Khia (may tao)

194 7 1
                                    

            Si Khia ay ang anak ng aking kapatid na si Dessa. Cute, makulit, madaldal at bibong bata.

          Sa edad na dalawang taon ay sobrang tatas na ito kung magsalita. Lahat ng marinig nya ay inulit nya. Kaya naman parrot ang tawag sa kanya ng mga tao sa lugar namin. Lahat kami ay natutuwa sa bata. 

        Bago magdalawang taon si Khia ay sobrang sakitin sya, nakatira pa sila nun sa bahay ng biyenan ni Dessa. Halos araw-araw na ipapasuob ang bata, hindi rin ito nawawalan ng hika.

        Dumating yung araw na lumipat sila sa bahay ni Lola. Isa't kalahating taon pa lang nun si Khia. Kaya naman ng magdalawang taon sya ay andun na sila nakatira sa bahay ni lola.

        Napansin namin na simula ng magdalawang taon si Khia ay hindi na ito nagkakasakit, bihira na din itong atakihin ng hika, kaya lang may kakaiba na sa kanya. Oo mas naging makulit, matigas ang ulo at madaldal sya pero bukod dun, kapag madilim na lagi nyang sinasabi na "MAY TAO".

        Sa takot ng kapatid kong si Dessa dinala nila si Khia sa albularyo. May third eye daw ang bata kaya lang hirap daw itong sarhan sabi ng albularyo kaya naman binigyan na lang sila ng pangontra at lagi daw magdasal, yun ang bilin ng albularyo. Sinunod naman ito nila Dessa.

        Ngunit isang gabi daw sabi ni Dessa habang naglalakad sya na kay si Khia, papunta sila kala Ma (nanay ni Mama) habang padaan daw sila sa tapat ng isang madilim na ricemill, humigpit daw bigla ang yakap sa kanya ni Khia at saka pilit isinisiksik ang mukha sa kanyang leeg. Tinatanung nya daw ito kung bakit pero bumubulong bulong lang daw ito kaya hindi nya maintindihan. Ng makalampas daw sila sa madilim na ricemill bigla daw kinilabutan si Dessa ng marinig ang sinabi ni Khia. "Mama may tao, may tao Mama!" kaya naman binilisan nya daw ang paglalakad.

        Isang gabi naman kadarating ko lang galing trabaho, diretso ako sa bahay nila mama para kumain. Nakita pala ako ni Khia kaya naman kinulit nito ang ina na pumunta sa akin.

        Habang palapit sa akin yung mag-ina narinig kong nagtatalo yung dalawa, ayaw kasing dumaan ni Khia dun sa may puno ng niyog, eh dun ang malapit ni daan kaya naman napilitan si Dessa na dumaan sa main door.

        Nang makalapit ay agad kong tinanung si Dessa kung ano ang pinag-aawayan nilang mag-ina. "Hay naku ate hindi ko na alam ang gagawin sa batang yan. May tao na naman daw." yan ang sagot sa akin ng kapatid ko. Kaya naman naisipan kong tanungin mismo si Khia.

        "Khia asan yung tao?" mahinahon kong tanong sa bata. Bago sumagot tumingin muna sya sa akin. "May tao dun tita achelle." sinundan ko ng tingin ang itinuturo ni Khia. Bigla akong kinilabutan ng makita ko ang anyo ng isang tao na nakatayo sa may punong niyog. Agad kong ibinaba ang kamay ng bata na nakaturo at mabilis na humingi ng pasensya sa kung anumang nilalang yun. Pumasok kami sa loob ng bahay at isinara ko ang pinto.

___________________________________

Totoo po yang nangyari. Last week lang actually ^_^

              

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANG BAHAY NI LOLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon