♛CHAPTER 2♛

18 1 0
                                    

Eli's POV

"Whooo! Nakakapagod! Pero ok lang, enjoy naman."

Andito pa rin kami ni Rynz sa Cmall, naglalaro kami ng bowling.

"Ang lampa mo bes. Di mo ko matalo-talo sa bowling." Umpisang hirit ni Rynz. Nang-aasar na naman to.

"Natalo na kaya kita last time. Kaya wag kang magyabang. Haha."

"Kelan naman yun? Di ko matandaan. Baka nananaginip ka lang nun bes, gigil ka na kasi masyado na matalo ako eh. Undefeated champion yata 'toh." Mahabang hirit nya.

"Blah! Blah! Blah! Andami mo talagang alam. Ikaw na bes. Talo na'ko." Yoko nang makipagtalo, wala ako sa mood. Napagod ako masyado sa buong araw na paglilibot. Pasyal, kain, nood sine, laro, videoke at kahit ano pang trip ang ginawa namin. Plus nakipagtarayan pa 'ko dun sa chakarot. Oo nga pala. Thanks to bes, naging ok pa rin araw ko kahit sinira na ng butiking chakarot na yun.

* K.R.I.N.G *

Opps! Cellphone ko tumutunog.

"Baka mama mo na yan, bes. Hanap na tayo." Biglang sabi bi Rynz.

"Si mama nga. Sagutin ko lang."

On the phone...

"Oh Ma. Sorry po. Nasa mall pa po kami. Opo, si Rynz. Sige po. Love you, Ma. Bye."

End of call.

"Uwi na raw tayo, bes. Anong oras na ba?" Wala kasi akong dalang relo now. Naiwan ko sa bahay. :-)

"4:30 na!"

"What??? Kaya pala tumawag na si mama."

"Yan kasi eh. Napapatigil mundo mo 'pag ako kasama mo. At nakakalimutan mo lahat ng bagay, pati na oras. ^^, " Pang-aasar na naman ng mokong. This time di ako naasar, nanindig lang balahibo ko sa napaka-weirdong banat na yun.

"Ew bes. Mais masyado. Tumigil ka nga. Kadiri eh." O.o

"Wahaha." Imbes na ma-offend, tawa lang sya ng tawa. Well, sanay nako sa kanya at sanay na rin to sa pagtataray ko.

"Uwi na nga tayo, bes. Pero mauna ka na lang muna sa car mo. Sa restroom lang ako saglit, magfreshen-up."

"Magpapaganda ka na naman, bes? Wag na! Wa effect naman sa'yo eh." At humirit pa talaga sya ah.

"Wharever. Sige na. Mabilis lang ako."

After a while...

Done na'ko magfreshen up. Nang paglabas ko ng restroom, nakita ko si Drew, nakatayo na parang me inaantay. Si Chakarot siguro. Nasa restroom din ata ang butiki. Buti di ko nakita.

I continued walking at nilampasan si Drew, but then he called me.

"Eli."

Di ko sya pinansin. Dire-diretso lang lakad ko, walang lingon-lingon. Pero narinig kong tinawag nya ko ulit. At nang di ko pa rin pinansin, hinabol nya ko. At naramdaman ko na lang na may biglang yumakap sa'kin mula sa likod.

Joooooooke! XD

Biro lang. Di talaga yun ang totoong nangyari. ∩__∩

Ito na talaga...

Nang tinawag nya ko, di ko sya dinedma. Di naman kasi ako snob sa mga kakilala ko, kahit pa ex ko yan. Sa mga di ko knows lang ako snob.

So eto na nga, hinarap ko sya at sinabing, "Bakit? Sisigawan mo na naman ba ako because of what I said to your beloved GF?"

Who's For HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon