapan ba tayo?" Salubong ko kay Cloud na naka-upo sa bench at nakahalukipkip dito sa park. Nakasimpleng shirt lang siya at shorts, tapos nakatsinelas lang. Habang ako ay nakapants, nakaboots at nakamidriff, baka kasi dumiretso na ko sa Quant dahil may gig pa kami pagtapos. Hindi ko alam kung gaano ba kaimportante ang papag usapan namin ni CLoud at pinapunta pa ako dito, sana ay tinawagan niya nalang ako.

Tinabihan ko siya. Tiningnan ko ang kabuuan ng park at nakita ko ang mga batang naghahabulan, mga magulang na nakabantay sa kanilang mga anak, mga magkasintahang namamasyal. Napangiti ako dahil ang aliwalas sa pakiramdam na nasa isang park ka kasama mo ang taong mahal na mahal mo.

Hindi sumagot sakin si Cloud, huminga lang siya ng malalim, tiningnan ko siya at nakita kong nakatitig siya sakin ngunit nag iwas rin. Parang may gustong gutso na siyang sabihin pero di niya magawa, ano kayang meron? May problema ba?

"Uy Cloud, anong atin? Bakit mo ko pinapunta?" Ulit ko, sinabayan ko pa ito ng tawa para mawala ang awkwardness at ang katahimikan naming dalawa. Sabay tingin sa relo ko. 30 mins nalang magsisimula na ang gig namin ng Asterisk, kailangan makaalis na ko dito dahil pagagalitan na naman ako ni Robert, ang aming leader sa banda at ang aming lead guitarist. Kailangan pa naman namin magpagoodshot sa may ari ng Quint para maging regular na kami dun.

"Reign, may problema kasi." Tiningnan ko siya at kita ko sa mata niya ang pangamba. Namumula ito at para bang konti nalang ay babagsak na ang mga luha niya. Naiiyak si Cloud? Para bang ang bigat bigat ng kanyang dinadala, ano kaya ito?

"Ano yun, Cloud?" Nag aalala kong tanong. Hinawakan ko pa ang kamay niya, sabay ang muka niya na siyang iniiwas niya sakin, ayaw niya talagang ipinapakitang mahina siya.

"Reign, nakausap ko kasi si mama kagabi." Tumango ako hudyat na nakikinig ako at maaari niyang ituloy lang ang pagkkwento, "Gusto niya kasing..." Kumunot ang noo ko ng makita ko siyang napatingin sa taas at nakahawak sa muka, mukang hirap na hirap niyang sabihin ito. May problema kaya sa bahay nila? Problema ba to sa pinansyal? O maaring problema saming dalawa? Nanlamig ako sa aking mga naiisip na posibleng problema.

Umiwas ako ng tingin, "Anong sabi ni mama mo?" Alam ko kasing simula nung naging kami ni Cloud ay iba na ang turing sa akin ng kanyang nanay, ramdam ko iyon. Yung tipong iwas, minsan lang ngumingiti, minsan ay hindi pa ko binabati pag bumibisita ako sa kanilang bahay, taliwas sa turing ng magulang ko kay Cloud.

"Gusto niyang maghiwalay muna tayo, ayaw niya daw munang maranasan kong matali sa pag ibig." Sabi niya sakin, napatingin ako sa kanya. Napakunot ang noo ko, bakit ngayon lang ito nangyari? Kung kailan alam ko sa sarili kong mahal ko na si Cloud talaga. Bakit hindi pa noon kung kailan hindi pa ko masydong naattach sa kanya. At bakit niya ako niligawan kung saan alam pala niya na hindi ako matatanggap ng kanyang nanay?

Ramdam ko na ito noong una palang, alam ko kung saan tutungo ang relasyon namin ni Cloud. Napaiwas si Cloud ng tingin at tumingin na lamang sa kanyang mga paa. Tumayo ako at nagsalita, masyadong masakit itong pangyayaring ito. SI Cloud ang una kong naging kasintahan, maraming nanliligaw sakin ngunit alam kong hindi pagmamahal ang nakikita nila sakin dahil ang lagi nilang dahilan kung bat nila ako niligawan ay ang pagiging vocalist ko lang sa banda, ang pagiging cool ko raw, gusto lang nila akong ipagmalaki. Ngunit si Cloud ay ramdam ko tunay na pagmamahal ang alay niya sakin, tunay nga pero di naman ako kayang ipaglaban. Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang tumulo sa pisngi ko.

"Ayun lang ba ang pag uusapan natin Cloud, kaya mo ko pinapunta rito? Wala na ba? Parang kulang pa eh, parang mas gusto kong saktan mo pa ko para isang sakitan nalang. Ano, Cloud? Yun lang? Eh duwag ka pala eh, wala ka palang paninindigan." Sabi ko sa kanya ng titig na titig. Parang wala akong maramdaman, hindi ako pinaglaban ni Cloud. Masakit ito sa akin, lalo na tuwing naiisip ko na halos pamilya na rin ang turing nila mama kay Cloud, para ngang mas anak pa nila si Cloud sa akin minsan eh.

Her Recurring NightmareWhere stories live. Discover now