Bilang anak ng dyosa ng kawalan na si Chaos.
Ako si Erebus dyos ng kadiliman.
Namulat ako sa lugar na walang kabuhay buhay.
Ang tatay ko ay isang mortal na kahit kelan ay hindi ko pa nakikita. Bawal daw sabi ng aking ina.
Nabuhay ng kinatatakutan ng mga tao.
Nabuhay sa lugar na walang sigla.
Andito ako sa palasyo ko ngaun. Madilim, malamig pwede nang pang horror house.
Ibinigay to sa akin ng aking ina bilang regalo sa aking kaarawan.
OO may kaarawan din kami. Kaya wag ka ng magkakataka.
18 palang ako pero ang boring ng buhay ko.
Hindi porket diyos ako eh hindi ko na alam ang mag-enjoy =________=.
Eto na naman ako ngaun. Mula sa kaharian ko. Pinag mamasdan ang mundo.
Mga taong abala sa kanilang buhay.
Iba't ibang emosyon ang nakikita.
Mga emosyon na kahit kelan ay hindi ko pa naranasan.
Kung minsa ay iniisip ko kung sa mundo ba ako nakatira ngaun ay magagwa kong maging katulad nila.
*katok* *katok*
"Pasok".
"Andito na po ang iyong mahal na ina". sabi ng alagad ko.
"Papasukin mo siya"
"Anak, nariyan ka na naman sa iyong bintana nakamasid sa mundo"
"Ina, gusto kong maranasan maging katulad nila. Hindi ba kauri ko rin sila".
"Nakasisiguro ka ba? Handa ka ba sa hahrapin mo kapag napunta ka sa lupa?"
"Ina gusto ko maranasan ang umibig gaya ng naramdaman mo sa aking ama"
"Anak, alam ko ang nais mo ipahiwatig. Hahayaan kita sa iyon inaasam ngunit binibigyan kita ng babala. Hindi simple ang hinihiling mo. Malaking responsibilidad ang iyong kakargohin sa oras na tumungtong ka sa lupa"
Napaisip ako sa sinabi ng aking ina ngunit buo na ang aking loob. Handa ako sa lahat ng mangyayari.
Gusto ko matutuong umibig.