--Sunday September 28,2014
<Mike’s POV>
Nilagnat ako kahapon, badtrip naman kasi… sobrang pagod at puyat. Salamat naman sa mabait na Nadine na yon! Hay nako! Mabait naman talaga siya eh… sinusungitan ko lang kasi baga bumigay puso ko sakanya…
Ako yung ‘M’ na yun. Buti wala pa siyang idea. Kung meron man… tsss, Bahala na! Mahal ko na eh! Ewan ko ba! Arrrggghhhh!
Nung first day na binigay ko sakanya yung letter kabado pa ako..binilisan ko nalang inilagay yung letter para di niya mahalata. Di niya alam na magkatabi lang kami ng locker. Tsk palibhasa kasi insensitive at wacare siya. Pero may magagawa pa ba ako? Gusto ko siya kahit ganon siya… kahit nakakabwisit siya… hay… Puso ko naman! Ang daming babaeng pwedeng mahalin, yung manhid pa ang napili!!
*KNOCK*KNOCK*
Sinilip ko naman sa peep hole kung sino…
O_O
Hala… 7:30 palang ah! Bat ako kinakalampag netong Nadine na toh? Binuksan ko nalang yung pinto.
“Good Morning! Ang aga naten ah!” bungad ko with a smile. Peste! Di pa kaya ako nakaligo (-.-)
“Same same!Bat di ka pa nakapalit?” tanong niya.
“Maaga pa pre! Kagigising ko lang.” Sabi ko naman. “Bat ba kasi ang aga mo?” tanong ko pa.
“Eh sa excited ako eh! Nga pala mustang lagnat mo? Okay ka na talaga?” sabi niya naman.
“Meron pa pero di na gaanong mataas like yesterday. So yeah, I’m fine.” Sagot ko. Cool lang kunwari pero talagang di talaga masyadong bumaba… from 41 to 39 lang naman. Oh diba ang Hot ko?! Hahaha! Di kasi ako makatulog XD.
“Weh?! Patingin nga!” sabi niya tas bigla nalang dinampi ng malambot niyang kamay ang noo ko.
*KAPLAK*
“Ang taas pa kaya! Ano ba yan!” sigaw niya nung pinalo niya ng MALAKAS yung braso ko..huhu.. ang sakit nun ah.
“I feel fine kaya.” Sabi ko nalang. Kaya pala niya inagahan kumalampag… para i-check ako..shet! Ayaw niya ng cheesy at corny pero kung ma-concern wagas! Loko talaga tong Nadz na toh! Kaya ako kinikilig eh!
“Hala sige pumasok ka sa loob.” Sabay tulak sa akin at tinulak ako papunta sa sofa. Naninibagoo naman ako. Syempre awkward din kasi kahapon naalala ko pa yung sinabi ko…
Manhid mo naman! Siyempre para makita ka!
Sinabi ko yun..pero parang wala sakanya kahapon yun.. pero iba nanaman ugali niya ngayon. Kahapon insensitive, ngayon naman caring.Ganyan ba talaga ang babae ngayon?Sagad ang mood swing? Hinayaan ko nalang. Siguro ganyan talaga siya. Pero grabe ha! Astig niyang mag-alaga!! Parang si mama ko lang. (n_n)
BINABASA MO ANG
A LOVE LETTER IN SEVEN DAYS (Revising)
Novela Juvenil<3 Hindi uso sa akin ang mga cheesy, gooey, mushy, whatsoever lagkit lines! Ayoko ng ganun, nakokornihan ako! -Nadz Perez Guys pasensya ng marami at di ko nauupdate ha.. nadepress ako sa dumukot nung phone ko.. andun etong story eh. huhuhuh...