Chap. 5 ♥ ~The outing

10 0 0
                                    

Doon nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Dahil lang sa deal at siyempre dahil din sa wish ko. Habang tumatagal ay lalo akong napapalapit sa dalawa at gayundin sila sa akin.

Wala akong pinipili sa kanila kasi magkatimbang at pantay sila para sa akin. Walang araw na hindi kami magkakasama. Kulang na nga lang ay magkakatabi na kaming matulog.

Nalimutan na nga namin ang tungkol sa deal e. Isang araw noon ay nagkayayaan kaming pumunta sa beach para mag-outing at eto ang nangyari.

(Flashback)

“Claire alam mo, matagal ko na talagang gustong sabihin ito sa iyo, kaya lang hindi talaga ako makahugot ng lakas ng loob. Claire, mahal na mahal kita. Simula palang kasi nang una kitang makita sa school, sabi ko ikaw na nga ang babaeng hinahanap ko. Iba ka kasi sa lahat ng mga nakilala ko.Totoo ka sa iyong sarili at alam mo ba kung ano ang lalong nagustuhan ko sa iyo? Ang pagiging boyish mo at saka nakakatuwa ka kasing inisin kasi lalo kang gumaganda.” Sinabi to ni Ace habang nakatingin sa mga mata ko. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang itinatapat niya ito sa kanyang dibdib. Ang macho luunggss >.<

“Ano ka ba, huwag ka na ngang magdrama diyan. Hindi naman bagay sayo e. Tara maligo na lang tayo, samahan na lamang natin si Skye. Tyaka wala akong balak magkaboyfriend ano.” Binalewala ko kunwari ang mga sinabi nya, pero ang totoo grabe na talaga ang kalabog ng dibdib ko.

“Teka lang Claire, hindi naman ako nagbibiro a, totoo ang lahat ng mga sinabi ko sa iyo. Kahit na wala pa ang deal talagang mahal na mahal kita.Please ako na lang ang piliin mo. Maawa ka naman sa akin, gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo ngayon. Please naman,” pamimilit pa rin ni Ace. Hindi namin alam na tanaw na tanaw pala kami ni Skye mula sa dagat.

Tumakbo akong papalayo para maiwasan ko si Ace. Sa katatakbo ko ay hindi ko namalayan na nadapa na ako at muli’y may nanumbalik sa aking alaala noong unang nadapa ako sa basketball court, parang naulit muli. Si Skye pa rin kasi ang nadaganan ko. Tinignan nya ko ng mabuti, parang may gusto siyang sabihin. Napapaiyak na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang mga tingin niya ay parang kakaiba. 

nagulat nalang ako ng sinabi nyang ... 

“Claire, I Love you with all my heart and my soul. Alam ko nahihirapan kang mamimili sa aming dalawa ni Ace. Iginagalang ko ang desisyon mo, kung ano man yon, ok lang sa akin. Pero ang masasabi ko lang, hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka rin lang sa akin.” Sa wakas nasabi na din ni Skye sa akin. Umiiyak na rin siya.

“Ayoko na,pagod na pagod na ako, pwede bang pabayaan na ninyo akong dalawa. Marami pang ibang babae diyan, hindi lang ako nag-iisa sa mundo.”

“Pero Claire, mahal na mahal ka namin. Alam kong mahirap pero kailangan mo na talagang magdesisyon.” Sabi ni Skye.

Naguguluhan na ako nang mga panahong iyon kaya gumawa nalang uli kami ng deal. Sabagay, gusto ko na ring makalabas sa problemang ito. Alam kong nakakatakot pero kailangang matapos na.

“Ok sa Lunes, grand finals ng basketball sa school. Dawalang team ang maglalaban. Kailangang pumili kayo ng tig-iisang team. Kung kaninong team ang mananalo siya rin ang sasagutin ko. Deal?” 

A Writer's Love Story ♥ FINNNNN ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon