Yakap yakap ang dalawang tuhod na nakatulala ako sa kawalan. I still can't believe what happened.
Hindi ko na alam kung ilang oras na ang lumipas simula noong mangyari ang muntikang pagkalunod ko kanina. Basta na umupo lamang ako rito, sa deck, yakap yakap ang mga tuhod at nakatitig sa papalubog na araw.
Ang kulay kahel na kulay nito ay tumatama sa karagatan. So sound of small waves soothes my mind. Para ako nitong hinihili sa kabila ng mga problemang bumabagabag sa aking isipan.
Slowly, I breathe deeply and let out a sigh.
"Kumain ka na muna," kaagad akong napalingon sa aking tagiliran ng magsalita ang binatang nagligtas saakin kanina.
I can't help but smile when I realized something.
Kanina pa siya nakaupo kagaya ko. He stayed there for so long, watching the sky and the waves like me.
Wala itong ibang ginawa kundi ang umupo ilang dankal ang layo saakin at maglagay ng pagkain sa aking tabi.
"You were spacing out for almost three hours. Don't get me wrong, I'm just, you know? You haven't eaten something yet and I uhm, I'm just kind of worried," kinakabahang sabi nito. He even waved his hands in front of me.
Binaba ko ang kanang kamay para kumuha ng inilapag nitong sandwich sa aking tabi.
"Salamat," mahinang sambit ko. Pagod na nginitian ko ito at saka kinain ang sandwich na ibinigay nito.
Muli kaming binalot ng katahimikan. Nanatili itong nakaupo habang pabalik balik ang tingin nito sa karagatan at sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagkain sa sandwich ng hindi ito nililingon.
Bigla itong nagpaalam at saka tumayo at umalis. Hindi ko na ito sinundan ng tingin ngunit kaagad naman itong nakabalik dala dala ang isang panibangong bote ng mineral water na halatang kinuha nito sa ice bucket.
"Here," he placed the bottle beside me.
"Salamat," I smiled shyly.
"Nah. No problem," he snapped his fingers and smiled.
Bumalik ito sa kanyang pwesto. I continued eating the sandwich hanggang sa maubos ko ito.
"Kumain ka pa," he pointed another sandwich beside me. Dahil nakaramdam ng gutom, marahan akong tumango at kinain ang isa pang sandwich.
Muli akong napabaling sa kanyang deriksiyon ng muli itong tumayo.
"Sorry. Last na 'to. Hihi."
Naglakad ito paalis. I shrugged.
Ilang minuto itong nagtagal at nang makabalik, may bitbit na itong isang bagong kulay puti na tuwalya at isang kulay puting t-shirt at kulay abong board shorts. Isa-isa niya iyong inilapag sa aking tabi. Before I could say anything, naunahan na ako nito.
"Ako ang nilalamig sa suot mo. I know they're big, but they're comfortable."
Matapos nitong mailapag ang mga damit, nag-inat ito sa kanyang katawan at tumalon ng dalawang besis.
Sa tagal kong nakaupo dito, natuyo na ang swimsuit na suot pati na ang buhok ko.
Dali dali kong inubos ang kinakaing sandwich at saka na tumayo. Kinuha ang tuwalya, short at t-shirt, nagpaalam ako rito.
"Mag, Magbibihis lang ako," humarap ito saakin at ngumiti.
"Sure. Take your time,"
I nodded.
Tinalikuran ako nito at naglakad sa dulong bahagi ng yate, sinasalubong ang hangin. Sumasayaw ang kanyang buhok kasabay ng paghampas ng hangin sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Forbidden (BLS #1)
RomanceA Luhan Elizalde and Eunice Alexandreah Villamayor's forbidden love story. @2018