A CRUSH YOU (one shot)

965 47 15
                                    

"Waaaaahhhhh! Mali-late na ko!"  tumatakbo na ako papuntang room.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung makita kong wala pa yung teacher namin. Inilibot ko yung paningin ko sa loob ng room . And.....

SHOOT !

Nakatingin siya sakin? >///<

KYAAAAAAAAAHHHHH!

Siguro nagtataka na kayo kung sino yung nakatingin sakin at kung bakit medyo OA yung reaksyon ko? Oh well, kayo kayang titigan ni crush? Ano kayang magiging reaksyon niyo? Baka nga mas OA pa kayo sakin eh. Hahahaha!

By the way, ako nga pala si Trish, 4th year highschool, simpleng estudyante lang at medyo mahiyain .

At siya naman si Nathan classmate ko na crush ko. Hahahaha! Crush lang ba talaga? Well, secret ko na yun! Gwapo siya, matangkad at matalino, varsity player siya ng basketball at hearthbrob sa school namin. Kaya alam na! Kaso, madami akong kaagaw sakanya >.<

"Trish!" tawag sakin ng mga kaibigan ko.

"Oh bakit nakatulala ka nanaman?"  Khim

"Alam na yan guys! Sino pa bang nasa isip niyan?" Abby

"Edi si ano ^__^" Yanna

"Hmp! Walang paki-alamanan guys! Kanya kanyang trip yan!" sagot ko naman. 

Dumating na yung English teacher namin.

"Goodmorning class! By the way, I need 2 students from this section. 1 from girls and 1 from the boys" bungad samin ng teacher namin.

"Mam, para san po yan?" - student #1

"Mage-extra sa isang play and it will shoot on thursday, so any volunteer from the class?"

Walang nag-taas ng kamay, ikaw ba namang maging extra? Kahit ako ayoko eh! Hello? Pang-leading lady kaya ako! Hahahaha!

"At dahil walang nagtataas ng kamay, ako nalang ang pipili! Okay, Nathan and Trish stand up"

Oppps! Medyo nagulat pa ko ng tawagin ako ni mam.

"Kayo na lang ang mag-extra sa play pero pwede pa naman kayong maging bida eh, di naman kayo nag audition nung nakaraan. Okay lang ba sa inyo yon?" Ipinaglipat pa ni Mam ang tingin  niya sa aming dalawa ni Nathan.

"Ayos lang po sakin mam" nakangiting sagot ni Nathan. Teka! Mukhang masaya siya ah? Tapos lumingon sakin si mam.

"How about you Trish? Okay lang ba sayo?"

"Y-yes mam" 

"Okay good, then its settled" nakangiting sabi samin ni mam.

* Thursday *

"Hi Trish!" medyo nagulat pa ako ng marinig ang boses ni Nathan.

Minsan lang kasi kaming mag-usap ni Nathan. Tapos kapag nag-uusap pa kami, puro tungkol sa mga projects, assignments, etc. Minsan nakikita ko siyang nakatitig sakin pero sandali lang kasi mag-iiwas agad siya ng tingin o baka naman guni-guni ko lang yun?

"Trish!" ulit niya.

"Ah eh! H-hello?" medyo na-iilang kong sagot.

"Uhm malapit na daw yung scene natin, pinapatawag na tayo ni mam" sabi niya sakin.

Nandito kami ngayon sa isang garden at laking mangha ko ng makakita ako ng maraming butterflies. Bale sa buttefrfly garden pala yung scene namin. Yey! Exciting! Favorite ko kasi ang mga butterfly, ang dami pa nila at ang gaganda pa nila ^___^

"Ok Trish and Nathan dadaan kayo kina Alesana may sweet moments sila dun at sasabhin niyo lang na ang sweet nila no? Yun lng gets?"

"Opo mam!"  sabay pa naming sabi 

Nandito na kami sa garden at hinihintay na lang ang scene namin ng biglng may lumipad na paru-paro sa ilong ko. Medyo nagulat ako kaya naman lumipad iyon sa ilong ni Nathan.

Bat ganun? Feeling ko lalo siyang pumogi ngayon? Titig na titig siya sakin ng biglang...

-

-

-

TSUP O.O

Meron na lang akong naramdaman na malambot na bagay sa labi ko! Gosh!  >///<

I felt his lips on my lips. A soft kiss, ng biglang lumipad ang butterfly palayo at may narinig akong nagsalita.

"Ang sweet nila no?" sabi ni Alesana, pero teka line ko yun ah?

Inilayo ni Nathan ang muka niya sabay sabing I LOVE YOU ;))

*** END

A CRUSH YOU (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon