Chap.1 ♥

28 1 0
                                    

Pagdating ko sa may gate parang ayaw ko pang tumingin kasi parang nakakatakot. syempre first day ko e. 

Grabe talaga yung kaba ko. At eto pa, alam ba ninyong parang naloka ako at mahilo nang matanaw ko ang dalawang lalaki na parehong naka-suot ng T-shirt na kulay blue at titig na titig sa akin habang pinagtatawanan ako.

Gigil na gigil talaga ako, kaya sira ang araw ko at nalimutan ko na tuloy ang tungkol sa wish at plano ko.

Wala akong nagawa at dahil sa sobrang inis ko ay sinugod ko ang dalawang lalaki at binato hawak kong bola. Tinamaan silang dalawa sa mukha. Pagkatapos niyon ay dali-dali akong tumakbong papalayo kaya hindi ko na nakita kung ano pa ang nagging expression nila.

Dumiretso ako sa canteen, bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. At dinagdagan pa iyon ng mga mokong na bastos kanina.

 Haaay naku ano ba ‘to ang dami namang tao. Pero wala rin akong nagawa kundi makipagsiksikan sa mga iyon.

Nang makarating ako malapit sa may pintuan ay may nakabangga sa akin. Mabuti na lamang at nasalo ako ng lalaking nasa aking likuran kung hindi, malamang napakalaki na ng bukol ko.

Kaya lang, laking gulat ko nang sa aking pagharap ay nakita ko na naman ang mukha ng dalawang lalaking kinaiinisan ko. Kaya, agad akong lumayo at pumila upang umorder ng pagkain.

Pagdating ko sa cashier ay agad kong kinapa ang aking bulsa upang makapagbayad, pero teka lang mukhang nawawala yata ang wallet ko ah! Naku ano ba namang malas ‘to asan na ba ang wallet ko.

Mapapahiya na talaga ako at parang maloloka na nang may mag-abot sa akin ng twenty pesos. Aba! Sila na namang dalawa. Bahala na, kailangan kong tanggapin ang pera naghihintay na kasi ang tindera.

Hindi ko na nakuhang magpasalamat, dapat naman talagang gawin nila iyon kasi sinira nila ang araw ko kaya bagay lang na sila ang magbayad sa lahat ng kinain ko ‘no.

Ang sarap-sarap ng pagkakasubo ko nang may magsalita mula sa aking likuran

“Ibang klase ka talaga miss, tinulungan ka na nga hindi ka pa nagpasalamat tapos, tatalikuran mo lang kami.

Napalingon ako at muntik pa akong mabulunan.

Pagharap ko ay ang mukha na naman ng dalawang lalaking kaaway ko kanina ang tumambad sa akin. Hindi na talaga ako nakapagpigil.

“Aba,aba,aba mukhang kayo pa yata ang may lakas ng loob na manumbat at magalit sa akin! Hoy, mga mokong for your information sinira ninyo ang araw ko at pwede ba, umalis na kayo sa harapan ko kasi baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa, okey!”

pagkasabi ko nun lumarga na akey at baka kung ano pa magawa ko sakanila makita nila ang OTHER SIDE ko. kawawa naman sila pag nagkataon >:))

~

A Writer's Love Story ♥ FINNNNN ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon