WOHOHOHOHOH! Revising po muna tayo ha? Wala na yung backup ko eh...Sorry po sa mga nagbasa neto at pinalitan ko ang plot. Please don't kill me ha? Love you <3
-Friday September 26,2014
<Nadz’s POV>
“Ang lakas ng hangin noh? Ayan tuloy, nilipad ako…
Papunta sa’yo.”
Banat ng pesteng classmate ko sa Anthro. Hmp! Peste! Di po kita kilala. Gusto kong sabihin, kaso baka mapahiya! Kawawa naman! Hahahahaha XP. Di ko naman talaga sila kilala dahil block section sila, habang international naman ako, kung may kakilala man konti lang. Psh! T_T
Hay nako! Wala nanaman kaming instructor, sarap tuloy gumala! Lumabas nalang ako ng classroom at naglakad lakad! Sayang naman porma ko today noh!
Pero nakakabadtrip talaga yung mga bumabanat saken! Siya na siguro yung pang-anim na lalakeng nagsabi sa akin nun… since this morning! Bwiset! Oo, totoo malakas ang hangin! Duhh?! Ang dami kayang pine trees! Tas –ber months pa! Psh!!!
Pasensiya naman kung bitter ako noh! Nakakainis naman kasi eh! Daming alam ibanat! Eh ‘di ko nga sila gusto!
.
.
Si Mike Salazar ang gusto ko!!
Sino siya?! Siya lang naman ang mortal enemy ko! Ironic noh?! Pero siya ang gusto ko. Ewan ko ba kung anong nagustuhan ko sakanya? Mayabang at saksakan ng angas! Naiinis ako pero natutuwa at the same time.
Tsk! Ano ba yan! Napakwento tuloy ako! Oh well, nasa corridor na ako at handa ng gumora! Iniisip ko palang kung saan ako pupunta, di ko tuloy pinapakialaman ang paligid ko.
*BOOGSSHH*
Hala! May nadumbo akong kapre! Hahahaha! Si Mike kadi! Tangkad kasi niya eh! 4’8” lang ako! Hahahaha!
“Oh andito ka?” tanong ko. Commonly kasi ay asa classroom siya at fumi-flirt sa mga girls.
“H-ha? Wala! Bakit? Bawal gumala?” sabi niya in his sarcastic…YET SWEET voice! Ayyyiiiieeee! Tae! Kinikilig ako! Shet!
“K.” sabi ko then dumerteso sa locker ko. No 145 yung akin, andun nasa pinaka dulo ng kwarto. Per year and block kasi ang mga lockers, unfortunately international nga ako kaya hinalo lang ako sa block D. Ako nga lang naihalo eh! Ubos na kasi ang lockers para sa international students.
Binuksan ko nalang yung locker ko tas may nahulog na note:
Nadz,
I can’t deny it! I think I’ve fallen for you!
M.
Yun lang ang nakalagay. Ako?! Really? Oh well, ‘di naman ito ang unang letter na natanggap ko na hinuhulog sa locker ko. Binabasa ko naman yung content at kung kanino nanggaling. I may be mean but not that sagad naman! Tinatago ko nga lahat eh! Pero ito?! First time kong makatanggap ng gantong weird note? Kanino galing? ‘M’ Daw eh?
Instead tuloy na gumala ay umuwi nalang ako sa condo ko.
[A/N: Kung nagtataka po kayo bat parang mabilis ang pacing eh ako’y humihingi ng dispensa=) September ko napo ito nasimulan at binase ko nalang sa everyday time sched ko sa school *August po kasi ang start first sem ngayon eh :3]
BINABASA MO ANG
A LOVE LETTER IN SEVEN DAYS (Revising)
Teen Fiction<3 Hindi uso sa akin ang mga cheesy, gooey, mushy, whatsoever lagkit lines! Ayoko ng ganun, nakokornihan ako! -Nadz Perez Guys pasensya ng marami at di ko nauupdate ha.. nadepress ako sa dumukot nung phone ko.. andun etong story eh. huhuhuh...