(Read while playing a sad music)🎶
Sawa ka na ba?
Paulit-ulit na nga ba?
Pagod na ko mahal
Pagod na kong pangitiin ka
Habang ako lumuluha na
Nagseselos ako sa kanila
Ikaw kaya? Nagseselos ka din kaya sa kanila?
Sumisikip ang aking dibdib
Bumabagal ang tibok ng dibdib
Hindi ko na ramdam ang pagtibok nito
Sa twing nakikita kitang nakangiti sa kanya
Magkukunwaring masaya para sayo
Pero yung totoo?
Gusto kitang yakapin at sabihing "ipaglaban mo naman ako!"
Ipaglaban mo naman ako
Kahit konti lang
Ipaglaban mo naman ako kahit pakunwari lang
Pagod na kong umasa
Na merong tayo
Pero sa huli umaasa pa din.
Pwede mo bang sabihin sakin
Na hindi tayo pwede?
Para sabihin ko na din sa sarili ko
Na sumuko na sayo...
Patawad, paalam
Dahil minsan kahit anong pilit kong ngumiti
Ang ending umiiyak ako ng paulit-ulit dahil nasasaktan ako ng paulit-ulit.
BINABASA MO ANG
Mga TULA ng LUHA(Para Sa Mga Taong Nasasaktan)
PoetrySPOKEN POETRY Para sa mga nasaktan, nasasaktan, Nagmahal at Magmamahal.