Pangalawa

46 0 0
                                    

Ngiti na palaging nasa isipan

Mga tinging di ko maalis sa isipin

Naalala ko pa ang ating tanguan

Simple lang, pero pang-walang hanggan.

Magiging madaya ba ko kung hihilingin kung sana mayrong tayong dalawa?

Magiging madaya ba ko kung nanasain ko na sana ikaw na?

Ang daya naman kasi ng tadhana masaya ka sa piling ng iba habang ako mag-isa lang.

Mali na nga ba?

Ang mga nakaw na usapan

Na parang walang katapusan?

Mali na nga ba?

Kung ipagdarasal kong sanay ikaw na?

Parang merong tayo

Pero 'parang' lang pala

Ibig-sabihin walang kasiguraduhan

Na parang isang sugal

Kailangan mong sumugal.
Pinilit kong limutin

Ang nararamdaman

Pinilit kong sabihin

Sa aking isipan

Na hindi, hindi pwede

Kasi kahit kailan hindi magiging pwede kung ako lang ang lumalaban.

Palagi kong sinasabi

Ang salitang 'Ayoko na'

Pero bakit ganun?

Sa loob ko "ikaw na"

Pwede ko kayang hilingin kay bathala

Na sanay maging tayo?

Basta kung sino mang para sakin

Sisiguraduhin kong hindi ko sasayangin.

-aj

Mga TULA ng LUHA(Para Sa Mga Taong Nasasaktan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon