A Writer's Love Story ♥

68 2 0
                                    

“Sana dalawa ang puso ko, hindii na sana kailangan pang pumili sa inyo…”

Naranasan mo na bang mamili sa dalawang pinakamahalagang bahagi ng iyong buhay?

Hindi ba’t mahirap? Tulad nitong sitwasyon ko ngayon. Oo isa akong manunulat, sabi nga nila experience is the best teacher daw kaya naman siyempre maganda magsulat kung talagang naranasan mo ang mga nilalaman ng iyong kwento.

Kaya nga nagkandagulo-gulo ang buhay ko ng dahil sa experience na iyan. Malapit na kasi ang araw ng pasukan non, siyempre dahil isa nga akong manunulat kinakailangan kong makagawa ng isang istorya at siyempre ano pa ba ang temang makakapagbigay buhay sa mga tulad kong teens eh wala namang iba kundi pag-ibig.

Sobrang tanga ko naman kasi kung bakit pinasok ko pa ang sitwasyong iyon. Sa totoo lang hindi pa kasi ako nagkakaboyfriend at ni wala rin akong may napupusuan. Sabi ko para maiba naman ang life ko magta-try ako ng isang gimik na kakaiba. Tapos naalala ko na paano kaya kung maghanap ako ng boyfriend.

Take note: “Ako pa mismio ang maghahanap ha!” ang kapal ko talaga no? Aba, parang pinatotohanan ko na yata na baligtad na ang mundo, syempre babae ako.

 Well, hindi naman talaga ganoon ang totoo kong purpose, gusto ko lang naman talaganag magkaroon ng experience na magkaboyfriend para may maisulat akong article yung iba kase inspired samantalang ako. inspired kuno. Kitams, ang cheap ko talaga. Pero bahala na basta pagkatapos ng lahat ay hindi na ako uulit pa. Hindi naman totoong boyfriend eh, kunwari lang tapos ‘pag nagkaroon na ako ng ideya kung anong love story ang isusulat ko e di balik na naman sa normal ang buhay ko.

My decision is final. Pero ewan ko ba kung may papatol nga sa itsura kong ‘to. Haay naku, mahirap talagang maging writer, oo. Kung hindi lang talaga dahil sa kabaliwan na ‘to di sana ‘di ko pa naisipan ang kalokohang ‘to. Ah, basta bahala na.

Ganito kasi ang nangyari . Noong gabing maalala ko na maghanap ng boyfriend may dumaang isang falling star kaya nag-wish ako kaagad. Sabi ko kung sino man ang unang lalaking makita kong nakasuot ng t-shirt na kulay blue kinabukasan ay siya na iyon. Tatlo lahat ang wish ko, tungkol lang iyon sa paghahanap ko ng boyfriend. Ang ikalawa sabi ko kinakailangang makita ko siya sa harap mismo ng gate ng school namin atlastly sabi ko sana ay mahulog ang puso niya sa akin. Napaka-weird ko talaga. Wala naman akong magawa kasi heto talaga ang totoong ako. 

Kinabukasan siyempre excited na ako, first day kasi ng mission ko eh. Maaga akong nagising, naligo at nagbihis. Tamang-tama naman at free day namin ang ibig sabihin pwedeng hindi kami mag-uniform. Hindi naman ako mahilig magsuot ng palda, hindi kasi komportable kaya ang ending ko nakapantalon pa rin ako na skinny at naka loose T-shirt. Paborito ko kasi itong isuot at siyempre dala-dala ko pa rin ang bola ng Basketball at ang knapsack kong bag. Sino ba naman ang mag-aakalang naghahanap nga ako ng boyfriend e sa itsura ko pa lang parang daig ko pa ang isang tunay na lalaki. Bahala na basta nag-wish na ako kagabi. Nagpaalam na ako at umalis ng bahay.

A Writer's Love Story ♥ FINNNNN ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon