Chapter 15

109 2 0
                                    

A thirty year old Euly Villamayor's standing infront of me, sophisticatedly. Wearing a bright red dress, and a red stilleto, making her skin glow even brighter.

Ilang taon ko siyang hindi nasilayan, dahil abala ito sa negosyo nina Daddy at sa sariling nitong negosyo. Dahil sa sampong taong agwat naming dalawa, hindi kami magkalapit sa isa't-isa. Aside from the huge age gap, we're totally different from likes, dislikes, favorites, thoughts, beliefs, opinions and many more. She's the eldest, the matured one, and the heir.

Puno ng takot kong hinarap ito. Pinipilit ko ang sariling magmukhang malakas sa harapan ng nakakatandang kapatid. Isang mapanuring titig ang ginawa nito sa aking ulo pababa sa aking mga paa. Her chuckled made me nervous.

"You stink," puno ng pandidiring bigkas nito. Napapikit ako ng mariin, mas hinahanda ang sarili sa masasakit na salitang lalabas sa bibig ng kapatid.

"I never imagined you, being there at that filthy place, Eunice!" Mariing sigaw nito.

Hindi ko magawang magsalita sa kanyang harapan.

Ang simpleng presinsya nito ay nakakapagpanginig na sa buong pagkatao ko.

"How's life? Was it beautiful?" Nagpakawala ito ng mahinang tawa. Nagsimula itong maglakad pabalik-balik sa aking harapan.

Bawat tunog ng kanyang sapatos ay mas dumadagdag sa kaba sa puso ko.

"Or was it painful?" Dagdag nito.

"Don't you miss me? Kakagaling ko lang ng States at talagang dumiretso ako rito para sa'yo." Nanatili akong walang imik sa kabila ng kanyang mga sinasabi.

"Just what have you done?"

Mariin akong napapikit dahil sa kanyang tanong. Bakas sa kanyang boses ang matinding galit na itinatago nito.

She sighed.

"You're coming home with me," bulong nito, ngunit puno ng awtoridad. Ilang iling ang ginawa ko.

"Ayoko," isa-isang nagsituluan ang mga luha habang binibigkas ko ang salitang iyon. Isang singhap ang pinakawalan nito.

"Why? Because that Elizalde's here?" Isang nakakainsultong tawa ang pinakawalan nito. "You don't love that boy, Eunice-"

"I do!" Buong tapang kong sagot sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang pagtaasan ng boses ang nakatatandang kapatid habang naguunahang umaagos ang mga luha mula sa aking mga mata.

Ano ang batayan nila para sahihin saakin ang mga salitang 'yan? Bakit ganito na lamang silang lahat kung ipagbawal kaming dalawa ni Luhan? Ilang besis sumagi sa isipan ko ang katanungang iyon ngunit wala akong ibang magawa kundi ang hayaan ito. Paulit-ulit na tanong na kahit kailan, simula noong namulat ako sa mundong ito, hindi na ako nabigyan ng kahit anong totoo at matinong sagot.

So damn frustrating whenever I ask my parents these questions, and didn't get any answers.

"Wala kang makukuha sa lalaking 'yon! He'll just use you, or worst, hurt you!" Sigaw nito.

Ni minsan hindi ko nakitang nagalit nang ganito ang kapatid. We never had a long conversation before. Dahil magkaiba kami ng gusto at pananaw sa buhay.

"You love him or not, you are not destined to each other. An Elizalde and Villamayor's destined to be rivals, always remember that. Kung ano man 'yang nararamdaman mo para sa lalaking 'yon, darling, you're just challenged and confused."

"Hindi totoo 'yan-"

"If you really love that man, why did you leave him? You knew Dad was there, yet you still leave that boy, letting him face the anger of our father... Alone." Ang pagtibok ng puso ko ay tila huminto matapus sabihin iyon nga kapatid ko.

Forbidden (BLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon