Chapter I

111 5 2
                                    

Origami - Mystery Sender

Papasok na ko ngayon ng school. Maaga-aga pa naman kaya di ko pa kailangang magmadali. Tsaka may ina-abangan ako e, kaso di ko pa sya nakikita. *sigh*

Papasok na rin ako ng room, di naman kasi ganon kalayo ang bahay namin sa school. Walking distance lang naman ang layo no'n kaya, keri lang!

"Goodmorning classmates!" Masiglang bati ko sa kanila at agad din naman akong nakakuha ng mga bati mula sa kanila.

"Morning din, Abby"

"Goodmorning din!"

"Hi Abby"

Palaging ganito ang eksena araw-araw pag-papasok ako, feeling ko kasi hindi buo ang buong araw ko kapag hindi ako bumabati sa buong klase. Haha. Pero charot lang!

"Hi Anne, Good Morning!" bati ko sa aking seatmate/classmate, but, inshort bestfriends kami niyan. First year kami ni Anne nagkakilala. Parehas din kaming jolly niyan, kaya ayun! vibes na vibes namin ang isa't-isa.

"Hello Abby! Goodmorning din" nakangiting bati nya sa kin.

Binaba ko na din ang bag ko at naupo na ng maayos wala pa naman kasi yung teacher namin.

"Abby, may nakita akong origami diyan sa ilalim ng desk mo. Pinadalhan ka na naman ng M.S. mo ng origami." sabi sakin ni Anne. Eh? may nagpadala na naman sakin.

"Nasaan na?" tanong ko sa kanya.

"Nasa desk mo nga diba?" sarkastikong sagot sa kin ni Anne.

Hay! Mukhang mababara na naman ako nito. Tiningnan ko na ang ilalim ng desk ko and here it is... another origami na naman na dadagdag sa collection ko,sa araw-araw ba naman na nagpapadala eh ...psh...

"Abby, sa tingin mo yang M.S.  mo ay admirer mo. Eh! Lagi kang pinapadalhan niyan." Sabi sa'kin ni Anne

"Baka. Hindi ko alam. Ah! matanong ko lang ano na naman yang M.S. chuchu na yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ang dami kasing pinapausong salita e. Hindi na ako magtataka kung maging imbentor siya, imbentor ng mga salita.

"Mystery Sender." Cool na sabi niya.

"Mystery sender?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Sa totoo lang, kailan ka pa naging slow ha?Humina  na  ba  ang  signal  ng  wifi  sa  inyo at naging slow ka? Tsk.Tsk. Syempre hindi mo nga kilala yung tao kaya mystery sender." sagot niya na may halong pambabara.

Ako na ang slow. Psh...

Buti na lang at dumating na ang teacher namin kung hindi, Naku! Baka baon na baon na ako dito sa kinauupuan ko.

"Good Morning, Class." 

"Good Morning too, Ms. Rose."

Pero may ilang classmate ako na nagtanong kung bakit siya nandito at hindi si Ms. Athena. Kahit ako ay nagtataka. Bakit nga ba?

"Miss? Nasan po si Ms. Athena?"

"Opo nga po. Ba't wala po si Ms. Athena?"

"Okay, quiet! Listen, ako muna ang magsa-sub sa subject ni Ms. Athena ngayon. Bakit? Dahil mayroon siyang inaasikaso na important schoolpapers. Kaya hindi muna siya makakapagturo sa inyo. So, I dont want to hear any violent reaction to all of you. Understand!" 

"Yes, Miss!"

Hays! Ano ba 'yan?! Bakit si Ms. Rose pa ang napili ni Ms. Athena na mag-subtitute sa kanya?! Eh ang ano niyan eh, ah basta!

Nagsimula ng magturo si Miss, pero... tinatamad talaga akong makinig. Lalo na't siya pa ang nagturo.

Ah! Alam ko na! Hahaha. *insert grin*

"Ah, Miss?" Sabi ko at tinaas ang kamay ko.

"Yes?" Mataray na tanong niya habang nakataas ang isang kilay niya sa'kin.

"Can I go to clinic, Miss?"

"And why?"

"A-ahm.. because I'm not feeling well, Ma'am and I need to go to the clinic so, that I could get a medicine for my headache."

tinitigan nya ako nang matagal...pakiramdam ko pingapapawisan na kio ng malagkit...>U<

"OKAY,just come back after you get your medicine....you can go now"

nag bow na lng ako bilang tanda ng pasasalamat ,pero sa totoo lng d naman talaga ako pupunta ng clinic at d rin ako papasok sa klase nya asanessss hehehe sa next sub. na ko papasok boring kasi sya magturo hahaha ang bait ko talagang bata..pero ngayon ko lng talaga toh ginawa hehehe...

pupunta na lng muna ako sa garden dun talaga ako madalas tumambay kc ang peaceful ng place... *0* naupo muna ko sa may bench sa ilalim ng puno...gets nyo?!?!haha ako hndi Jk ...

*boink*

magmumuni-muni na dapat ako pero ...may sumira ng moment ko eh ...alam nyo kung ano ?!?!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

ORIGAMI?!?!HAYYSS hanggang d2 pa ba may ganito....kanina lang nakatanggap ako ng ganito ah.... WAG MONG SABIHING NAND2 YUNG M.S. KO NA CNASABI NI ANNE?!?waaaaaahhhhh!!!! galing sa taas so that means nand2 sya sa taas ng puno....

dahan-dahan ako tumingala ...at....at ................at ...........at ..........

(A/N:anu di mo ba aayusin,pinagaantay mo yung mga readers eh!!!)

oo nah!!!psh =_= si author talaga...

eto na talaga ang nakita ko lng  naman kasi ay ang ULTIMATE CRUSH KOH?!?!?! WAAAAAAAHHHHHH!!!!guto kong sumigaw pero parang nakatahi ang bibig ko at di ko mabuka  anu ba yan ....bigla syang bumaba ng puno at parang may hinahanap sya na kung ano pero ng makita nya yung hawak ko ay parang d sya mapakali ....tatanungin ko na dapat sya kung sakanya ba tong origami pero....

sadyang mabait ang tadhana at tumunog ang bell hudyat na natapos na ang first class kaya pagkatunug nun ay umalis na di sya.... bayan sayang talaga baka c carlos na yung m.s. ko ...oo tama kayu ng dinig ..ay este basa pala CARLOS ang pangalan ng AKING ULITIMATE CRUSH... 

wla an kong nagawa kundi ang  pumasok na lng sa klase ... pagpasok ko ay tinantad ako ng tanong ni anne kung bak8 d ko daw sya isinali sa plano kung pagtakas sa kllase at kung anu-anu pa...hanggang sa maguwian na kami ay lutang ako ...iniisip ko kasi na ....

di kaya c carlos at ang mystery sender ko ay iisa?

EDITED  VERSION

&quot;Origami&quot;(short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon