Ang anino

227 9 0
                                    

                Ang kapaitd kong si Dessa ay madalas magtabog sa tuwing inuutusan syang maghugas ng pinggan lalo na sa gabi kaya naman ang gawa nya ay kinabukasan na ito hinuhugasan, pero kahit alam nya ng sya ang maghuhugas ay nagtatabog parin ito kapag sinasabihan ni Mama.

                Isang umaga nakasimangot na ginising ni Mama yung kapatid ko kasi hindi na naman ito ng hugas. "Hoy Odessa, bumangon kana diyan. Nakaluto na si ate mo tulog ka pa rin, bumangon kana at kakain na tayo pagkatapos maligo ni Papa mo,wala pang mga plato maghugas kana!" pagalit na sabi ni Mama.

                Naghintay ako ng padabog na pagbangon pero wala, tahimik lang itong umupo, pagkatapos ay naghilamos at nagtimpla ng kape. Nagkatinginan kami ni Mama kasi isang himala yun na hindi nagdabog sa unang pagkakataon.

                Pagkatapos nyang uminom ng kape dumiretso sya sa kusina para maghugas. Hindi na namin pinansin ni Mama ang kakaibang behavior nya kasi para sa amin mas ok yun.

                Narinig ko na nag-uumpisa na syang maghugas ng plato. Himala talaga kasi dati kapag naghuhugas sya halos mabasag na yung mga pinggan sa pagdadabog nya pero ng araw na yun eh halos wala akong marinig na tunog ng nagtatamaang mga pinggan.

                Kaya naman nagulat na lang ako ng makarinig ng bumagsak na pinggan. Dali- dali akong pumunta sa kusina kasunod si Mama. Nakita namin ang kapatid ko na nakahandusay walang malay tao.

                "Dessa anong nangyari saiyong bata ka! Hoy gumising ka!" tarantang sabi ni Mama habang inaalog ang kapatid ko. 

                 Ako naman ay hindi alam ang gagawin, kaya naman dali-dali akong lumabas para tawagin sila tiya at tiyo para humingi ng tulong.

                         Dali-dali naman silang pumunta sa bahay, andun lang naman kasi sa compound  ang bahay nila kaya madali silang nakapunta sa bahay.

                        Umiiyak na si Mama, si Papa naman nakalabas sa banyo kahit na hubo't hubad, kaya naman pinabalik sya ng tiyahin ko sa loob.

                   Tiniinan nila ang sikmura ni Dessa kasi baka daw sinikmura lang, pero walang nangyari, kinagat ni Tiya yung bukong-bukong pero wala pa din, sinampal sampal nila pero wala pa ring malay. 

                        Napakunoot noo ako ng makita kong binubulungan ni Tiyo ang kapatid ko, gusto kong magtanung kaya lang baka magalit ito kaya tiningnan ko na lang. Naririnig kong parang tinatawag nya ang pangalan ni Dessa. Habang si Mama at Tiya ay pilit paring ginigising ang kapatid ko.

                            Ilang sandali pa nagkamalay na sya. .

                        "Anong nangyari sayo?Bakit bigla kang nawalan ng malay?" may pag-aalalang tanong ni Mama habang inaalalayang tumayo ang kapatid ko.

                        "Hindi ko Ma alam, sasabunin ko na sana yung mga pinggan ng may makita akong anino sa may banyo, kala ko anino ni Papa hindi ko nlng inintindi, pagtingin ko ulit wala na. Tapos bigla naman parang may kamay na humarang sa mata ko kaya dumilim yung paligid ko, sobrang dilim. Tinatawag ko kayo pero walang lumalabas na boses sa akin. Natatakot na ako takbo ako ng takbo pero hindi man ako nakakaalis sa pwesto, hanggang marinig ko ang boses ni Uncle Benny. Sinundan ko yung boses nya hanggang makakita ako ng liwanag, tapos yun nga nakapaligid kayo sa akin." kwento nya sa amin ng medyo mahimasmasan na sya.

                        Ramdam ko ang takot ng kapatid ko, kasi ganun din ang nadama ko ng una kong makita yung anino. Madalas ko syang maramdaman kapag nasa cr ako, minsa akala ko may tao sa kusina, akala ko si Mama pero kapag tinatawag ko naman walang sumasagot, kapag tinatanong ko naman si Mama kung pumunta sya ng kusina lagi namang hindi ang sagot nya. Hanggang makita ko itong nakatayo lang sa may pinto ng banyo. Lahat na ata ng buhok sa katawan ko ay tumaas ng magpakita sya sa akin, dali-dalii ako noong lumabas ng bahay kahit nanginginig ako sa sobtang takot.

                             Pero ang nakapagtataka anong ginawa nya sa kapatid ko, bakit nya ito tinakot ng ganun. Oo nagpapakita at nagpaparamdam sya sa akin pero kahit kailan hindi nya ako tinangkang lapitan. May nagawa kayang kasalanan ang kapatid ko sa kanya o nanibago lang din sya sa hindi pagdadabog ni Dessa ng araw na yun? 

                              Hanggang ngayon nararamdaman ko parin sya, pero hindi na sya nagpapakita. 

                             Simula nun kapag nagccr si Dessa o kaya pumupunta ng kusina lagi na syang nagtatabi-tabi po. May pangontra na din sya ulit.

__________________________________________

                         

 Gusto ko po maglagay ng picture hindi po ako marunong

.

I need help :(

                        

ANG BAHAY NI LOLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon