01

35 0 0
                                    

Chapter 01

play


HALOS hindi na maipinta ang mukha ko sa pagsimangot. Labag sa kalooban kong umalis dahil marami akong maiiwan, pero kinakailangan naming umalis dahil wala nang rason para manatili pa sa Manila. Ngunit agad ding napalitan ng saya ang nararamdaman ko nang masilayan ang islang bagong titirhan namin.

Puno ng paghanga ang mukha ko dahil sa nasisilayan ko ngayon, napakagandang tanawin! May patapos ng building sa gitna nito na sa tingin ko ay ginagawa itong resort dahil may mga cottages na. Nang makarating kami rito ay sinalubong kami ni lola at ng isang babaeng maganda na mukhang kasing edad ni Mommy. Habang nag-uusap pa sila ay nilibang ko muna ang sarili ko sa dalampasigan at dinama ang malamig na hangin. Ngunit ganoon din kabilis nagbago ang emosyon ko nang may biglang nakabunggo sa akin!

"Aray!" Hiyaw ko nang makaupo pa ako sa buhangin, wala na tuloy ang short ko! Mas lalong nangunot ang noo ko nang makitang nagpipigil-tawa iyong isang lalaki na kasama ng nakabangga sa akin.

"Monica, let's go!" Nagulat pa si mommy nang makita akong nakaupo na sa buhangin habang kaharap ang dalawang lalaki. "Hey, what are you doing?" Lumapit si Mommy, balak pa sanang umalis noong nakabangga sa 'kin pero agad siyang pinigilan no'ng tumatawa sa akin.

"Sorry po, natalisod lang po itong kasama ko kaya po nabunggo namin ang anak niyo." Ngumiti pa ng peke iyong tumatawa sa akin. Napansin ko ang kasingkitan ng kaniyang mga mata. Gwapo siya pero naiinis ako sa kaniya dahil tinawanan niya ako!

"Ken, Vinous, bumalik na kayo sa bahay," mahinahong wika naman no'ng babaeng kausap ni mommy.

"Anak mo, Ma'am?" tanong ni Mommy.

Ngumiti naman 'yong babae at umiling. "No, they are friends of my son." Nilingon niya ako, "pasensya ka na hija, mga makulit lang talaga ang mga binatang ito." Tumawa pa sila.



Simula noon ay nagsimula na muli ang buhay ko dito sa San Bernardo Island. Hindi naman gaanong mahirap manirahan dito dahil peaceful. Mas ayos nga dahil mas napadali ang pagmove-on ko. Dito na rin ako nagpatuloy ng highschool.




I heavily sighed and stood up. Kanina pa ako natutulala dahil hindi ako nanalo sa painting competition. Hindi ko lang matanggap na tinitingnan naman ako ng mga tao na parang naawa sila sa akin dahil hindi ako nanalo. Hindi naman big deal sa akin na matalo ako pero ang pinaka hindi ko gusto ay ang mga tinginan nila sa akin. They're looking down on me, which reminds me of my past.



"Ayos lang 'yan, marami pa namang next time." Si Emy, ang kaklase ko. Emy is my first friend here since I transferred here at San Bernardo University. My mom and dad have just separated, so my mom transferred here because my Lola (my mom's mom) lives here.

Tumango ako. "There's no more next time, Emy. I just have decided to stop painting. This gonna be the last." I faked a smile. Sa totoo lang hindi ko kayang tigilan dahil naging habit ko na ito. Everytime masaya, bored, or malungkot ako painting is the only way to cope up with my emotions. Paint is my comfort zone. Pero sa tuwing natatalo ako naiisip kong tigilan na lang kaya, dahil pakiramdam ko useless din ang pag-aaral ko ng arts, pagpa-practice ko mag-paint kung matatalo din naman pala ako. But naiisip ko rin na losing is a part of success, maybe I still need to improve my skill.

After the event we went to the cafeteria so we can lunch na. Mas lalo akong nairita nang may nakabunggo sa akin! I want to shout out a curse when I'm already lying down on the floor! What the Fvck! I swear, I'll cut the head of anyone who bumps into me. "Tang ina, ano ba!" Hindi ko na napigilang maisigaw. Wala na nga ako sa mood dahil sa pagkatalo ko ay dumagdag pa ang kumag na 'to! Makikipaghabulan sa cafeteria pa talaga?

Love ToleranceWhere stories live. Discover now