♛CHAPTER 1♛

48 1 0
                                    

OMG! That ugly face! Sa dinami-rami ba naman ng pede kong makabangga, eh yun pang Chakarot na yun! G.R.R.R. Nakakasira talaga sya ng araw. Akala mo naman kung sinong reyna siya kung makaasta. Eh reyna lang naman sya ng mga butiki. Hmp! ╰_╯

Opps! Sorry. Nakalimutan ko tuloy magpakilala. Anyway, I am Elica Bullet, 16. And my friends call me 'Eli'. Kakaiba rin surname ko noh? Nakakamatay. Kulang na lang baril para pumutok. Tirahin ko kaya si Chakarot. Opps. Biro lang. Ganto lang ako pero di naman ako criminal. Haha. At napatawa pa talaga ako. Parang hindi inis na inis.

Well, masayahin naman talaga akong tao, mapagbiro rin minsan. Kaso lang, madali akong mapikon at mainis lalo na pag may na-encounter akong tao na gaya ni Chakarot.

At eto pa yung mga klase ng taong nakakapagpainit ng ulo ko:

1.MALANDI/MAHAROT ~ yung tipong may gf/bf na nga eh nakikipag-flirt pa sa iba.

2.OPORTUNISTA ~ yung umaabuso sa kabaitan ng iba.

3.PLASTIC ~ Yung parang angel na may pakpak with matching 'halo' pa sa ibabaw ng ulo kung kaharap, ngunit me itinatago naman palang sungay at buntot na lumalabas lamang pag nakatalikod.

4.MANLOLOKO/SINUNGALING ~ basta yung nanglalamang ng kapwa at di tumutupad sa mga binitiwang salita.

5.TANGA ~ yung nagpapakabulag sa love, sinasaktan na nga't niloloko, go pa rin nang go.

6.DUWAG ~ yung tipong hindi marunong ipaglaban ang sarili, yung nagpapaapi at nagpapaloko.

End of my Most Unwanted List. Ay di pa pala. On going pa yan while I'll still be able to encounter different kinds of person. Baka may maidagdag pa ko eh. ∩__∩

"Bes." Tawag sa'kin ng bespren kong si Terynz Aquino, Rynz for short. Sya pala kasama ko ngayon. Andito kami sa 'Clarissa Mall' o 'CMall', nagre-relax after the weekdays na full of stress. Dito ko sana gusto mag-unwind kaso may naka-encounter akong Chakarot na nakasira ng araw ko.

"Bes!" Tawag uli sa'kin ni Rynz.

Umupo lang ako agad, walang imik. Eh inis ako eh.

"Napipi ka na ba? At ba't ganyan muka mo? Parang ipinaikot sa washing machine ah! Hehe." At nakangiting nang-iinis pa talaga tong mokong na to ah.

"Eh kasi naman may nakasagupa akong isang malaking butiki kanina. Matindi yung laban kaya ako natagalan."

"Hahaha. Kaya ka nakabusangot jan? Natalo ka ng isang butiki? I can't believe it!" Nakangiti pa rin ito nang nagsalita, parang aliw na aliw. Baliw talaga.

"Did I tell you na talo ako? Syempre hindi noh! Ako pa ba ang magpapatalo? Never!" Sabay irap.

"Hahaha. That's my bes. Eh ano ba talaga nangyari?"

"Gusto mo talagang ikwento ko pa yung nakakainis na encounter ko with the butiki?"

"Oo naman, nang mainis ka pa lalo while recalling it. Hahaha."

At ang lakas pa talaga tawa mo ha! Pakainin kaya kita ng tissue. Sa isip ko lang. Yan bespren ko, tuwang-tuwa pag inis na inis ako. Ewan ko ba't naging bespren ko 'to.

"Please, storytelling ka na bes." Sabi nya na parang bata with matching puppy eyes.

"Ew. Wag kang pa-cute! Di bagay sa'yo!" Sagot ko na lang with the diring-diri expression.

"That's because I'm handsome." Confident nyang sabi. "And don't change the topic. Storytelling na please, pakipot ka pa eh. Hehe"

"Wharever!"

Who's For HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon