Chapter 8

90 3 0
                                    

Mahigit pitong oras ang byahe papuntang Tacloban. Inilibot ko ang paningin sa terminal kung saan kami nakatayo ni Luhan. Busy ang mga tao. May nag-titinda, may nag-aalok ng pagkain, tubig, kakanin at kung ano-anong souvenir. Tinatawagan na ni Luhan ang susundo saamin dito sa Tacloban, busy siya kaya noong may mga nag-alok ng kakanin ako na mismo ang lumapit.

"Kuya ano po itong nakabalot sa puti?" Tanong ko sa naglalako. Isa itong binata. May katangkaran at moreno ang kulay dahilan sa pagtatrabaho o paghahanapbuhay dito sa terminal.

"Ay pastilyas po ma'am. Marami pong flavor, may Gatas, choco, strawberry, manga at durian flavor" nakangiting sagot nito saakin at saka inisa-isang ipinakita saakin ang mga pack ng kada flavor. Napansin kong mas maraming supot ang Durian flavor kaya nagtanong ulit ako.

"Bakit yung Gatas na flavor dadalawa nalang ang pack na natira? Tapus itong Durian flavor ay subrang dami pa?" Tumawa ang binatilyo. Bahagyang napakamot ito sa kanyang batok.

"Marami pong may ayaw sa Durian flavor ma'am. Mabaho daw kasi. Pero yung iba naman ay nasasarapan sa durian flavor kaya medyo mahina ang benta nitong durian flavor"

Isa ako sa mga ayaw sa durian. Subrang baho nito at ni hindi ako naglakas loob na tikman man lang ang prutas noong highschool kami at naglaro ng truth or dare, ang hindi sumunod ay kakain ng durian o tatalon sa swimming pool na pinuno nila ng bloki-bloking yelo. Ngunit tila iba ngayun. Tila ba natatakam ako sa pastilyas na durian flavor.

kinuha ko ang pack noong durian flavor. Akmang tatalikod na sana ako upang tawagin si Luhan ng nakalapit na pala siya sa akin at nakahawak na sa aking bewang.

"You'll buy these?" Kaagad akong tumango sa naging tanung ni luhan.

"Magkano?"

"Ay sir 4 for 100 lang po iyan sir" kaagad na kumuha ang binata ng supot, naghahanda. "Ilan po sir?"

"Bale 500"

"Anong flavor po?"

"Gatas"
"Durian flavor please"

Nagulat at nagkatinginan kaming dalawa ni Luhan dahil sa sabay na sagot naming dalawa.

"Durian? Nasusuka ka sa amoy ng durian kaya gatas na flavor na ang bilhin natin" nagtatakang tanong ni Luhan saakin.

"Durian nalang bilhin natin Lu, mukhang masarap naman," nakangusong sambit ko sa kanya. Kaagad naman na nagsalubong ang dalawang makakapal nitong kilay.

"Baby, hindi mo kakayanin ang amoy, gatas na lang-"

"Durian ang gusto ko Luhan." Kahit ako ay nagulat. Hindi ko naging paborito ang prutas na iyon, ni hindi nga ako kumakain noon tapus ngayun? Halos ipabili ko lahat kay Luhan ang durian flavor na siyang ipinagtataka niya.

Ganoon na lamang ang tuwa ko ng inabot saakin ng binata ang isang supot na punong-puno ng pastilyas.

"Thank you" kaagad ko siyang hinalikan sa pisnge at binuksan ang isang pack ng pastilyas at nilantakan iyon hanggang sa nasundo na kami at bumabyahe na papuntang Ormoc.

"You're acting weird baby," ipinalibot nito ang mga braso sa aking baywang habang nagpapatuloy ako sa pagkain ng pastilyas.

"Hmm? Hindi ah," hinarap ko siya at ngumiti. He stare at my lips na siyang ikinangisi ko. I kiss him bago nagpatuloy sa pagkain ng pastilyas.

"Nangangamoy durian ka na," bulong nito sa aking tenga. Tinawanan ko lang ang nagtatakang nobyo at akmang susubuan siya ng pastilyas na kinakain ko ng umiling siya, tila ba nasusuka.

"What's wrong? Masarap ito. Limang pack na nga ang naubos ko oh. Tikman mo, masarap," akmang isusubo ko ulit sa kanya ang pastilyas ng umiling ulit ito.

Forbidden (BLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon