Day 2: One Normal Conversation = Kilig Sensation

48 1 0
                                    

 

--Saturday September 27,2014

 

<Nadz’s POV>

Tinatamad akong pumasok! Paano kasi 1:00 pa ang first class ko! Hahahahaha! Pero maaga naman ako kung gumising. Hayyy! Gumala muna kaya ako? 9 palang naman eh, gora!

Nag shopping nalang ako ng konti. Mga shoes, dress tas libro. Nung masaya na ako dumeretso na ako sa school. Plano kong iwan yung pinamili ko sa locker ko then deretso sa room. Pero something was stopping me.

O___o

May malaking harang sa door ng locker room.

            “Anong meron?” tanong ko sa babaeng nag-aantay din.

            “Nawawala daw yung susi ng locker room eh. Ayaw naman daw nila sirain dahil kapapalit lang nung lock.” Sagot niya.

            “Shet naman oh!” sabi ko nalang.

            “Shet talaga!” Biglang may sumumbat sa likod ko! Si Mike! Nagkatinginan nalang kami then tingin sa opposite side!

10 minutes nalang at time na! Takte! Hindi pa nila binubuksan yung locker room! Dumadami na yung mga block D. Tsk bahala na! Nilapitan ko nalang yung door tapos sinungkit ko nalang! I know how to pick a lock using a hair clip. In under 2 minutes… Voila! Bukas na ang locker room! Nag thank you nalang naman sila sa akin, syempre wala naman magawa yung school admin. Hahahahahaha!

<<Last class 5:00-6:00>>

Papunta na ako sa last class ko, Econ. As usual yung block nanaman ni Mike ang kasama ko dun. Pagpasok ko sa room ay nakatingin ang lahat sa akin. Tanong ko nalang kung bakit pero wala rin sumagot. Bumalik nalang sila sa ginagawa nila.

Ipinag-kibit balikat ko nalang. Pagdating ko sa upuan ko… DUUUUN Sa dulo may 3 white roses sa upuan ko. Tinanong ko yung katabi ko pero ang sabi niya nakalagay na daw nung dumating sila. Curious naman ako. Kasi personal kung may magbigay sa akin eh, ngayon lang yung ganto. Kinuha ko nalang yung roses tas pinatong sa table. Binuksan ko yung note na nakalagay.

            Nadz,

                        Alam ko nakokornihan ka. Pero sana maramdaman mong nandito lang ako.

Nagmamahal sa’yo.

                                                                        M.

 Okay. Korni nga! Masyadong makeso! Pero napangiti naman ako. A few minutes later ay dumating naman tong si Mike! Sa likod ko kasi siya nakaupo, oy infairness! Tahimik siya at walang care saken! Lagi kasi akong kinakalampag nun eh! Siguro wala siya sa mood! Ako nalang mangangalampag sakanya! Wahahahaha!

            “Yo! Salazar!” sabi ko.

            “Oh bakit Nadine Zell Perez?!” sabi niya. Wala nga talaga siya sa mood sabi ko nalang sa sarili ko. Never kasi akong tinawag sa whole name neto pag-nangaasar. Natutuwa naman ako na pinapansin ako kaso malungkot kasi…

A LOVE LETTER IN SEVEN DAYS (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon