Deng Rei Xiu
Dahil hindi ako makatulog dahil sa madaming katanungan sa isip ko ay naisipan kong tumayo sa kama ko at mag lakad sa pader.
Naging madali naman ito para sa akin, kayang kaya ko na ngayong umakyat ng puno!
Ngayon ay nakapatiwarik ang pwesto ko, ang paa ko ay nasa kisame at parang glue ito na nakadikit!
Ilang minuto ang lumipas at napag pasyahan ko na bumaba muna sa sala namin para kumain.
Nang bumaba ako ay naabutan ko sila mommy at daddy na sabay kumakain.
Ang pangalan ni mommy ay Amber Levinia Hyland - Deng, si mommy ay Half Filipina, half American, pero ang nationality ni mommy ay American.
Ang pangalan naman ni Daddy ay Deng Wang Wei, si Daddy ay purong Chinese.
Oh Mint, gising ka pa pala. Halika at kumain ka. Bati sa akin ni mommy at lumapit ako sa kanila at umupo ako sa tabi ni mommy..
Madami po akong tanong, mommy.. Sabi ko sa kanya habang pinag hahanda nya ako ng pagkain.
Magtanong ka lang, sasagutin namin. Sagot sa akin ni daddy at tumango ako.
Diba po ay dapat masusunog tayo kapag nasikatan tayo ng sunlight? Tanong ko sa kanila at tumawa naman si daddy pati si mommy.
Hindi iyon totoo, kita mo't nakakalabas tayo sa araw. Myths lamang iyon. Natatawang sagot ni daddy at nagulat naman ako.
Heh?
Paano naman po ang garlic, holy water, at silver? Tanong ko pa ulit ng maibigay na sa akin ni mommy ang pagkain ko.
Hindi tayo masasaktan diyan. Kahit na barilin nila tayo ay tatalsik lang ang bala sa katawan natin at hindi tayo masasaktan. Sagot ni mommy at umupo sa tabi ko.
Paano naman po kapag na in love ang isang bampira? Tanong ko pa sa kanila at sumubo ng kanin.
If a vampire falls in love, that feeling never fades away and that love is bound for eternity. Sagot sa akin ni mommy. Kung ganun ay may forever kaming mga bampira? Heh!
May napupusuan ka na ba? Seryosong tanong sa akin ni daddy at napaubo naman ako.
Hindi po ako sigurado hehehe... Alanganing sagot ko at tumawa sya.
Magiging sigurado ka rin. Sagot nya sa akin at nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ay magagalit sya.
Posible po bang may bampira rin sa Unibersidad namin bukod sa atin? Tanong ko pa sa kanila at nag katinginan sila mommy at daddy.
Oo. Sagot ni daddy at napa isip naman ako. Hanapin ko kaya sila?
'wag... Sagot ni daddy at naalala ko na kaya pala naming mag mind read.
Bakit naman po? Tanong ko sa kanya.
Sumunod ka na lang muna sa amin, Rei Xiu, para saiyo to. Sagot sa akin ni mommy at nginitian nya ako kaya nginitian ko rin sya.
Ilang taon na po ba kayo? Tanong ko sa kanila at parehas silang natawa.
Three digits. Sagot ni mommy at nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ko silang parehas.
THREE DIGITS?! PERO MUKA KAYONG 20 +! Hindi makapaniwalang sigaw ko, at parehas silang tumawa.
Yes. We're not human. Natatawang sagot ni daddy at napa wow naman ako.
If three digits na ang age nyo, that means na nasa around three digits rin ang age ko? Tanong ko sa kanila at umiling si mommy.
Hindi anak. Eighteen years old ka pa lang. That's true. Sagot ni mommy sa akin at napatango naman ako. Akala ko kasi ay matanda na rin ako.
Three hundred twenty one years old na ang daddy mo, habang ako ay three hundred twelve years old. Paliwanag ni mommy sa akin, at halos hindi ako makapaniwala.
Talaga po?! Ang tanda nyo na po pala! Puri ko sa kanila at tumawa sila.
Kahit na maging one thousand years old kami ay hindi tatanda ang itsura natin, maliban na lang sa pagbabago ng mundo. Ang ibig kong sabihin ay nag iiba ang mga pananamit natin, pero ito pa rin ang itsura natin. Pagpapaliwanag ni daddy at namamangha talaga ako.
Ipinagpatuloy ko muna ang pagkain ng kanin at sinasabayan ito ng pagsipsip ng Tomato Juice.
Pero masaksaksihan ko po ang pagkamatay ng mga kaibigan ko. Malungkot na sabi ko sa kanila.
Wala tayong magagawa... Sagot sa akin ni daddy at tumango tango ako.
---
Brent Scott
Ano naman kaya ang i kwe - kwento ni Mint sa amin bukas? Ang sabi kasi nya kanina sa akin ay may ikwe kwento sya sa amin bukas.
Grabe ang itsura ng kwarto namin dito. Kasama ko kasi dito ay si Nathan at Ace.
Ang theme ng kama ni Ace ay pink, habang si Nathan ay light red habang ako ay black.
Pal! Tawag sa akin ni Nathan at tiningnan ko naman sya. Si Ace naman ay natutulog na.
Kamusta ang Ei? Tanong ko sa kanya at alam ko kung anong tinatanong nya sa akin.
Okay lang naman! Pero paano kapag nalaman nila, mate? Sagot ko sa kanya at tinanong ko na rin sya.
Sa tingin ko naman maiintindihan nila iyon. Ginawa natin iyon para sa kanila. Kung hindi ay malamang alam mo na. Sagot nya sa tanong ko at napatango tango ako.
Pero kailangan pa natin ng isa, Pal! Ani nito sa akin at kumunot ang noo ko.
Ratbag! What do you mean, Mate? Tanong ko sa kanya at tumawa naman sya.
Anak ng kamote! Pal! Meron na sa dalawang Ei, isa na lang ang wala. Sagot nya sa akin at napa tango naman ako.
Sino naman sa kanila, Mate? Tanong ko sa kanya.
'Wag muna ngayon... Sa kalagitnaan na natin sya imbitahan. Pal. Sagot nya sa akin.
Nagawa mo na ba ang task mo? Tanong nya sa akin at ng maalala ko ang bagay na ginawa ko ay halos masuka ako.
Oo... Nakapikit na sagot ko sa kanya at napatango tango sya.
Isa lang kada isang araw. Ang basta ay may ambag ka sa kanila. 'wag kang mag alala kakampi mo ako kahit na mag kaiba tayo ng alam mo na. Sabi nya sa akin at tumango tango na lang ako.
Hooroo! Mate! Pag papaalam ko sa kanya dahil ayokong pag usapan ang tungkol doon.
Goodnight! Sabi nya sa akin at itinaas ko na lang ang kanang kamay ko at iwinagayway.
Tumalikod na ako sa kanya, at humarap sa pader. Labag sa loob ko ang ginagawa ko, pero para kila Rei Xiu gagawin ko ang lahat.
Si Nathan ang nag imbita sa akin, pero sa ibang Ei ako kasali. Sana talaga ay maintindihan nila ito balang araw. Ayaw kong masira ang tiwala nila sa akin.

BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasíaCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...